Tangled.5 - It's beyond me, I cannot carry the weight of the heavy world

99K 3.4K 554
                                    

"Where's your mom?"

Nakabalik na ako dala ang tatlong cups ng kape. Hindi ko naman naabutan ang Mama ni Apollo. Siya na lang ang naroon. Nakaupo siya sa couch at tila ba nag-iisip nang napakalalim. Mukhang hindi naman niya ako napansin dahil sa lalim ng iniisip niya. Nag-aalala na ako sa kanya. The last few days were bliss and a blur.

Alam ko ang pinagdadaanan niya nitong mga nakaraang araw. I understand him. Iyong thought kasi na nasa panganib ang buhay ng kapatid mo ay mahirap talaga. I felt that when Tricia and I lost Penelope over Ate Raquel. I saw how depressed my sister was kaya nga gumawa ako ng paraan para makuha muli ang pamangkin ko. I was so happy when Yael – Achilles' cousin help me find Raquel. Nang makita namin siya ay agad humingi ng tulong si Yael sa child services at sa iba pa niyang connections para maiuwi ko si si Penelope sa Dallas. My sister became very happy when I came home with Penelope. She was very thankful. Iyon nga lang na buhay naman ang ate ko, pero malungkot siya nakaka-stress na, paano pa kaya iyong comatose ang kapatid niya?

I sat beside him and cupped his face.

"Hey... what's wrong? Did something happen to your brother? What did your mom said? Did she hate me?"

"She didn't. She just... well... may sinabi lang siya na dapat kong gawin..."

"And what's that?" I asked. Interesado ako. Alam ko kung anong pinagdadaanan niya and I would do everything just to get rid of the pain. Hinawakan ko pa ang kamay niya para mas maramdaman niya na nasa tabi niya ako at hindi ko siya iiwan.

"Nothing important." Naging mailap na naman ang mga mata niya. "I'm just gonna take a shower and lay down. I'm kind of tired." Binitiwan niya kamay ko at umalis. I watched him as he leaves.

Habang tumatagal ay nararamdaman kong lumalayo siya sa akin. I sometimes wish that we didn't get married at all. Mas gusto ko siya noong hindi pa kami kasal – although gusto ko pa rin naman siya ngayon, iyon nga lang, pakiramdam ko kasi ay may nagbago.

If I didn't know any better, iisipin kong ibang tao nga siya, na baka siya iyong kakambal niyang si Apollo – but then, that would mean na si Achilles ang nasa coma stage – na hindi naman pwede because he's here with me now.

Inayos ko na lang ang living room namin. Habang naglilinis ay napulot ko ang dirty dice na pag-aari ni Achilles. I read the sides. Nakakatawa naman pala iyong mga nakalagay.

Suck.

Kitchen top.

Eat.

Ears.

Pussy.

Side buttocks

And it goes. Naintindihan ko na kung bakit dirty dice ang tawag. Inilagay ko iyon sa bulsa ko tapos ay nagluto na ako. Nagprito ako ng manok para sa aming dalawa tapos ay gumawa ako ng java rice para pa rin sa aming dalawa. I like preparing dinner for him. Napapansin ko kasi na magana siyang kumain. Mas magana kaysa dati. Noon kasi kung hindi ko pa siya pilitin na ubusin ang pagkain niya ay hindi niya gagawin iyon. Palagi kong sinasabi na maraming batang nagugutom sa mundo and Achilles would say: Fine, fine. Subuan mo ako.

Mas natutuwa ako ngayon dahil hindi ko na siya kailangan pilitin pang kumain. Nang makaluto ako at dinala ko na lang sa silid namin. Wala siya doon. Siguro ay nasa silid siya nang kapatid niya. Doon naman ako nagpunta. I found him there, lying on the bed, watching tv.

"Hey, Labs! Kain na tayo." Ibinaba ko ang tray sa gilid ng kama. I realized that he wasn't watching tv. He was in a conference call. "Oh, I'm sorry! I didn't mean to interrupt!" Bigla ay nakaramdam ako ng hiya.

TangledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon