Chapter 4

10 1 0
                                    

--------------------------------------------

#4

Jeraldine

Hindi pa din ako nakagalaw sa kinatatayuan ko kahit na nawala na siya dun. Kumurap ako ng tatlong beses. I saw Tracy. Hindi naman siguro ako namamalikmata. And i saw how big her tummy is. She's pregnant? By whom? Yun ba ang dahilan kung bakit hindi siya nagparamdam sakin ng ilang taon?

Naguguluhan na ako sa mga tanong na pumapasok sa isipan ko. What is she doing here? Is she livinig here in Bacoor as well? Alam kaya ito nina kuya? Sino naman ang kasama niya? Anong nangyari sa bahay nila sa Manila? Bakit dito pa? Is this purely coincidence? Sumakit ang ulo ko. Hindi dahil may naalala nanaman ako, kundi sa mga nakita ko kanina.

Bigla akong nakaramdam ng awa at pagkabahag sa kaibigan ko. What happened to her? Alam kaya nina kuya? Kung oo, bakit di nila sinasabi sakin? Is she married already? Para bang nawala lahat ng pagkatampo ko sakanya dahil sa kalagayan niya. She looks tired and exhausted kahit na nasa malayo ko lang siya tinignan. Parang pasan niya ang mundo sa itsura niya. Gusto ko tuloy na magusap kami at magkaayos para hindi na ako makadagdag sa alalahanin niya.

Hinarap ko si Dale at nakita kong nagaalala yung mukha niya.

"Do you know where she lives, Dale?" Tinanong ko agad sakanya yun.

"Who?"

"Tracy!"

Umiling siya. "It's my first time here as well, JL. I didn't about this place. We'll ask your brothers, if you want to know." Nagaalala pa din yung mukha niya sakin. Hinawakan niya yung braso ko para pakalmahin ako. Biglang may pumasok sa isip ko.

"Sundan natin siya Dale." Sabi ko habang nakatingin sa direksyong pinuntahan ni Tracy. Hinawakan ko na yung pulupulsuhan niya para maglakad na pero pinigilan niya ako.

"Don't be too reckless, JL. You saw her. She's pregnant. It's better--"

"I know! Kaya nga dapat na sundan natin siya, Dale. Hindi natin alam kung anong pwedeng mangyari sakanya sa daan!" Giit ko. Naiinis ako. Bakit di na lang niya ako hayaan? Tracy's my bestfriend. Natural lang na magalala ako sakanya

"Baka pauwi na yung kaibigan mo! Hayaan mo na lang siya. Let's go!"

Nanlaki ang mga mata ko. Is he serious?!

"Can you hear your self, Dale? Tracy is pregnant and she's alone! Sundan lang natin siya to make sure she's safe." Napabuntong hininga ako out of frustration. Kung magtatagal pa ako dito baka hindi ko na maabutan si Tracy. Muli akong tumingin sa kung saan siya pumunta.

"Pero baka ikaw naman ang--"

"I don't care, Dale! Kung ayaw mo, dito ka na lang! Susundan ko ang kaibigan ko sumama ka man o hindi!" At tumakbo na ako palayo sakanya. Naririnig kong tinatawag niya ang pangalan ko pero hindi na ako lumingon.

Hinanap ng mga mata ko si Tracy habang natakbo ako. She's pregnant! She's freaking pregnant! She musn't be outside without a companion. Baka kung mapaano siya at yung baby. Responsabilidad ko pa dahil nakita ko siyang tumakbo. I need to make sure if she's safe at may kasama na siya. But first i need to find her.

Napatigil ako sa pagtakbo para humabol ng hininga. Napansin kong di na pamilyar yung lugar kung nasaan ako. Nasa kalye pa naman ako. At pwede pa akong bumalik sa kinaroroonan ko since diretso lang naman ang takbo ko. Pero di ko mapigilang kabahan. Di ako sanay dito. Umiling ako. Si Tracy. I need to find her first.

Suminghap ako. Bakit kasi hinayaan siya nang asawa niyang lumabas mag-isa?! Kung may asawa ba siya. What if kung magisa lang niya binubuhay yung bata?! The thought makes me cry. Kawawa naman ang bestfriend ko. Kung ikukumpara ko sa problema ko sakanya, mas malala yung problemang kinahaharap niya ngayon. Walang lugar ang pagtatampo ko sa sitwasyon niya ngayon. Dahil dun hindi na ako nagsayang ng oras ay nagpatuloy lang ako sa pagtakbo.

A BitterSweet Coincidence (Love Letter Entry #2)Where stories live. Discover now