Chapter 8

24 0 0
                                    



"Nanay, ang laki talaga ng problema ko ngayon." Daing ko kay Rosalie habang nakayakap sa kanya.

"Aba, prinsesa. Kahit ano ba, wala kang naisip na ibibigay sa kanya? Bukas na yon!" Napa-nguso na lang ako sa sinabi ni nanay.

"'Nay, I can't think of anything that he needs, or wants. He almost literally have everything."

"Bigyan mo ng McLaren, 'nak. Wala pa siya non, di ba?" Pabirong sabi niya.

"Hindi tayo sobrang yaman, nanay! Hindi natin kayang bumili non para iregalo lang sa birthday niya!" I scold my mom. Seriously? Parang ako pa ang lumalabas na nanay sa aming dalawa.

Tumawa naman siya at sinabing, "Bahala ka na dyan, wala akong maisip. Good night, prinsesa." Humalik siya sa noo ko at lumabas na ng kwarto ko.

A few months have passed. My identity is out in the open. Hindi ko alam kung wala ba talagang threat na nangyari o dahil lang sa I am in a protection detail program ng The Infinity. Kung meron man, hindi binabanggit sa akin ni UNO at lalong hindi ako nagtatanong. Hindi ako interesado. ACE still works alone. Bibihira sa isang buwan ko siya makita kahit na nasa bansa na siya. XD is back in our world and the remaining 5 also laid out their identities in the open. Pretty much, wala nang palaisipan kung sino kami.

But one thing is for sure, alam ko man na medyo nag-lie low ang mga nangyayari sa WOG, I also know that I have to be more careful. Sa mundo namin, mas tahimik, mas delikado.

Anyway, ano bang ireregalo ko don? Birthday na niya bukas!

"Anak ka ng tipaklong!" Nawala ako sa pag-iisip nang biglang tumunog yung phone ko. "WHAT?!" singhal ko nang sagutin ko yung tawag.

"Easy, Yin. Beast mode agad?" Natatawang sabi ni Edwardo sa kabilang linya.

"Huwag mo akong maasar-asar dyan, Stevenson. Nabu-bwisit ako sayo."

"Ano na namang kasalanan ko sayo?" nagtatakang tanong niya.

"Pinagpoproblema mo ako! Anong gusto mong regalo?"

"You, on my bed right now. You, the first thing I will see tomorrow morning when I wake up." seryoso niyang sagot.

My heart skipped a beat.

Kahit naman kasi napaka-liberated ng utak ko, never na ulit kaming nagtabi matulog sa iisang kama after nung incident sa FLG.

"Yon lang?" tanong ko sa kanya.

He chuckles, as if that thing is impossible to happen.

"Intayin mo ako dyan. Give me an hour or two." Pagkasabi ko noon ay in-end ko na yung tawag namin.



Nakarating ako sa bahay nila Edwardo pagkatapos ng tatlong oras. May inasikaso pa kasi ako kaya medyo natagalan ako. At medyo sumasakit din ang likod ko.

"Good evening, ma'am Carlie," bati sakin ng guard ng mga Stevenson bago ako pagbuksan ng gate.

Hinubad ko muna ang helmet ko, "Kuya Nestor, sabing Carlie na lang po. Talaga kayo." May ngiti sa labing sabi ko. Napatawa naman siya. "Sige na, kuya. Pasok na po ako."

Tinanguan lang ako ni kuya Nestor habang nakangiti, kinawayan ko siya at ipinasok ko na yung bike ko sa loob at diniretso sa garage para i-park.

Habang inaayos ko yung bike ay nakaramdam ako ng presensya malapit sakin. Hindi naman siguro? Naialis ko na sila kanina sakin kahit saglit lang. Nang mas pinakiramdaman ko yung presensyang 'yon, bigla akong napatigil at napa-buntong hininga.

"Carlie," tawag niya sa akin nang may bakas na pag-aalala sa boses.

Humarap naman ako sa kanya at ngumiti. "Sorry, natagalan ako. Ikaw naman, pwede mo naman na akong intayin sa loob. Sinundo mo pa ako dito."

A.N.D.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon