Chapter 11

1 0 0
                                    

Sophia's POV

Isang buwan na ang nakalipas. Na kompleto na namin ang dance steps at na finalize na rin yung kanta ko.

Currently we are filming for my music video. Next month na irerelease yung kanta ko.

Lately naging busy na ako. May schedule narin ako para sa mga upcoming projects ko. May manager narin ako. Si Patricia Jane Ramos. Pinakilala siya saakin ni kuya Ed last week. Nung first time ko siya nakita akala ko lalake pero babae pala. Boyish kasi tingnan. Aside from kuya Ed siya ang gagabay saakin sa career ko.

Madali kami naging close ni Manager Patricia. Sobrang gaan ng loob ko sakanya at komportable ako sakanya. Nagkakaintindihan kami. Akala nga nila matagal na kaming magkakakilala dahil sa sobrang close namin.

" Cut ! " sabi ng director

Nagmadali naman lumapit saakin yung makeup artist ko pinunasan ang konting pawis sa noo ko.

" Great job Sophia, konti nalang at matatapos na natin yung music video " sabi ni direk saakin

" Thank you direk and pagbubutihin ko pa " i said and smiled at him

" Tama lang talaga ang pagkuha ni Sr. Ed sayo. 14 years na ako naging direktor pero so far ikaw ang nagustuhan kong makatrabaho. Napaka effortless mo eh, sa tingin ko lahat madali lang para sayo " napatawa naman ako sa sinabi niya

" Hindi naman lahat direk, it's just that gusto ko lang talaga yung ginagawa ko. "

" Well a little bit of advice, wag mong gustohin, kundi mahalin mo ang ginagawa mo mas maganda ang resulta nun. But I can say malayo ang mararating mo "

" I hope direk "

Nag-usap pa kami ni direk tungkol sa mga nakatrabaho niya dati. Nalaman ko rin na nakatrabaho narin niya pala si ate Diana. Magaling daw talaga si ate, parang ako lang daw pero ngayon na nakatrabaho na niya ako ay nakikita niya kaibahan saamin.

Maya-maya ay bumalik na kami sa pag sho-shooting at tinapos na namin. Edit nalang yung kulang.

------------------------

Kasalukayan ay pauwi na kami. Kasama ko ngayon si Mgr. Patricia

Napansin ko 6:10 PM na pala ngayon. Matagal rin natapos yung filming namin sa mv. Pero masaya ako kasi sa wakas natapos na. Ipapatingin nila saakin pag natapos na silang mag edit.

Habang nag bibiyahe kami ay bigla akong nakaramdam ng gutom. May malapit kayang convenience store dito. Medyo malayo pa kasi kami sa KStar building.

" Kuya may malapit bang convenience store ? " biglang tanong ko

" Yes ma'am may convenience store tayong madadaanan "

" Bakit nagugutom ka ba ? " Biglang tanong ni Mgr. Patricia

Tumango ako sakanya. May convenience store kaya hininto muna ni kuya Francis para makabili kami ng pagkain.

Pagpasok namin ay agad kami pumili ng makakain namin. Hindi ako pinabili ng marami ni Mgr. Kasi kailangan ko raw mag control at disiplinahin yung sarili ko T__T

Nasa counter na kami para bayaran yung binili namin ng may biglang lumapit saamin na dalawang babae at isang lalake.

" Hi Ms. Sophialicious, pwede papicture ? " sabi ng babae

Medyo nagulat ako, kasi hindi ko akalain na makikilala nila ako.

" Ahm sure " sabi ko

Dali-dali naman sila lumapit saakin at nagpapicture. Inutusan nila yung kaibigan nilang lalake na kumuha ng picture saamin. At pagkatapos ay nagpresenta si Mgr. na siya ang kukuha ng picture kaya sumali saamin yung lalakeng kumuha ng picture saamin.

My Lovely IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon