General POV
2 months passed and they became closer and more comfortable being with each other. Mapagkakamalan mo na nga talaga minsan ang dalawa na mag jowa kaya panay ang tukso nila Anne at Jan sa beki nilang kaibigan.
Terrence and Dianara are still in a relationship pero halos di rin naman sila nagkikita dahil busy sila kanilang sariling mga careers. Pagnagkita naman sila, wala din silang matinong pag-uusap dahil pag-aaway lagi ang nangyayari. In short, naging malabo na ang relasyon nila...tanging label na lang ang kumikilala na sila pa.
"Girl, lunch na tayo.", bungad ni Anne sa beki na kasama si Jan at ang kulot na babae.
"Teka", sagot ng beki habang inaayos ang loob ng bag niya.
"Ay siya nga pala, I'm sure kilala mo na tong si Karylle, siya yung nasa information desk sa baba.", paliwanag ni Anne. "She'll be eating with us."
"Ay bet.", sagot ng beki then she stood up. "Tara na"
But before she can even make a step away from her table ay nag ring na ang telephone kaya sinagot niya ito.
"Good morning, Romeo Illimitable Sports and Fitness Equipment Corporation...how may I help you?", tanong ng beki.
"Pasok ka.", utos ng boses sa kabilang linya.
Binaba ng beki ang phone at tinignan ang kanyang mga kaibigan na ngising ngisi nanaman.
"Vice, sige na. We understand.", sabi ni Jan na nginiting ngiti then he gave hand gestures to let Vice go inside the CEO's office.
"Ikaw gurl ah, wag ka nang magtaka kung bakit kanamin tinutukso kay sir.", pang aasar ni Anne.
"So totoo pala talaga yung mga naririnig ko.", natatawang sabi ng ni Karylle.
"Hoy wag ka ngang makisali, di pa tayo close.", sabay irap ng beki at pabirong nagtaray.
Tinawanan lang siya ni Karylle. "Pero infairness ah, bagay kayo."
"Aba,ginawa pa kaming gamit. Tse"
"Totoo naman kasi.", sagot ni Karylle.
"Na gamit kami?", tanong ng beki.
"Na you look good together, yan ibig kung sabihin.", paliwanag ni Karylle.
"So panget ako pag wala siya? Aba aba."
"Ewan ko sayo, alam na kaya ng mga empleyado dito na nag iba si sir dahil daw sayo. Like for example, mas di na mabilis uminit ulo niya. Ganun yun.", sagot ni Karylle.
"Hinihipan ko eh.",sagot ng beki.
"Hoy gurl,", isang hampas na mahina ang natangap ng beki mula kay Anne. "Ang bastos neto! Yuck!"
"Luhluhluh", parang putak ng manok na sabi ng beki. "Di ka nagiihip ng ulo? Ever?", pang asar ng beki.
"Never!", sagot ni Anne. "Teka, anong ulo ba?", natatawang tanong niya.
"Ayun ang dumi ng utak eh, yan tinutukoy ko.", tas tinuro ng beki ang ulo ni Anne. "Sana gamitin mo yang nasa loob ah, pero kung hindi, benta mo na sa OLX.com"
"Heh, pero mamatay ka man? Yan talagang ulo ang tinukoy mo?", tanong ni Anne.
"Ehh di makiramay ka na lang.", sagot ng beki.
BINABASA MO ANG
My Beki Sexytary
Fiksi PenggemarWill an out and proud gay secretary be the reason for the smile of his boss's heart? --- virence fanfic