Alice POV
Then everything went groggy mula dito sa kinauupuan ko..
AND EVERYTHING WENT BLACK.
---
I woke up.. Na nakita ko yung ilaw.. Huh? Bakit may ganto?
I tried to get up.. Pero nakasuero pala ko.
Ay nako. Ano ba re?
"M-ma? Ikaw ba yan?"
"Oh anak! Buti naman at nagising ka na.."
"Huh? Nanunuod lang ako kanina ng--"
"GUUURL! Juskeeeh. Pinag-aalala mo kami.. Anyarey?" Geann
Kasama nya yung barkada naming with matching mga chubalors chubaekek na pagkain -.-
"May sakit ba ko? Hoy. Nanunuod lang tayo kanina ng UN ah?"
Then.. Nagtinginan sila with.. anong-pinagsasasabi-nito look.
"Hah? Anong UN? Kelan yan?" Ella
"Pageant! Si Yhell nga nilaban sa B eh! Saka si Brixx--
UMAMIN DAW SYA SAKIN"
"SHHHH!" lahat sila. Ay. Ang lakas pala ng boses ko XD Lumabas kasi si mama. Ewan ko ba. Tinawag ata ng doctor..
"Yiiie! Guurl! Hangswet :D Pero.. PANAGINIP LANG YAN TEH!" Yhell
"Seriously.."
"Seryoso din kami teh. Alang UN na naganap." Jerome.
"What? That was all true and--"
"Huy. Wala ngang UN na naganap..
NABUNDOL KA NG SASAKYAN. AND YOU WERE UNCONCIOUS FOR AROUND 2 DAYS"
My ghad. SRSLY?
"H-hah? Seryoso ba kayo?"
Ugh. Nagrurumble na mga tanong sa jutakles ko T^T
"By the way gurl. Nagpunta dito si Dyler at Brixx kahapon.." Yhell
"Huh? Sabay?!"
"I did not say SABAY. Nagpunta lang sila. Hey hey. Pagaling ka ha. Nakapagquiz na rin kami sa comp and everything." Yhell
"Labas lang kami wah. Kausapin ka daw ni tito and tita" Jerome
---
Sinabi lahat sakin ni mama nangyari.
Brixx... He saved me.. Kung di nya ko nakita panigurado... Ewan ko na lang. Gulo no?
"Dadating na si papa maya maya. Nasa meeting kasi. Pero umalis na. Hintay lang haa. Sinundo na ni papa yung dalawa.
"Sige ma."
I wanna cry.. Di ko alam gagawin ko. Grabe.. Bakit wala akong matandaan ni isa na nabundol ako? Habang nagiisip ako eh biglang may nagbukas ng pinto..
Si Brixx
"Oy.."
"Hey. Salamat nga pala sa---"
O_O
He hugged me very tight. Papatayin ata ako eh? -_-
"B-brixx! h-hndi ako makahinga!!!!"
"Uy. Sorry. Alam mo ba kung gano ko nagaalala sa bespreng ko?!"
"Hindi ko naman sinasadya eh.."
"Tsss. Kung di kita nakita dun sa gitna ng HIGHWAY.."
"SERYOSO?! GITNA NG HIGHWAY?!!!"
"Hindi pa ba nakukwento ni tita? Teka.. Dapat alam mo! Ikaw nabundol eh."
"Hindi ko kasi.. Ah.. Maalala.."
"Oh?!"
"Pero kwinento na ni Mama. Hindi lang nya nabanggit yung highway. Salamat ah.."
"Ah.. Wala yun.." napakamot sya sa batok nya sabay ayos ng buhok..
Shet. Nahulog na anghel mula sa langit! As in.. Gwapo na savior pa :D
"Alice..."
"Yep?" sabay kagat sa apple na dinala nila Geann.
"Nasabi ko na ba sayo na..."
"Na ano? *crunch"
"Na..."
"Na?"
"Na... NA MAHAL KITA?"
"Ay kalabaw kekong!"
Nahulog kasi yung mansanas ko.. -____- Madumi na tuloy..
"Ano'y sabi mo Bes?"
"*sigh... MAHAL KAKO KITA."
Napatitig na lang ako sa kanya bigla.. Nakakainis naman! Si Dyler gusto daw ako tapos eto... MAHAL NA AGAD?
Brixx POV
Alam ko eto na yung pagkakataon ko para magtapat. Hay.
Ang hirap pala sabihin. Parang pumapasok pabalik sa lalamunan mo...
Nagtitigan lang kami na ewan ko ba kung ano tumatakbo sa utak nya sa mga oras na yon.. Nakakakaba.. Baka ireject nya ko eh..
"Uy.. Brixx.. Bes.."
"O-oh?"
"......"
Yumuko sya na para bang di na nya alam yung sasabihin nya,..
"Ano yun Alice? Sige.. Sabihin mo lang..."
"S-sorry.."
"Hah? Bak-kit?"
Wala nangangatog na yung boses ko. :( Alam ko na kung anong kahihinatnan ko... Saklap.
"Gusto ko kasi si Dyler at gusto ko din sya.. Sana maintindihan mo.. BES"
OO. Heh.
Bestfriend. Hanggang dun lang naman kaya kong abutin.. Tumulo na yung luha ko pero agad agad ko nang pinunasan.. Ayokong Makita nya kong umiiyak.. Pero ewan ko ba kung bat nakita nya..
"Brixx... Sorry"
"*sniff O-ok lang. Ha-ha-ha. S-sige pahinga ka na wah. T-tataw-wagin ko na si tita.."
Nakatalukbong ako ng damit ko papalabas. Sa ospital pa na to nangyari.. Hay. Sobrang sakit..
(A/N) NakapagUD rin! :D Haaaaaaaay. Anong masasabi mo? Comment beloww! Follow me and Joan on twitter: @greenLANTEEERN and @joe_davin24 . You can also ask questions about the story on my ask.fm account. dracoMalfoy22 .Team Brixx or Team Dyler? Dami pang mangyayari! Don't miss it ") Thanks for the support! :D Love you guys. Vote. Support. Spread :D
GreenGlynx~
BINABASA MO ANG
Mr. Chinito: Impossible Love Story
Teen FictionAlice, Alice.. In WONDERLAND? She wishes so. Pero ito ang REAL WORLD. Facing problems, joy and sadness. Normal teen.. Pero makikilala nya si Dyler.. Obviously.. Isang CHINITO. And her whole world changed from SIMPLE to OMG. How IMPOSSIBLE? Read on...