Tangled.12 - I'm full of regret for all the things that I have done and said

86.8K 3.5K 1.1K
                                    

There were so many questions in my head while I was looking at Achilles that morning. Hindi kasi maalis talaga sa isipan ko ang mga sinabi sa akin ni Telulah nang nakaraang gabi. Kanino ba ako maniniwala? Totoong mahal ko siya pero sa ngayon, hindi ko kayang ibigay sa kanya ang benefit of the doubt ko. His eyes were telling me something was wrong and that has something to do with Daphne – probably.

"I hired a P.I. to look for Apollo." Iyon agad ang panimulang bungad niya sa akin. Nasa hapag-kainan kami noon. Agad namang nagbaba ng kustsara ang mama at papa niya habang nakatingin sa kanya. Si Tia naman ay tumingin agad sa akin. Si Percy ay ngumisi.

"P.I. as in Putang ina?"

"Perseus Olympus!" Sigaw ni Queen Hera.

"Joke lang Ma! Joke!"

"I'm serious Ma, idedemanda ko siya dahil sa ginawa niya sa girlfriend ko."

"Wala akong pakialam sa girlfriend mo o sa'yo, Achilles. Give your brother a break!" Si Mr. Vejar ang nagsalita. Hindi naman kumibo si Achill.

"I am mad as hell, Papa. Kailangan mabigyan si Wewe ng hustisya." Malumanay na siya nang sumunod siyang magsalita. Queen Hera walked out. She mumbles something about calling hell. Hindi ko alam kung anong sinasabi niya pero mukhang wala namang kinalaman iyon sa pinag-uusapan. Si Achilles naman ay sinundan ang Mama niya. Si Tia ay umalis din at sinama si Percy. Naiwan kami ni Mr. Vejar.

I looked at his amber eyes. Ang sabi ng Mama ko noon, kung gusto kong malaman kung totoo sa akin ang tao ay titingin ako sa mga mata niya. Ganoon ang ginagawa ko ngayon.

"Mr. Vejar..." I called him. He looked at me. "Daphne..." Isang salita ko pa lang ay naging mailap na rin ang mga mata niya. Nanghina ako.

Totoo ang lahat ng sinabi sa akin ni Telulah...

Achilles did that. Oh my god.

Mr. Vejar left the dining area. Ako naman ay naiwan doon na para bang pilit binubuo ang isang bagay na nabasag na. Achilles did that... my sweet Achilles. Why? What were his reasons? I need to know.

Lumabas ako ng dining area. Doon nakita ko si Queen Hera sa living room na may kausap sa phone. Noong una ay hindi ko siya marinig but then when I realized who she was talking too, kinabahan ako.

Hindi ko sigurado kung si Apollo ba ang kausap niya pero paulit-ulit niyang sinasabi ang salitang Bohol.

I figured things out. Maybe Apollo was in Bohol and I have to get there. I don't know why but I need to get there. Lumabas ako ng bahay. Doon naman ay nasalubong ko ang secretary ni Apollo sa Compostela - si Betchay.

Nagkatinginan kami.

"Betchay?" It was Achilles' voice. Kababa lang ni Betchay ng taxi. She smiled when she saw my boyfriend. Bigla ay kumulo talaga ang dugo ko.

"Hello, Sir Achilles. I'm so glad you're okay now." She showed him her teeth. Tumawa si Achill at niyakap si Betchay. Hinagkan niya pa si Betchay sa sentido.

"Eherm... close kayo ano, sobrang close nakalimutan ang fiancé." Natigilan naman si Achilles at saka lumipat sa akin.

"Fiancé ko, si Wewe."

Bigla ay naalala ko ang pag-stay ko sa Compostela. May alam siya noon kaya pala Sir A lang ang tawag niya kay Apollo.

"What are you doing here? Buti at nadalaw ka! Wala na akong balita sa'yo nang umalis ka kina Yael."

"Ay! Ano po. Nasa Compostela po kasi ako. Kay Sir Apollo ako nagtatrabaho. Pinaaral niya po kasi ako..." Paliwanag ni Betchay. Nakita ko naman na nagbago na naman ang ekspresyon ng mukha niya nang marinig ang pangalan ni Apollo.

TangledTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon