prologue

18 1 4
                                    


SOMEONE'sPOV

~

"bat antagal mo?"

"andaming nakatingin na mga mata eh"

"dalian mo, ilang minuto nalang at baka mahuli na tayo"

"oo na nga!"

maingat kaming gumalaw sa may eskinita malapit sa kulungan. akmang hahakbang pa sana ako pero agad ako nabunggo sa likod ng kasama ko.

"fornax ano ba?! mag ingat ka nga!" pabulong na sigaw ko.

"may mga gwardya." mahinang sabi nya.

nanlaki naman ang mga mata ko sa aking narinig.

"a-anong da-dapat nating gawin?" nauutal na sagot ko

hinigit nya ang aking kamay at mabilis na naglakad pabalik. lumiko kami sa may eskinita at sumandal sa pader.

"sush" bulong nya habang ang hintuturo ay nasa bibig.

tumango lang ako.

nakarinig kami ng mga yapak ng sapatos na dumaan malapit sa kinaroroonan namin.

unti unting bumibilis ang tibok ng puso ko habang palapit ng palapit ang mga yapak.

napapikit nalang ako dahik sa kaba.

"B-beibana fornax? beibana pyxis? a-anong ginagawa nyo dito?" sabi ng isang pamilyar na boses.

agad kong iminulat ang aking mga mata.

"algol," mahinang sabi ko. saka ko sya tinitigan sa mata.

"algol? kanino? sayo? " nagtatakang sabi ni fornax habang nakatingin sa kararating lang na lalake.

"kailangan natin syang isama." ako

tumingin sya sa dereksyon ko at marahang tumango ng mapansin nyang seryoso parin akong naka titig sa mga mata nung lalake.

agad naman kaming naghanap ng ibang madaraanan habang ang algol ay takang taka parin na sumusunod sa amin. puno ng gwardya ang buong kulungan kaya hindi kami basta basta maka lapit.

"te-teka mga b-beibana. s-saan ba tayo pupunta?" nauutal na sabi ng algol na halatang kinakabahan na.

"itatakas namin si akasha" seryosong wika ni fornax

gulat naman ang mababakas ekspresyon ng algol.

"pe-pero paano ako nasama dito?" tanong ng algol

"dahil nakita kita" sabi ko

nagtaka naman sya sa sinabi ko.

unti unting nawawala ang kunot ng noo nya. marahil ay napag tanto nya ang ibig kong sabihin.

"kung ganoon, may alam akong daan"

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

hello!!

Lumina: Finding the GuardiansTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon