Sophia's POV
Kasama ko ngayon si Ate Miranda, siya yung assistant ni Kuya Ed. Pinasama siya saakin ni Kuya para ihatid ako sa condo ko.
Nakarating na kami sa 24th floor. Nauna parin lumakad si Ate Miranda hangang sa nasa harap na kami ng condo ko.
" Sige mauna na ako Sophia ha ? Just call me or yung ibang stuff diyan kapag may kailangan ka ok ? " sabi ni ate Miranda. Ang bait niya.
" Sige ate, thank you "
Umalis na si ate Miranda. Bubuksan ko na sana yung pinto nang mapansin kong may lumabas sa kabilang pinto. So magkatabi pala kami ng condo.
Nagkaroon kami ng eye contact. Hindi ko mabasa yung mata niya, poker face siyang nakatingin saakin. Medyo nakaramdam ako ng kaba at inis nung nakita ko siya. Pero hindi ko pinahalata.
" Oh, diba ikaw si Sophialicious ? " tanong niya saakin
" Kilala mo ako ? " Medyo kinakabahan ako pero hindi ko pinakita.
" Of course not, nakita lang kita sa YouTube " sabi niya.
" Ah kaya pala "
Biglang sumingkit yung mata niya habang nakatingin saakin. Parang ino-obserbahan yung mukha ko
" Have we met before ? " biglang tanong niya saakin.
" Ha ? ahm... I don't think so " sabi ko
" By the way ano pala yung tunay mong pangalan ? "
" Ahm... Sophia " sagot ko sakanya
Medyo tumaas yung isa niyang kilay nung sinabi ko sakanya yung pangalan ko.
" Ahmm... Pangalan ko ay Sophia Gail Romano " dugtong ko
Mukha naman siyang nakahinga ng maluwag
" So, welcome to the KSTAR entertainment Sophia, I hope you'll enjoy your stay at sana magtagumpay ka " sabi niya na walang ka ngiting-ngiti at umalis.
Bumungtong hininga ako and I get in to my condo. Pagpasok ko I was amazed by the design of my condo. May malaking sofa at sa harap nito ay may flat screen TV na malaki rin. Pumasok naman ako sa kwarto at may malaking kama na sa tingin ko ay tatlong tao ang makakasya.
I set aside my luggage at dumiretso ako sa kwarto ko at nagpahinga. Habang nakapikit yung mata ko bigla ko naalala yung pagharap namin ni ate Diana.
Ang laki ng pinagbago niya. Minsan naisip ko kung paano siya nakapunta dito.
Tatanungin ko nalang siya kapag nakausap ko siya.
Diana's POV
Papunta ako ngayon sa office ni Kuya Ed.
Pagdating ko ay nakaupo lang siya at may binabasang papeles.
" So nandito na pala siya. Ano ang balak mo sa kanya ? " Biglang tanong ko kay kuya Ed.
" Who are you referring to ? " Tanong niya
" Sino pa ba ? Edi si Sophia "
" Ba't mo natanong ? "
" Curious lang ako "
" Curious ka ba talaga or natatakot ka ? " biglang sulpot ng masamang nilalang, Si Harriet.
" Nagpapatawa ka ba ? Ba't naman ako matatakot ? " tanong ko sakanya.
" Natatakot ka dahil baka mas sisikat pa siya sayo " sagot niya
" Well sorry, pero hindi ako natatakot. Baka nakalimutan mo hawak ko ang mga major awards " Confident kong sagot.
" Wag kang masyadong mayabang diyan baka hindi yan magtagal at may papalit na sayo. Kasi sa tingin ko malapit ka ng lalaos " Pang-iinis niya saakin.
" Laos ? Siguro lalaos nga ako pero mas laos ka parin. Look at you, mga albums mo hindi na benta compare to my albums. At kapag nag guesting ako sa mga shows tumataas ang mga ratings, pero kapag ikaw ? Napaka boring ng show at kunti lang ang views at ratings. Ngayon sino ang mas Laos saatin ? " Pang-iinsulto ko sakanya.
Mababasa ko sa mukha niya na galit na galit siya saakin. Yeah serves her right. Inunahan niya ako eh.
" Tumigil nga kayong dalawa, baka nakalimutan niyo nanadito kayung dalawa sa opisina ko. At kung gusto niyo malaman kung ano ang balak ko kay Sophia ? Well pinagawan ko na siya ng kanta sa composer at by next next month she will debut. " biglang sabi ni Kuya Ed.
" What ?! " gulat naming tanong
Seriously ? Ba't ang bilis niyang mag debut ?
" Seryoso kaba ? " Hindi makapaniwalang tanong ko.
" Of course I'm serious, kailan ba ako nag joke when it comes to this kind of matter ? " Seryoso niyang tanong.
" Hindi ba siya magtretraining ? Tulad namin noon ? " Tanong ko sakanya.
" Hindi na niya kailangan. Magaling siya kaya bakit pa mag training "
" Gosh ! I can't believe this ! " sabi ni Harriet at nag walkout.
" Masyadong unfair kuya Ed. Lahat kami dito dumaan ng training tapos siya pagdating niya dito maghihintay lang siya sa kanta na pina compose niyo at pagkatapos magdedebut na siya ? It's so unfair ! "
" Buo na ang desisyon ko, Diana "
Hindi talaga ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Naisipan kong umalis nalang. Aalis na sana ako ng biglang nagtanong si Kuya Ed.
" By the way Diana, may kapatid ka ba ? " Tanong niya
Nabigla ako sa tanong niya. Bigla kong naalala si Sophia yung kapatid ko pero wala na akong pakialam sa kanya.
" Wala akong kapatid " sagot ko at umalis na ako sa opisina niya.
Harriet's POV
Naisipan kong bumalik sa condo ko para makapag pahinga. Medyo naiinis ako ngayong araw.
Nasa harap ako ng elevator. Pagbukas nito ay hindi ko inaasahan na siya ang makakasalubong ko. Nagkatinginan kami at inirapan ko siya.
" May problema kaba ? " Tanong niya saakin.
Hindi ko siya pinansin at pumasok na ako sa elevator at sinarado. Naiinis ako sakanya.
Pagpasok ko sa condo ko ay humiga ako diretso sa kama ko at napatingin sa phone ko.
Naisipan kong mag YouTube at panoorin yung mga videos ni Sophia. At tama nga magaling nga siya. Sa tingin ko mas magaling pa kay Diana.
Naiinis ako sakanya pero sana mapabagsak niya si Diana.
A/N: Ito lang ang nakaya ko. Abangan nyo nalang ang next chapter ;)
BINABASA MO ANG
My Lovely Idol
JugendliteraturSi Diana Samson, pangarap niya maging isang sikat na performer. At natupad nga ang kanyang pangarap. Pero lagi niyang napapanaginipan ang kanyang pamilya. Gusto na niya kalimutan ang kanyang pamilya. Kahit masaya na siya sa buhay niya may lungkot at...