Sophia's POV
Sinamahan ako ni Kuya Ed sa music room. Mag prapractice kami ngayon sa song na pinacompose nya para saakin.
Nalaman ko na next next month ay dedebut na ako. Sana magtagumpay ang mga plano ko.
Nagsimula na akong mag practice sa kanta ko. 3 hours kami nag practice at so far satisfied naman si kuya Ed. He was impressed sa first practice ko. Habang nag eensayo ako ay may biglang pumasok sa music room.
Si Diana
" Sige you can take a break Sophia. After 15 minutes balik kayo sa practice nyo " Bilin ni kuya Ed sakin
Lumabas si kuya Ed at yung nag eensayo saakin sa kanta ko.
" So how was your practice ? " Biglang tanong niya saakin
" Perfectly fine " tipid na sagot ko
Napa smirk naman siya sa sagot ko.
" That's good to hear "
Halata sa tono niya na plastic. Ano ba ang kailangan niya saakin ? Ganito na ba talaga siya ngayon ?
" By the way anong ginagawa mo dito ? " Tanong ko
" Pinapanood kang mag ensayo. I was thinking maybe you need my help if you are having a hard time ? " Halata sa tono niya na nang-iinis saakin.
Lets see kung sino ang maiinis saatin
" Wow ang bait mo naman, but as what I've said I'm perfectly fine. I'm not having a hard time naman. Na impressed nga si kuya Ed eh. Imagine first practice ko palang pero he was really impressed " Kalma kong sagot sakanya
Napansin ko medyo nag fade yung fake smiley face niya. I think nainis siya sa sinabi ko.
" Ganon lang talaga si kuya Ed kasi bago kapa dito so don't be too proud of yourself " sabi niya sabay taas ng isang kilay niya
" Hindi naman ako nagyayabang, sinasabi ko lang kung anong sinabi saakin ni kuya Ed "
Hindi siya nakakibo sa sinabi ko. Wala na siguro siyang isasagot. Yan kasi ayaw magpatalo tsk tsk
" By the way can I ask you something ? " Tanong ko sakanya
" What is it ? " Bored niyang sabi
" Pano ka napunta dito ? " Curious kong tanong. Sana sagutin niya yung tanong na hindi nagtataka
Kumunot naman bigla yung noo niya.
" Why are you asking suddenly ? "
" Wala lang, I just want to know "
" Sorry pero hindi ako nag Oopen up sa mga taong hindi ko close " masungit niyang sabi
" Ah ganon ba ? It's okay " yun nalang ang nasabi ko sakanya
Umalis na siya sa music room at mag isa nalang ako ngayon.
Diana's POV
Naiinis ako sa Sophia na yan ! Bago pa lang siya dito pero ang yabang na.
Nandito ako ngayon sa cafeteria ng building. Umiinom ng juice para malamigan yung ulo ko.
" Oh ba't parang galit ka yata ngayon ? " biglang sulpot ni Adam
" Wala " Tipid kong sagot
" I know you Diana, mas lalong alam ko kapag naiinis ka dahil sa mukha mo " sabi niya saakin
" Fine, naiinis ako kay Sophia "
" Si Sophia ? Bakit anong ginawa niya sayo ? "
" Naiinis ako sakanya, akala mo kung sinong magaling. " Inis na sabi ko
Sana hindi siya magtagumpay. Sa huli ako ang magtagumpay. Habang silang dalawa ni Harriette ay mamamatay sa inggit.
Sophia's POV
Isang linggo ang nakalipas at okay naman yung practice ko sa kanta at sayaw. Handa na nga sila para sa music video ko na isho-shoot next month.
Ngayon ay nagprapractice kaming sumayaw at masasabi kong malapit na matapos yung sayaw namin. Tapos na rin kami sa kanta. Last week ay nag recording kami at success naman. Nagustuhan nga ni kuya Ed yung kanta eh.
Ngayon yung sayaw nalang ang inaabangan niya at yung performance ko.
" Sige hanggang dito nalang muna tayo, bukas na natin tapusin. " Si Nathan yung choreographer
Tumango lang ako sakanya at uminom ako ng tubig
" You did great again Sophia, sana ganito ka rin sa mga performance mo " sabi niya saakin
" Oo naman gagalingan ko sa performance ko. Ako pa "
" Ganyan nga dapat. Sige mauna na ako " paalam niya saakin
" Sige ingat ka "
Naisipan kong pumunta sa condo ko para makapagpahinga na ako kasi nakaramdam ako ng pagod.
Pagkapasok ko sa kwarto ko ay nagbihis muna ako at saka dumiretso sa kama hanggang sa dinalaw ako ng antok.
Kyle's POV
Kasalukuyan ay nandito ako sa kwarto ko nag mumokmok.
Gusto ko sana puntahan si Sophia sa condo niya kaso baka nagpapahinga. Ayoko naman istorbohin kasi alam ko pagod yun galing sa practice niya.
Siguro mamaya nalang pupuntahan ko siya sa condo niya.
" Hoy kyle, nandito si Diana hinahanap ka " sabi ni Jacob
" Hey Kyle ! " si Diana
Hindi na ako nabibigla dahil palagi naman yan pumapasok sa kwarto ko na hindi nagpapaalam.
" Oh anong kailangan mo ? " tanong ko sakanya
" Ito naman, porket ba pumunta ako dito kasi may kailangan ako ? Hindi ba pwede pinuntahan lang kita dito kasi gusto ko lang may kausap "
" Oh diba kaya ka nandito kasi may kailangan ka. Kailangan mo ng kausap "
" You know it's been a while. Hindi na tayo masyado nagkita at nag-usap. Ano ba kasi ang pinagkaabalahan mo ? " Hay ewan ko ba sa babaeng to
" Wala naman, siguro busy lang ako manuod sa practice ni Sophia " sagot ko.
Bigla naman nagbago yung expression ng mukha niya.
" So lately yun ba ang pinagkakaabalahan mo ? " bored na tanong niya.
" Hindi naman, pero sa tuwing mapapadaan ako sa music room at dance room ay mapapatingin ako sakanya "
Pagkasabi ko nun ay inirapan ako ni Diana.
" Kaya nga ako pumunta dito para makalimutan yung inis ko sakanya pero pinaalala mo lang " sabay irap niya ulit saakin
" Ba't ka naman naiinis sakanya ? "
" Wala ka na dun " sabay walk out niya
Hay minsan hindi ko talaga maintindihan ang ugali ni Diana. Napaka moody nya. Pero nasanay na ako sa pagka moody nya noon paman. As a best friend niya kailangan ko siyang intindihin.
A/ N: Guys yun lang ang nakaya ko ngayon.
BINABASA MO ANG
My Lovely Idol
Teen FictionSi Diana Samson, pangarap niya maging isang sikat na performer. At natupad nga ang kanyang pangarap. Pero lagi niyang napapanaginipan ang kanyang pamilya. Gusto na niya kalimutan ang kanyang pamilya. Kahit masaya na siya sa buhay niya may lungkot at...