Tangled.20 - And when we go crashing down, we come back every time.

192K 5.2K 2K
                                    

"Is she going to be okay?"

Achilles kept on asking me. Hindi ko naman siya maagot dahil na rin sa katotohanan na hindi ko alam kung anong isasagot sa kanya. Wewe got shot. Dalawa ng tama ng baril sa kanya – isa sa likuran, isa sa bandang likod ng hita. She was battered. Tuwing naaalala ko ang hitsura niya ay nakakaramdam ako ng paniugho sa nanay niya.

Naalala ko ang madalas sabihin noon sa akin ni Mama, wala daw ina na hindi nagmamahal sa anak. May exception pala doon. At iyon ang nanay ni Sabrina. Walang pagmamahal ang babaeng iyon para kay Sabrina. Nagawa niyang saktan ang sarili niyang anak gayong ng gusto lang naman ni Sabrina ay ang mahalin. I hate that woman. I want her to rot in jail.

"Hindi ko alam, Achilles." Matipid na wika ko. Nagulat ako nang suntukin niya ang paer. Napaupo na rin siya sat bi ko matapos iyon. He look as if he is going to cry.

"Pwede naman akong mag-alala sa kanya kahit na inaangkin mo n siya diba?" Tanong sa akin ng kakambal ko. Tinapik ko ang hita niya at saka tipid na ngumiti.

"Pwede naman. She's was once yours."

"Does that mean your claiming her?" Tanong pa niya habang nakangisi. Hindi ako sumagot. Hindi ko kasi alam kung paano ko sasagutin ang tanong na iyon. No doubt may something special sa pagitan naming dalawa pero hindi ko alam kung hanggang saan ako kayang dalhin noon. I realized that she was special that moment when she asked me if I was willing to share her with Achill or easily give her away – that thought alone made me mad. Hindi ko yata kayang Makita siyang kasama si Achilles ulit.

Buo na kasi sa isipan ko ang ideya ng kaming dalawa at hindi na yata iyon mabubura. Kaya nga may nangyari sa amin khit na alam kong mali ang mga bay sa panahong iyon, kasi nga kailangan ko siya. Hindi lang kami basta dalawang consenting adults na gusto lang maglabas ng libog sa katawan ng isa't isa. There is something deeper between the two of us.

"Kambal."

Sabay kaming napalingon ni Achill nang marinig namin si Telulah. Papunta siya sa amin at may kasamang dalawang pulis. I was expecting that para sa proteksyon ni Sabrina. Hindi pa naman kasi tapos dahil buhay pa ang nanay niya at baka mamaya ay si Raquel Lactaotao naman ang sumunod para saktan siya o ang mama ko.

"Hey, Tel, anong atin?" Si Achill ang nagsalita. Nagmamasid lang ako sa paligid.

"Okay naman na. Nadala na sa presinto si Venus San Ravalo. Nakakulong na siya at bukas na buks magsasampa ng kaso si Ma Hera sa kanya." Hindi ko alam kung bakit nakakadama ako ng kaba dahil sa hitsurang iyon ni Telulah ay parang may dala siyang hindi magandang balita.

"Para saan ang mga pulis?" Tanong ko.

"Para kay Sabrina Lactaotao. Accessory siya sa krimen ni Venus. Kasama siya sa dadakipin. On-going na ngayon ang paghahanap kay Raquel Lactaotao."

Noon ako napatayo. "Nababaliw ba kayo? She was shot! She saved my life! She saved my mother's life!"

"Hindi, Apollo." Sabi ni Telulah. "Venus San Ravalo confessed at damay ang dalawa niyang anak. Kahit hindi siya kasuhan ni Mama Hera, kakasuhan naman siya ng mga pulis. I'm sorry. Nandito sila para siguruhin na hindi makakatakas si Sabrina lalo na kapag nagkamalay siya."

Nakuyom ko ang mga palad ko. Gusto kong kwelyuhan ang mga pulis na iyon.

"Wala silang warrant." Sabi ko pa.

"Meron." Sagot naman ni Telulah. "Sorry, Pol, Tay tried talking them out of it but he can't do anything. Matigas ang mga pulis. Si Venus naman, ang sabi niya, if she's going down, she will drag her daughters with her. Ayaw niyang mag-isa kaya damay-damay ang lahat."

TangledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon