Chapter 2

14 1 0
                                    

---------------------------------------------

#2

Habang nasa byahe kami pauwi, napapansin ko na panay ang sulyap ni Kuya Jackson sa cellphone niya. Nakaupo siya sa front seat. Si Kuya John ang nagdadrive habang si Kuya Je, ako at si Dale sa backseat. 30 minuto ang byahe dito sa Parañaque hanggang sa bagong gawa naming bahay sa Bacoor. Bago yung aksidente, nakapagsimula na sina kuya sa pagpapagawa ng bagong bahay. Yun yung pinag-ipunan nila nung 1st year college pa ako. Hindi ko maalala. Pero sabi nila hindi naman daw talaga nila pinapaalam sakin yun dati dahil gusto daw nila maging surpresa ito pag buo na. Hindi ko pa to nakikita. Natapos kasi ito, nung nakalipad na kami ng korea.

"Bunso, ano balak mo sa birthday mo?" Napatingin ako kay kuya John sa rearview mirror. Nakatingin na din yung tatlo sakin, naghihintay ng sagot. Umiwas ng tingin si kuya John para ituon ang tingin sa daan.

Medyo nagulat ako sa tanong ni kuya. March 1 na ngayon at sa 9 yung birthday ko. I'll be turning 24 then.

"Simpleng dinner na lang siguro sa bahay, kuya." Sagot ko.

"Who will you invite then? Friends?" Tanong naman ni Kuya Je sa tabi ko.

Nagkibit balikat ako. "Oo. Sina Hyunie, Zach at Jamaica lang siguro." Ayoko naman ng masyadong maraming bisita. And besides, hindi ko maalala kung marami ba akong kaibigan noon. Kaya mas mabuting kami kami lang ang magcecelebrate ng birthday ko.

"Hindi mo iimbitahin si Tracy?" Mahinang tanong ni kuya Jack. Napasinghap ako sa pagkarinig sa pangalan niya. Napayuko ako at nilabanan ang pagtulo ng luha ko. Marinig ko lang ang pangalan niya hindi ko na mapigilang magbreak down.

"Bunso?"

Sinulyapan ko si kuya Jack na nanginginig ang labi. I wanted to invite her of course. Kaibigan ko pa din naman siya eh. Hindi lang ako sigurado kung pupunta siya. She denied me for 5 years. Hindi siya nagparamdam. Ilang beses ko din siyang chinat sa Facebook. Pero bigla naman siyang nagdeactivate nang kanya. Para bang sinasadya niya yung pagiwas niya sakin. Hinanap ko siya sa Instagram, sa Twitter, sa Skype at sa Viber. Tinry ko ang lahat na account at UN na maaari niyang gamitin. But there's still no sign of her in the internet. She shut me out, when i needed my best bestfriend the most. Pero kahit na ganun, mahal na mahal ko pa din siya. Mahal na mahal ko pa din ang bestfriend ko. Kaya gusto ko man siya imbitahin, natatakot ako baka ireject lang niya ang alok ko or worse, naimbita ko nga siya pero hindi naman siya pumunta. I know i'm being paranoid. Pero ginawa ko na lahat para makausap siya. Hindi naman niya ako pinagbibigyan. Hindi ko pa nga siya nakikita ngayon.

Hindi ko alam kung anong nangyari. O kung anong nagawa ko sakanya. Pero isa lang ang alam ko ngayon. Miss na miss ko na ng sobra ang bestfriend ko.

"Okay. I'm sorry. Don't cry. But don't lose hope. Baka may dahilan lang si Tracy kung bakit niya nagawa yun. Try pursuing her once again, Jeraldine. Don't give up. She's your bestfriend. She loves you." Dahan-dahang paliwanag ni kuya na para akong batang kinakausap niya.

Napailing ako. "I don't know kuya. I hope she feels the same." Pagkatapos kong sabihin yun, hinilig ko yung ulo ko sa balikat ni kuya Je at pumikit.

--

Nagising ako nang gisingin ako ni Dale na malapit na kami. Dun ko napagtanto na nakahilig na yung ulo ko sa balikat niya. Ewan ko kung inilipat ba ni kuya yung ulo ko dahil sa ngalay, o sadyang malikot lang akong matulog. Tumigil ang sasakyan ni kuya sa isang malaking gate. Makikita na mula sa labas yung buong bahay. At napaawang yung bibig ko nang pasadahan ng tingin ang napakalaking bahay. The house is modern at naghahalo ang kulay ng black, white and grey. Kitang kita ko yung malawak na lawn sa harap at nasisilayan ko ang pool sa likod ng bahay. May malaking veranda din sa second floor at makikita mo na yung loob nito dahil salamin ang pintuan nito na naghahati sa loob at sa labas. Malawak ang sakop nito at mukhang bagong bago ang bahay.

A BitterSweet Coincidence (Love Letter Entry #2)Where stories live. Discover now