Carlie's POVWhat am I even doing here?
Pang-pitong tanong ko sa sarili ko simula nang makatapak ako sa lugar na ito.
WOG Underground is located somewhere outside the metro. It is a private property under the name of Michele Scarponi, an italian mobster. The Scarponis were the forefounding family of the institution I am in, the WOG. They have ruled the world for decades. Until the first wave of chaos breakout many many years ago. Ang alam ko lang sa nangyari noon, maraming assassins ang na-hire at maraming Scarponi family members ang pinatay. The Scarponis were dethroned. That was when the King and Queen started. That was when the Council started.
The King and Queen, yes they are really powerful pero hindi sila mailalagay sa pwesto kung hindi dahil sa High Table. Sakop ng council dito sa Pilipinas ang buong Asia at Australia. May council din sa Europe, iba rin ang sa buong kontinente ng America. At ang High Table na tinutukoy ko ay may fifteen seats. The three group of councils make up the High Table. The seats of the King and Queen are no match against the seats in the High Table. Technically, the King and Queen have no power against them.
The High Table has fifteen seats. Fifteen beings whose identities are top secret. Ni hindi ko nga alam kung yung fifteen na tao na yon ay magkakakilala. Kung kami noon ay tago rin ang mga identities, mas lalo ang mga taong yon. Who knows, I may have know a council or two. Baka nga nakasalubong na ako ng isa somewhere. Baka nga naka-face to face na ako ng isang nakaupo.
Ipinakita ko sa isang Pale Death ang WOG license ko. Pale Death ang tawag sa mga taong nagtatrabaho sa loob ng WOG Underground. Hindi sila basta basta dahil may mga kakayahan din silang pumatay. Sa madaling salita ay protektadong protektado ang Underground. Hindi ka basta basta makakapasok dito nang wala kang business sa loob, lalo na kung wala kang license.
"Pain Princess, Class B gangster, eXtremely Dangerous Gang. Are you here for the re-evaluation of your license?" tanong sa akin nung pale death, may pilyong ngiti na naglalaro sa mga labi niya. Of course I know the reason. Lahat ata ng nasa loob ng Underground ay alam ang kagagahang ginawa ko two years ago. Binlock na nga lang ng Council sa labas ng Underground yung ginawa ko dahil kasiraan yon sa kanila, na nasugod ko nang mag-isa ang Underground.
Tiningnan ko siya nang masama. "Oo," sagot ko na lang sa kanya dahil ayoko nang gumawa pa ng eksena dito. Sobrang ganda na ng reputasyon ko dito at hindi ko na kailangan pang dagdagan iyon. Note the sarcasm, please.
Pinapasok niya naman ako nang sagutin ko ang tanong niya. WOG Underground is a 13-story corporate building. Ito ang pinaka-sentro ng lahat ng mga business na konektado sa WOG. Underground ang tawag dahil literal na may tatlong palapag pa sa baba ng tatlong podiums. Kumbaga Ground floor o lobby, tatlong podium at sa baba non ay tatlong floors pa para sa mga kakaibang business ng WOG katulad na lang ng evaluation. Ang tatlong palapag na yon ang sinugod ko two years ago. Nasa pinakababa ang lahat ng bagay na nagpapatungkol sa Council. Halimbawa na lang nito ang conference room nila kung saan ko sila natagpuan noon.
Ang license namin ay nagsisilbi ring access sa buong building ng Underground. Gate pass, identification card, at kahit sa elevator ay ang license namin ang ginagamit.
Sa Underground 2 nagaganap ang evaluation ng mga gangsters. Pasakay na sana ako ng elevator nang magring na naman ang phone ko. Napailing ako nang makita ang pangalan ni Edwardo sa screen. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang tawag na ni Edwardo to sakin. Galit na galit na siguro yon dahil sobrang nag-aalala na sa akin. Natawa ako sa naisip ko. Inilaglag ko ang cellphone ko sa floor at inapak apakan iyon. Hindi ko tinigilan hangga't hindi nadudurog yon. Nang makuntento na ako ay pumasok na ako sa elevator at tinap na ang license ko, pababa sa U2.
BINABASA MO ANG
A.N.D.
Teen FictionIt All Started With... is truly only the beginning. A.N.D. will surely make things here like a star-flyer experience. // Read first > It All Started With... This is the Book 2