Chapter 8

2 0 0
                                    

Kyle's POV

Dali-dali kaming pumasok sa isang fast food chain. Buti nalang walang tao masyado dito. Hindi ko alam kung ba't ko sinama si Sophialicious. Parang gusto ko pa kasi siya makasama eh dahil kanina balak na sana nila umalis pero feeling ko ayaw ko pa siya umalis at ayoko pinag guguluhan ako ng tao doon.

" Sorry ha. Hindi ko kasi alam kung anong gagawin " sabi ko

" Ok lang " sagot niya.

" Gusto mo na bang umuwi ? Ihahatid na kita " Pag-aya ko sakanya.

" Ay wag na, pupuntahan ko pa yung kaibigan ko "

Ay Oo nga pala kasama niya pala yung kaibigan niya. Ang tanga ko naman. At naalala ko bigla na kinuha siya ng KSTAR ENTERTAINMENT.

" Diba pumayag ka na pumasok ka sa KSTAR Entertainment ? Kailan ka pupunta ? " tanong ko sakanya.

" Ah yun ? Bukas na. Kaya nga namasyal kami ngayon for the last time " sagot niya.

Nako huling araw na niyang mamasyal ngayon tapos ginulo ko pa.

" Sige, pupuntahan ko pa yung kaibigan ko. Mauna na ako " paalam niya

" Ah sige, see you tomorrow at KSTAR bldg. " sabi ko.

Nginitian lang niya ako at umalis na. Naramdaman kong biglang bumilis yung tibok ng puso ko. Kakaiba yung presensya niya. Hindi ko to nararamdaman sa ibang babae.

Anong meron sakanya ?

Sophia's POV

Nakauwi na kami ni Hannah ngayon. Dito siya matutulog ngayon gabi dahil bukas na ang alis ko.

" Best ikaw na ang pinaka maswerteng babae ! " si Hannah

" Anong maswerte ? Nakakapagod kaya tumakbo "

" Kahit na. Eh si Kyle naman ang kasama mo " sabi niya

Sinamaan ko naman siya ng tingin. Pero honestly nakaramdam ako ng kilig kanina. Gwapo naman talaga si Kyle.

" Pero best may hiling ako. Bukas pag nandun ka na ikwento mo ako kay Lance ha. Sabihin mo sakanya na maganda ako, at sexy. At paki sabi kapag may balak siyang ligawan ako, Yes ang isasagot ko "

" Pwede ba, wag kang ilusyonada diyan. Hindi naman ako sure kung magiging kaibigan ko sila.
Basta ang gusto ko ay magtagumpay ako sa plano ko "

" Nagbabakasakali lang naman " si Hannah.

Nanood lang siya ng TV habang ako ay chineck ulit yung mga dadalhin kong damit bukas.

" The famous boy group member of Boyz Town, Kyle Jeon spotted at Happy Mall with her rumored Girlfriend "

Ibinalita ngayon sa TV ang nangyari kanina sa mall. Namukhaan kaya ako ?

Humiga nalang ako at pumikit. Unti-unti rin dinadalaw na ako ng antok.

**********

" Mamimiss talaga kita best friend, sa TV at internet nalang kita mapapanuod. " pag dadrama ni Hannah.

" Ang drama mo. Nasa iisang bansa parin tayo. Hindi naman ako pupunta ng ibang bansa eh "

" Kahit na, malayo parin tayo. Hindi ako sanay " sabi niya.

" Bibisita naman ako dito eh. Kaya wag ka ng OA ha ? "

Bago ako sumakay sa kotse ay niyakap ko muna si daddy for the last time. Kasi mukhang matagal-tagal pa kaming magkita ulit. Mamimiss ko talaga ng sobra si daddy. Pero I'm doing this for him, for us.

My Lovely IdolTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon