Tangled.11 - I'm afraid that I gotta do what I gotta do

78.5K 3.3K 1.4K
                                    

I woke up in the middle of the night when the bed I was in moved. I looked back and I saw Achilles climbed the bed. Ngumiti ako sa kanya. Niyakap niya ako tapos ay hinagkan sa noo.

"Where have you been?" I asked him.

"I blew off some steam." Binuksan niya ang lampshade sa gilid ng higaan naming dalawa. The maids said that this room used to be Achilles and Apollo's room. Nahalata ko naman dahil pagpasok ko ay sumalubong kaagad sa akin ang double deck na siguro ay hinihigaan nila noo. The deck was huge. Malapad ang hagdanan noon sa gilid at mukhang pina-customized pa iyon. Kasya nga kaming dalawa sa ibabang bed.

"Tell me what happened to Mom?" He asked me. We both sat up and faced each other. Nakaka-miss din iyong ganito. Noon kasi bago kami matulog ay nag-uusap kami nang ganito. We would ask how each other's day were and then we'll end up making out and we'll fall asleep together – almost naked. Minsan ay tinatanong ko sa sarili ko kung bakit hindi ko pa ibinigay noon sa kanya. Nasayang tuloy.

"Well, she seemed very upset. I'm afraid that she won't like me because of what's happening." Sabi ko sa kanya. Ngumiti si Achilles sa akin.

"She will like you. What's not to like. You are perfect, Wewe and I love you so much." Hinalikan niya ako at niyakap. Nahiga kaming dalawa nang magkayakap.

"Are you really going to sue Apollo?" I asked him again. Matagal ko naman nang gustong itanong iyon sa kanya.

"Yes."

"But how about your mom?" I asked him again. Naalala ko ang mukha ni Hera Vejar kaninang kasama ko siya sa sementeryo. She was really in pain and I couldn't help but feel a little ray of sunshine in my heart kahit na alam kong mali iyon. Sa ugali niya kasi, hindi naman masama na mahirapan siya kahit na kaunti lang. Sigurado naman ako na ngayon lang siya nakakaramdam ng hirap. Siguro ay masakit talaga na makita ang mga anak niyang nagpapatayan, it's Apollo's fault – and yet, naaawa pa rin ako sa kanya kaya hangga't kaya ko, pipigilan ko si Achill. Hindi dahil kay Apollo kundi dahil sa Mama niya.

I wanna gain her trust.

"She will understand me. Mag-uusap lang naman kaming dalawa. Kapag nalaman niya ang side ko, sa akin papanig iyon. She was always hard on Apollo. Maiintindihan naman niya ako. She was always siding with me. Kahit na noong mga bata pa lang kami."

Ngumiti lang ako matapos niyang magpaliwanag. Isiniksik ko na lang ang sarili ko sa kanya tapos ay ipinikit ko ang aking mga mata. Hindi ko alam kung panaginip lang ba o totoo na may kausap si Achilles sa phone at sinabi niyang ilabas ang picture ni Apollo Vejar sa press at may reward ang kung sino man ang makakapagturo sa kapatid niya.

Kinakabahan na ako. Gyera na ba ito? I never wanted this to happen. In the middle of the night, I left Achilles' side and took in some fresh air. I was looking at the vast darkness in front of me. I feel different.

Dapat ay masaya ako na bibigyan ako ni Achilles ng hustisya dahil sa ginawa sa akin ng kapatid niya. Masaya ako dahil tanggap niya ako at mahal niya ako. Na walang nagbago sa pagtingin niya sa akin. Na hindi niya ako iniwan. Masaya ako dapat but seeing their family being torn apart because of me makes me feel so different.

"Hi, Sabrina!"

Napatalon ako sa gulat nang biglang may magsalita sa likuran ko. Nakita ko iyong pinsang babae ni Achilles na anak noong abogado. Si Telulah. She was smiling. Naka-short lang siya at sando habang naglalakad siya papunta sa akin. Naupo siya sa isa sa garden chair at nagdekwatro sa harapan ko.

"Bakit gising ka pa?" She asked me. "Si Achill, dumating na ba?"

"Tulog na siya." Malumanay na sagot ko. I sighed. "I'm sorry for the mess."

TangledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon