General POV
Lunch time ng mga empleyado ng RISFEC kaya maraming tao sa cafeteria, this time sinigurado ng beki na makakasama niya ang mga kaibigan para mananghalian, kaya 10 minutes before their break starts ay nauna na siyang bumaba para di rin niya masagot ang tawag ni Terrence.
"Gurl, himala atang na kasama ka namin ngayon.", sabi ni Amne after drinking her ice tea.
"Oh edi mali si Nora Aunor, dahil totoo ang himala.", sagot ng beki.
"Saka parang kulang ka sa tulog.", puna ni Jan.
"Di ko na kayo nakita ni sir bumalik ng building kahapon ah, saan kayo pumunta?", tanong ni Karylle.
Tinignan lang ng beki ang mga kaibigan at patulog na tinusok tusok ang spaghetti na inorder.
"Hoy Jose Marie Viceral", tawag ni Anne. "Kasama ka nga namin ngayon pero parang di rin naman."
"Alam mo Vice, if may problema ka, pwede mong sabihin samin.", sabi ni Jan.
"Vice", tas hinawakan ni Karylle ng mahigpit ang kamay ng beki. "alam kong di pa tayo close, pero gusto kong sabihin sayo na pwede mo kong ituring kaibigan..."
"Gurl, sabihin mo na samin kung ano ang bumabagabag sayo? We are here to listen.", then Anne gave a sincere smile.
Nagsimula ng tumulo ang luha ng beki kaya mas lalong nabahala ang kanyang mga kaibigan.
"Uy Vice...tahan na...", pag comfort ni Jan.
Mas lalong hinigpitan ni Karylle ang pagkakahawak sa kamay ng beki everytime na may pumapatak na luha sa mga mata nito. Alalang alala sila sa beki dahil di ito nagsasalita at patuloy lang dumadaloy ang luha.
"Uy tama na yan, ayaw naming umiiyak ka.", pakiusap ni Karylle.
"Ta-talaga?", tanong ng beki.
"Oo naman.", sinserong sagot ni Karylle.
"Bitiwan mo kamay ko Karylle.", utos ng beki at napansin naman ni Karylle na nahawakan niya pala ng mahigpit yung sugat sa kamay ng beki. "Nakakaloka ka, yung sugat ko talaga hinigpitan mo ng hawak.", dagdag ng beki habang pinupunusan ang luha.
"Ay sorry naman.", natatawang paumanhin ni Karylle.
"Bat ka ba umiyak? Kasi sa tingin ko may malalim pang dahilan yan.", tanong ni Jan.
"Yung sugat nga lang.", sagot ng beki.
Isang hampas naman ang natangap ng beki mula kay Anne. "Ano nga ba yang iniisip mo? Alam kong di lang yang sugat mo sa kamay ang masakit."
"Wala nga.", sagot ng beki.
"Ay grabe siya, dati chinichika mo lahat samin, tas ngayon di na.", sabi ni Anne.
"Sus, kahit di magsalita yan halata namang si sir yung iniisip.", pang aasar ni Jan.
"LQ ba?", tanong ni Karylle.
"Anong LQ? Wala ngang kami diba, ganun lang talaga ang pagtrato namin sa isa't isa. Nakakainis kayo.", iritang sabi ng beki.
BINABASA MO ANG
My Beki Sexytary
Fiksi PenggemarWill an out and proud gay secretary be the reason for the smile of his boss's heart? --- virence fanfic