Diana's POV
Hindi ko alam kung anong oras na pero ayoko pang bumangon dahil inaantok pa ako ng sobra. Nakayakap lang ako sa matigas na bagay. Ang bango ng kayakap ko, pero pamilyar saakin yung bango.
Habang nakapikit parin ako ay may biglang nahulog na nagpamulat at nagpabangon saakin. And I saw Kyle's shocking face. Sinundan ko ang direksyon ng mga mata niya at nagulat ako dahil katabi ko si Adam. So siya pala ang kayakap ko ?
Bigla kong tinulak si Adam dahilan ng pagkahulog at pag-gising niya.
" Aray ! " sigaw ni Adam
" What are you doing here Kyle ? " tanong ko
" May dinala kasing akong food at ibibigay ko sayo, kaso akala ko lumabas ka kaya pumasok nalang ako para iwan to "
" Ba't ba ang hilig niyong magbigay ng pagkain saakin ? Anong akala niyo saakin ? Walang pangbili ng pagkain ? "
" Hindi naman ganun, gusto ko lang sana matikman mo ang niluto ko " Pagpapaliwanag ni Kyle. " Pero matanong nga, anong ginagawa mo dito Adam ? "
" Ha ? Ahm... "
Naku patay anong palusot ang sasabihin namin ? Walang nakaka-alam tungkol saamin ni Adam. Although hindi nga kami pero ayaw namin nila malaman na may something saamin ni Adam.
" Ah, naisipan kasi niya kagabi na makipag kwentohan saakin. He shared his problem to me at nagdala rin siya ng champagne para medyo makakalimutan niya yung problema niya, pero hindi ko alam na nakatulog na pala kami " paliwanag ko
" Kung ganon ba't hindi mo nalang saamin sinabi yung problema mo ? " tanong ni Kyle Kay Adam
" Ah, kasi komportable ako kay Diana e share eh, kasi kung sainyo ko sasabihin baka hindi kayo makinig at pagtawanan niyo lang ako "
" Eh maraming beses mo na sinasabi yung problema mo saamin ah, nakikinig naman kami at hindi ka naman namin pinagtatawanan " si Kyle
Ba't ang daming tanong ni Kyle ? Urghh
" Eh sabi nga niya diba na mas komportable siya saakin " biglang singit ko.
Hindi na nagsalita si Kyle at nagpaalam na siya saakin na aalis na siya. Pero bago siya umalis ay kinausap ko muna siya.
" Kyle, sana kalimutan mo yung nakita mo kanina. Wala lang talaga yun. Hindi ko napansin na nakatulog na pala kami " paliwanag ko.
Tinap lang ni Kyle yung ulo ko at ngumiti.
" Kung makapag-explain ka para mo kong boyfriend ha " sabi niya sabay tawa ng mahina.
Na speechless ako sa sinabi niya. Bago pa ako maka sagot ay umalis na siya.
Sophia's POV
Bukas ay kukunin na ako ng KSTAR Entertainment. Naisipan kong mamasyal kaya tinawagan ko si Hannah para hindi ako masyado ma bored.
********
" Eh bilhan mo kasi ako ng mango shake " si Hannah
" Ano ba sa mamaya na ang hindi mo naintindihan ? "
" Eh uhaw na uhaw na ako eh " reklamo niya
Wala akong choice kundi bilhan ng shake ang babaeng to kaya bumili kami ng mango shake sa thirsty.
Habang nag-aantay kami ay may dalawang babaeng bumili ng shake yung isang babae ay medyo light brown yung kulay ng buhok niya at yung isa ay maitim yung buhok niya. Habang bumibili sila ay napansin nila kami.
" Wait, ikaw yung babaeng nasa YouTube diba ? " tanong nung babaeng light brown hair.
" Oo siya nga, yung magaling kumanta at sumayaw si Sophialicious. Alam mo idol na idol kita dahil ang galing mo. " sabi nung babaeng maitim ang buhok.
" Mas maganda ka pala sa personal, pwede ba kami magpapicture ? " sabi ni light brown hair girl
" Ay ! Te tingnan mo oh, hindi ka pa artista ha pero may fans ka na " bulong ni Hannah saakin.
" Tumahimik ka nga diyan " bulong ko kay Hannah at tiningnan yung dalawang babae " Oo naman " sabi ko sakanila.
Dali naman sila tumabi saakin at ibinigay nila kay Hannah yung phone nila para picturan kami. Habang si Hannah ay naka busangot ang mukha. Natawa tuloy ako sakanya.
Pagkatapos niya kaming kunan ng picture ay kinuha na namin ang binili naming shake at umalis na.
" Kainis sila ha, ginawa pa akong photographer " Reklamo ni Hannah.
Isa sa gusto ko kay Hannah ay kahit nainis at naka busangot ang mukha ay ang cute parin niyang tingnan.
" Alam mo pabayaan mo nalang sila " sabi ko sakanya.
Patuloy lang kami sa paglakad when I suddenly bumped into someone accidentally at nahulog yung bag ko.
Tiningnan ko kung sino yung bumangga saakin pero nakita ko siyang pinulot yung bag ko at ibinigay saakin. Naka mask siya at nag hat. Pagtingin niya saakin ay nakita ko ang mata niya na medyo lumaki dahil sa gulat siguro, at tinanggal niya ang mask niya at nagulat ako nung tinanggal niya.
" Kyle ? " tanong ko sakanya.
" Sophialicious ? " tanong niya saakin
" Ay girl, pati artista kilala ka ! " bulong ni Hannah saakin.
Nagulat ako nung tinawag niya akong Sophialicious.
" Paano mo ko nakilala ? " balik tanong ko sakanya
" Eh paanong hindi kita makilala eh sikat ka kaya sa YouTube. Lagi ko nga pinanuod yung mga videos mo eh " At biglang tinakip ng kamay niya ang bibig niya.
" Haba ng hair mo girl, nag stalk pa siya sayo " bulong ulit ni Hannah saakin. Siniko ko nalang siya para Tumahimik.
" Ah... Pero ba't ka nandito ? Sa pagkakaalam ko may malapit na mall sa inyo " tanong ko sakanya.
" Bibisitahin ko yung pamilya ko. Taga rito kasi sila eh at may bibilhin ako dito. At tama ka nga malayo dito, 3 hours ang biyahe "
" Ah ganon ba ? " yun nalang ang sabi ko.
Medyo na awkward ako. Si Kyle ang 2nd bias ko or favorite sa Boyz Town. Crush na crush ko siya pero ang pinaka favorite ko sa Boyz Town ay si Marco.
" Teka si Kyle ba yun ? "
" Oh my si Kyle ba yun ? "
" Grabe ang gwapo niya talaga "
" Pero anong ginagawa niya dito ? "
" Sino yung babaeng kausap niya ? "
" Girlfriend niya ba yung kasama niya ? "
" I think I know that girl "
" Si Sophialicious yun ah "
" Tara magpa picture tayo kay Kyle "
Medyo dumadami ang mga tao sa area na tinatayuan namin. Hindi ko alam ang gagawin ko, aalis at iiwan si Kyle dito o magpaalam na ako sakanya na aalis na ako. Pero sa sitwasyon ngayon mukhang mahirapan akong umalis ngayon kasi medyo dumadami na yung tao dito.
" Sophia, hindi pa ba tayo aalis ? " tanong saakin ni Hannah
Biglang hinawakan ni Kyle ang kamay ko at tumakbo siya kasama ako. Nagulat ako sa ginawa niya. Tumingin ako sa likod at hinabol kami ng fans ni Kyle.
Paano nato ? Naiwan ko si Hannah. At saan niya ba ako dadalhin ?
BINABASA MO ANG
My Lovely Idol
Roman pour AdolescentsSi Diana Samson, pangarap niya maging isang sikat na performer. At natupad nga ang kanyang pangarap. Pero lagi niyang napapanaginipan ang kanyang pamilya. Gusto na niya kalimutan ang kanyang pamilya. Kahit masaya na siya sa buhay niya may lungkot at...