Chapter 3

11 2 1
                                    

---------------------------------------------

#3

Bernard

Tinipon ko ang Phoenix, kinabukasan nung araw na nangyari yun. Napatahimik ko naman si Kenneth, ang panganay ko, sa pagkukwento sakanyang mommy tungkol sa nangyari sa tapat ng bagong bahay ng mga Perez. Sapat na ang ice cream para hindi na siya magsalita pa ng kung ano-anong bagay na magpapakabagabag kay Trazy. Malalaman niya din naman na nasa Pinas na si Jeraldine. But not now.

Pinasadahan ko ng tingin ang sampung taong naandun. Andito kami sa headquarters namin sa Diamond Estates. Hindi kami kumpleto. At sinadya kong hindi tawagan si Chaviz at ipaalam sakanya ang pagtitipon ng grupo. We're delinquents in our minor years. But that's in the past now. Kinalimutan na namin lahat ng mga yun. We're adults now. We're mature enough to think that going back is not a good idea.

"Jeraldine Clare Perez is back." Simula ko at natigil sila sa paguusap nilang lahat. Na para bang may kaabang-abang akong announcement sakanila. And it was. Pero wala silang ideyo doon.

Kumunot ang mga noo nila at nakatingin saakin, nagulat sa sinabi ko. Pinagdaop ko ang mga palad ko at sinandal ang mga siko ko sa tuhod. Tinignan ko sila isa isa, eyeing them seriously.

"What the fuck?" Unang natauhan ang isa sa napakalapit kong kaibigan na si Henry.

"Are you serious, Ben?" Tanong ni Kris at humalukipkip. Sunod sunod na silang nagtanong sakin.

"Did you see her?" Tanong ni Lorrence.

Umiling ako. "I don't. But my son saw her. Pumasok siya sa bahay ng mga Perez. He said she looks like the girl in Chaviz's wallet. I'm sure he's referring to Jeraldine." Seryoso ang tinig ko.

"I saw her too." Napatingin kaming lahat kay Dennis, hindi inaasahang magsasalita siya. Nagkibit balikat siya at umayos ng upo. "Kasama siya ni Zach umuwi galing korea. They're friends, that's what i thought." Si Zach yung girlfriend niya. 2 years na sila ngayon. "But... she is really back." Sinabi niya yun na parang ngayon lang nagproseso sa utak niya ang mga nangyayari. "Nakausap ko pa nga siya eh."

Napatunghay ako at tinignan ng mabuti si Dennis. "Anong napagusapan niyo?"

"Don't worry. Hindi ko pinahalata sakanya na magkakilala kami. But.. she seemed to familiarize me. Nagkita na kami noon. Noong pumunta kayo ng Quezon?" Sabi ni Dennis. Nakatuon ang pansin ng lahat sakanya.

Napatango ako. That's good. Pero hindi ko mapigilang kabahan. Kaya walang koneksyon ang magbestfriend dahil samin. We don't want any more connections about Jeraldine and Chaviz. Alam namin na kapag naguusap pa din sina Tracy at Jeraldine, makakaalala siya. Napagkasunduan namin ng mga kapatid niya na tutulungan namin silang mabura si Chaviz sa buhay niya. I pity Chaviz. Mahal na mahal niya si Jeraldine. Dalawang taon niyang sinayang ang buhay niya dahil sakanya. Limang taon na din ang nakakalipas at panigurado, nakamove on na din si Chaviz. Hopefully. Now that Alex is around to distract him, magiging madali na para sa kaibigan kong yun ang kalimutan siya. Naiintindihan ko din ang tatlong magkakapatid na Perez. They were just protecting their sister. Pero kahit na anong pagtatago nila sa kapatid nila, i know in any time, kailangan ding magkita ang dalawa.

"Did Chaviz know about this?" Malalim ang iniisip ni Francis sa tabi ko.

Umiling ako. "I don't think so. Busy yun sa trabaho. I'm sure he's distracted." Andun din lagi si Alex kaya malamang wala pa siyang napapansin. Kung totoo ang sinasabi ni Dennis, then hindi malabo na magkita ang dalawa. At kailangan naming pigilan yun no matter what.

A BitterSweet Coincidence (Love Letter Entry #2)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora