Disclaimer: This story will contain mature scenes
---------------------------------
#1
Jeraldine
"Huy!"
Tumigil ako ako sa paglalakad papasok ng school gate nang may nag-huy sa likod ko. Hindi naman siguro ako yung tinatawag nun hindi ba?
"Tsk. Hey! Tinatawag kita! Jeraldine!" Eh? Ako nga? Nilingon ko yung taong yun. Sus! I should have known. Boses pa lang, bakit di ko pa nakilala? =__=
"Ano kailangan mo?!" Tinarayan ko pa siya at nilapitan. Nakasandal siya sa sosyal niyang sasakyan na nakapark dito sa parking lot ng school at may shades pa. Papasok lang naman ng school nakaporma pa. Para namang ang taas ng sikat ng araw. Tagulan kaya ngayon! Kaya makulimlim ang langit. Tss. Ewan ko kung bakit naiinis ako sa taong to.
Tinaasan niya ako ng kilay kaya tinaasan ko din siya ng kilay.
"We need to pretend right?" Kumunot ang noo ko. Tumango na lang ako kahit di pa nagsisink in sa utak ko yung tanong niya. Di ko kasi naintindihan. May nakita kasi akong pusa. Ang cute niya.
"Can i have your number then?" Sakto namang tumakbo yung pusa palayo kaya napatingin ako sakanya dahil sa tanong niya.
"Bakit?!" Alam ko naman yung sagot sa tanong ko. Gusto ko lang siyang asarin. :P
Marahas niyang tinanggal yung shades niya at ang mga mata niyang galit naman ang humarap sakin. Yan. Mas mabuti na nakikita ko yung mga mata mo. Para nakikita ko yung reaksyon mong nakakatawa. Hay naku, ang bilis niyang mapikon. Ngayon lang ako naenganyong panuorin ang isang taong napipikon dahil sakin. Ang sama ko na. =u=
"Fck! Wala ka ba talagang naiintindihan sa mga sinasabi ko, retard?! Inaasar mo ba ako o sinasadya mo?!" Hala siya, nagalit na si Yoda.
"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Natawa na lang ako kasi lumalaki yung butas ng ilong niya. Aaminin ko na nabuo niya araw ko sa pamamagitan ng mga reaksyon niya sa mga asar ko. "Pikon talo ka talaga, Tenga. Oo na! Ibibigay ko na! Eto, excited ka masyadong katext ako. Iisipin ko talaga nagkakagusto ka na sakin." Eto din kasi yung una araw na magpapanggap kami na kami. Halata sa mukha niyang napipilitan lang siyang gawin to pero mukha din naman siyang walang magawa.
"I'll just text you para alamin kung nasan ka o anong ginagawa mo. Para kung hahanapin man kita o kailangan ko ikaw para ipakita sa ibang tao, alam ko. Text back as soon as possible pag nagtext ako. Don't make me wait. I hate waiting." Paliwanag niya habang kinukuha niya yung phone niya. Jusko, napakademanding talaga ng lalaking to. Parang babae. Daig pa ako. =__=
Binigay ko na sakanya yung number ko pero di na niya binigay yung kanya sakin. Sabi niya itetext niya na lang daw ako. Okay. Bahala siya. Basta gagawin ko to para sa lovelife ko. Huhu.
Aalis na sana ako dun kasi baka maunahan pa ako ng bell pero hinila niya ako sa braso at pinaharap ulit sakanya. Nainis ako sa ginawa niya.
"Ano ba?!" Pero imbes na pansinin yung pagrereklamo ko, dinantay niya na yung kamay niya sa baywang ko at inilapit sa katawan niya. Namula ako ng di oras. Napansin ko ang mga matang nakatingin samin. Tae.
"A-anong ginagawa mo?!" Bulong ko pero naiinis yung tono ko. Kasi naman, alam kong nagpapanggap kami pero bakit bigla biglaan siyang dumadamoves?! Hindi ba pwedeng pagsabihan ako para prepared ang kaluluwa ko?! Don't get me wrong. Hindi ako kinikilig. Kinikilabutan lang ako. God!
YOU ARE READING
A BitterSweet Coincidence (Love Letter Entry #2)
Teen FictionA Mistaken Letter Part 2 Continuation of Chaviz and Jeraldine's love story. ❤❤❤❤❤❤