Khaylie's POV
"Yung totoo, Emp? Ginawa ka lang naman atang photographer ni Ravena eh." Komento ko kay UNO habang nagsscroll ako sa cellphone niya.
Halos kauuwi lang nilang dalawa galing sa isang linggong bakasyon sa ibang bansa. Yon ang regalo sa kanila ng parents ni UNO nang gumraduate sila ng High School. Ibang klase, dalawang round trip tickets, lahat lahat na kailangan sa isang linggong bakasyon ay provided by his parents. Pano pa kaya pag gumraduate sila ng college? Bahay at lupa na ang ireregalo sa kanila?
Kararating lang din ni Emp dito sa HQ galing sa bahay ng mga Ravena dahil graduation party ni Carlie. Nauna ang bakasyon nila kaysa ang graduation. Nakakaloka sila, sa totoo lang. Ngayon lang din ulit kami nagkita ni Emp kaya naman ay hinihingi ko ang cellphone niya para tingnan ang mga vacay pictures nilang dalawa ni Ravena habang naghihintay kami dito sa Infinity HQ, naghihintay ng balita. And it really looks like na ginawang photographer ni Ravena si UNO.
"You're that in love, Emp?" Dagdag na tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin. "May nangyari na sa inyo noh!" Akusa ko sa kanya.
Napaka-imposible kasi kung wala pang nangyari sa kanila. First, they are alone in a far away country. Second, the sky is the limit because they can do whatever they want, they can enjoy their one week lives there to the fullest. Third and lastly, Ravena's kind of loka loka. So I am really betting on something had already happened between them!
"Siraulo! Tigilan mo ako, Goddess." Saway niya sa akin. Hindi ko na lang siya kinulit at binato na lang pabalik sa kanya ang cellphone niya. Nasalo naman niya iyon.
Kinuha ko naman ang cellphone ko para itext si Ravena.
To CL Ravena: DETAILS!!!!!
Pagka-send ko ay dalawang minuto bago siya nagreply.
CL Ravena: Fuck you. 😛
Gusto ko pa sana siyang reply-an kaso ay may kasunod agad na text ang na-received ko. Binasa ko agad yon at automatic na napangiti naman ako dahil don.
See you later, my Goddess.
Tumingin naman ako sa relo ko at nakita kong ang 'later' na tinutukoy niya ay wala nang isang oras ang lilipas. I turned to Emp, still a smile plastered on my lips. "Emp," I called him.
"Yep?" Sagot niya pero nanatiling nasa cellphone ang kanyang atensyon. Napasimangot naman ako dahil don. Kumuha ako ng coins sa bulsa ko para sana ibato kay Emp. Ngunit nasa akma palang ako ng pagbato sana sa kanya ay may hawak na siyang baril at nakatutok na iyon sa akin. "Masakit iyan, Lethal Goddess." Tukoy niya sa coins ko na ginagamit ko as weapon sa mga laban. Nasa cellphone niya pa rin ang atensyon niya. Ngayon ay may ngisi nang naglalaro sa mga labi niya.
Napailing na lang ako at ibinalik na ang coins sa bulsa ko. Ibinaba naman na rin niya ang kanyang baril. "Aalis na kasi ako! Duty calls!" Medyo may kalakasang boses na paalam ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
A.N.D.
Teen FictionIt All Started With... is truly only the beginning. A.N.D. will surely make things here like a star-flyer experience. // Read first > It All Started With... This is the Book 2