Chapter 11

42 2 1
                                    

KHAYLIE'S POV

"Pak! Ganern! Pak pak, ganern ganern! Pak! Ganern! Pak pak pak, ganern ganern ganern!" patuloy lang ang paglalaro ng mga kaklase kong mga ulol.

Nandito ako ngayon sa classroom dahil tapos na ang sembreak at nakakaloka na dahil ayoko nang mag-aral. Nakakatamad kasi.

"Bes, kailan ba yon, bes?" pangungulit ni Carlie sa akin. Nakatungo ako sa lamesa ko at siya naman ay niyuyugyog ako. Tawag siya nang tawag ng 'bes' dahil yon ang uso ngayon. Nakakaulol na rin to si Ravena minsan eh.

"Hindi ko alam, bahala ka dyan." sagot ko sa kanya. Paano kasi, tanong nang tanong kung kelan ba magpapakilala si Jayvee bilang si UNO sa The Infinity. Eh sa hindi ko rin alam. Mas excited pa ata siya kesa kay Jayvee eh.





Pero hindi ako nakakasiguro kung sa paglabas ba ni UNO siya excited o baka dahil sa sinabi non ni CL na, a war is about to begin.

I swear on my late BMW bike that it's the latter.


Sleep was about to drown me when I felt my phone vibrates inside my pocket. Kinuha ko iyon at tiningnan kung sino ang nagtext.





Paris 16: Back of SB. Calculation: a bunch of class Ds. Code: Tiger.


Napabuntong hininga ako nang mabasa ko ang text ng isang aspirant na isa sa mga nagbabantay kay Ravena. Ang aspirant na iyon ang babaeng nagsabing si Ravena ay si Pain Princess, which is correct, noong unang punta ni Carlie sa HQ. Inilibot ko ang mga mata ko sa buong classroom at hindi na ako nagulat nang hindi ko nakita ang babaeng may kulay pink na buhok. Yung text kasi ni Paris ay nasa likod ng SB si Ravena at may handang sumugod sa kanya na 'a bunch of class Ds'. Kaya calculation lang ang inilagay ni Paris don ay dahil nga hindi naman namin alam ang class ng isa't isa, kaya nga calculation lang eh. Tapos ang code naman na iyon ay kung gaano kalala ang sitwasyon. Tiger, Dragon, Demon, and then God. Kung hindi pa obvious eh pinaka-grabe ang Code na God.

At dahil hindi naman nakaka-panic ang code, napabuntong hininga na lang ako at napipilitang tumayo sa kinauupuan ko para puntahan si Ravena sa likod ng building. Istorbo sa pagtulog talaga, kainis!

Medyo may kalayuan pa ako sa lugar kung nasaan si Ravena ay tanaw na tanaw ko na ang ngisi niyang demonya. Napailing na lang ako sa nakita ko. Pinapalibutan siya ng pitong tao na sigurado akong mga estudyante rin dito sa academy. Nang makalapit ako sa kanila ay nakumpirma ko nga ang hinala ko dahil ang pitong mga tao na yon ay hindi naman na bago ang mga mukha sa akin. Tatlo sa kanila ay ka-batch namin.

Napangisi ako nang makita kong napasimangot ang mukha ni Ravena dahil nandito ako. Alam na alam na naman niya ang gagawin ko.

At bago pa ako magsalita ay naunahan niya na ako, "SHUT UP, DELA CRUZ!! SHUT UP!!" sigaw niya sa matinis na boses na nakapagpatawa lang sakin.

Hindi naman na siya nag-aksaya ng oras at sinugod ang isang tao na ka-batch namin. Sa pagkakaalam ko, Sherwin ang pangalan nito pero hindi ko sure ang apelyido. Matangkad ang lalaki at kung titingnan lang ay kayang kaya niyang ihambalos si Ravena sa pader. Pero ang nangyayari ngayon ay taliwas doon. Masyadong mabilis ang mga ginagawang pagkilos ni Pain at hindi naman maka-keep up ang lalaki. Nakikita-kita ko pa sa kinatatayuan ko na may hawak na patalim si Pain at paunti-unting sinusugatan si Sherwin.

Akmang makikialam na ang anim pang kasama ng lalaki nang magsalita ako, "One move and you're all dead." Naglaglag ako ng dalawang coins na lumikha ng may kalakasang tunog at wala pang tatlong segundo ay lumabas na ang iilang Guardians na nakatalaga upang bantayan si Pain Princess. Ang totoo nyan ay wala pa sa kalahati ang lumabas na mga Guardians ni Pain. Ang mga coins na inilaglag ko naman ay mas makapal at mabigat ang mga ito sa ordinaryong barya. Kaya kapag nagtama o nalaglag ang mga barya ay medyo malakas ang tunog non.

The five of them stayed put. Ngunit may isang naglakas loob na hagisan ng patalim si Pain. Huli na nang makita iyon ni Pain kaya hindi siya nagtagumpay sa pag-ilag don. Nadaplisan siya sa kaliwang pisngi niya.

"Fuck! Ano bang mga problema niyo at trip na trip niyo akong hagisan ng kung anong patalim? Una, buhok ko ang nadali. Pangalawa, itong pisngi ko. Anong pangatlo?" Reklamo niya.

Ibang klase. Imbes na dahil sa sakit siya magreklamo, yung mga na-damage pa sa kanya ang inireklamo niya.

"Ayoko na nga! Bahala ka na dyan, Dela Cruz." Irita niyang sabi sa akin. Hindi niya na ako inintay makapagsalita at nagwalk out na siya.

Napa-buntong hininga na lang ako.

"I guess we have to clean this up." Sabi ko sa mga Guardians. Humarap naman ako don sa mga kalaban ni Pain kanina, "Let's get this party started."


Carlie's POV

Inis na inis ako habang pinupunasan ko yung dugo sa pisnge ko. Hindi ko alam pero para bang trip na trip nila akong hinahagisan ng kung anong patalim. Ganon ba ako mamamatay? Yung mahahagisan ako ng kutsilyo tapos sa ulo diretso? Hay  ako.

Matapos kong lagyan ng band aid na kulay pink yung pisnge ko ay hindi ko na binalak pang bumalik sa klase. Kinuha ko na yung kotse ko at dumiretso na sa Justy University.

Pagdating ko don ay hindi pa oras ng dismissal ni Edwardo kaya naman nagsend ako ng text message sa kanya na nagsasabing sa rooftop muna ako bldg. kung nasan ang classroom niya ako tatambay.

Nang buksan ko yung pinto ng rooftop ay nakita kong may dalawang lalaki na nandoon. Yung isa ay nakatalikod sakin habang hawak niya yung leeg nung isang lalaki. Halata namang takot na takot na yung isa.

"C'mon, Yang. Gutom na ako." Sabi ko kay Jayvee. The moment na buksan ko yung pinto ng rooftop, alam kong alam na ni Edwardo na ako yung pumasok.

Binitawan niya naman yung lalaki at lumingon sa akin.

"Hey, love- what the fuck?!" Tanong niya nang may halong gulat at inis.

"This?" Turo ko sa pisnge ko. "Is nothing. Tapusin mo na yang business mo, gutom na ako."

"Bullshit," bulong niya, asar na asar sa sugat ko sa pisnge. Binalik niya yung attention niya sa lalaki, "Who fucking sent you?!"

"S-sir Jayvee! W-wala po akong intensyong s-saktan ka!" Takot na takot na sagot ng lalaki.

"Then why the fuck are you following me?"

"N-napag-utusan lang po."

"Who?"

"S-si miss C-carrie po." That got my attention.

Lumapit ako sa kanila at pumagitna sa kanilang dalawa. Binunot ko yung baril sa likod ko at tinutok don sa lalaki.

"Bakit?!" Tanong ko sa kanya. Kitang kita ko kung paano lumaki yung mga mata niya nang tinutukan ko siya ng baril.

"H-hindi ko po alam!" Sagot niya, I can see his sincerity.

"Halika na, Yang. Gutom na talaga ako." Kinuha naman ni Jayvee yung kamay ko at sabay kaming lumakad palabas ng rooftop.

Pero bago pa man kami makalabas, nilingon ko yung lalaki at pinaputukan ko yung braso niya.

"Tell Carrie Torres to never follow my man, ever again. Kung gusto niyang matyagan si Stevenson, sabihin mo siya mismo ang sumunod. Siguraduhin mong makakarating yan." Tango lang ang isinagot sakin ng lalaki.

"What happened to your cheek?" Tanong sakin ni Edwardo nang kumakain na kami sa cafeteria ng JU.

"Same old, same old. Hindi ko kasi nakita na hinagisan na pala ako ng knife. Di na ako nakailag." Sagot ko sa kanya habang nilalaro yung pagkain sa plate ko. I'm full.

Hinawakan ni Jayvee yung pisngi kong may sugat at inangat niya yung ulo ko para matingnan ko siya.

"Who are they? I'm going to kill them."

I frown. "C'mon, UNO. This is just a freaking scratch. I've got worse. And you know we can't possibly stop these things from happening." Pagleleksyon ko sa kanya.

Nagiging overprotective na naman siya eh. Gangster ako. Sanay ako sa mga ganito. Hindi naman pwedeng hindi ako masasaktan lalo na't ngayon ay hindi ko alam kung sino ang huma-hunting sakin o kung bakit may gustong pumatay sakin.

A.N.D.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon