--
#8
"Andyan nanaman siya, Dindy."
Kakatapos ko lang ligpitin ang mga gamit ko at handa nang umalis nang biglang lumapit si Tracy sakin na may malaking ngiti sa labi.
"Huh?"
"Si aherm.. si Chaviz." Binulong niya lang yung panghuli.
Napatingin ako sa pinto at napairap ng palihim. Akala ng lahat, kami talaga. Pero ang totoo niyan, wala talagang namamagitan saming dalawa. Tss..
Pero ito ang ineexpect nila at ng kanyang mga magulang at kasosyo nila sa negosyo. Kaya sige na nga. May kapalit naman eh. Hehe.
Pagkalabas ko ng classroom, bumungad sakin si Chaviz King Buenavista na ang angas ng dating na nakasandal sa poste malapit sa classroom. Medyo messy yung ash gray niyang buhok, nakapamulsa, at yung bag niya ay nakasakbit sa kanang balikat lang niya. Malayo ang tingin at nasabi ko na ba sainyo na ang pogi niya pag nakaside view?
Hindi mo tuloy mapigilang mapatitig at mapanganga sa kagwapuhan niya.
Hindi ko masyado makita mukha niya pero pakiramdam ko gwapo siya. Sa mga babae at binabae na napapatigil para tignan siya eh alam ko na.
Gwapo na sana.. kaso.. panira lang talaga yung ugali eh.
Nang magkasalubong ang mga mata namin..
...
..
.
Teka.. unti-unting nagbibigay linaw sa mga mata ko yung palaging blurred niyang mukha.
sobrang pamilyar. Sobra.. hindi na blurred yung mukha niya.. may features na ito. May mata, ilong at bibig. Kumpleto na. Ash grey lang yung buhok niya dito. At napasinghap na lang ako nang mamukhaan ito sa lalaking nakasalamuha ko kanina lang...
Hinintay kong magising ako...
Pero hindi...
Hindi pa din ako nagigising sa realidad.
Kailangan ko pa sigurong ipagpatuloy ito.
Lumapit ako sa kanya.. dahan-dahan. Parang nagsoslow motion lang. Nang unti-unting kumukurba sa ngiti yung labi niya, naalala ko nanaman yung lalaki kanina.
"Ang tagal mo naman." Biglang nagiba yung mood niya at napalitan ng kunot noo ang kilay niya.
Panandalian kong nakalimutan ang bumagabag sakin kanina dahil sa inis at iritasyon sa pambati niya sakin.
"Sino ba nagsabing maghintay ka? Wag ka nga! Ginusto mo yan." Bulong ko sakanya.
Nang hinawakan niya yung kamay ko at pinagsalikop ito, hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng init sa pisngi. Nakakapanibago pa rin na nagkaroon na ng mukha ang lalaking lagi kong napapanaginipan.
Tama nga ang hinala ko, iisa lang sila.
At ano ito? Isa ba ulit itong memory?
Ngumisi niya dahilan kung bakit bigla akong natauhan. Yung ngisi niya hindi yung ngising sincere... ngising demonyo.
"Baka gusto mong ireto ko sa iba si Bernard?" Nanggigil niyang sabi habang parang tangang nakangiti na wala namang humor.
Namula ako, hindi dahil irereto niya sa iba si Bernard kundi dahil sobrang awkward nun sa sitwasyon ko.
YOU ARE READING
A BitterSweet Coincidence (Love Letter Entry #2)
Teen FictionA Mistaken Letter Part 2 Continuation of Chaviz and Jeraldine's love story. ❤❤❤❤❤❤