Chapter 6

6 0 0
                                    

---------------------------------------------

#6

Gabi na nang makauwi ako galing kina Tracy. Nagyaya pa kasi si Tracy na magovernight ako dun. Parang dati lang na madalas akong magsleep-over sakanila noon. Gusto ko man ay baka mapuyat pa si Tracy dahil sakin at sa mga gagawin namin. Siyempre, hindi yun pwede para sa mga buntis.

"Pag nanganak ako, gawin ulit natin yung dati, Dindy ah!" Mangiyak ngiyak niyang sabi sakin habang nakapulupot yung mga braso niya sa baywang ko.

Natawa na lang ako at hindi ako pwedeng di sumang-ayon.

Nanaginip nanaman ako. At hanggang ngayon, iisang tao nanaman ang laman ng panaginip kong yun. Uuugh! Ilang araw na ako dito sa Pilipinas pero hindi ko pa din nahahanap yung lalaking nasa dati kong cellphone. Malakas kasi ang kutob kong iisa lang yung lalaking nasa phone ko at ang lalaking nasa mga panaginip ko.

Bumangon na ako at inabot ang bedside cabinet ko at binuksan ang pinakaunang drawer kung nasaan ang--- wait.. nasan na yun?!

Inangat ko yung mga notebook at journals ko dun pero hindi ko makita yung phone sa ilalim ng mga yun. Chineck ko yung pangalawa at pangatlong drawer at wala pa din dun. Shet na malagket! Asan na yun?! Hindi ko pa nagagalaw yun simula nung unang gabi ko dito sa Pinas!

Hinalughog ko yung buong kwarto ko. Pero pinagpawisan lang naman ako at hindi ko din nahanap. Imposible talagang malagay ko yun sa kung saan. Wala akong naaalalang hinawakan ko yun simula nang bumaba kami ng eroplano.

Tumayo na ako at lumabas ng kwarto. Nakasalubong ko si Rosa, yung katulong namin, sa hallway.

"Goodmorning ma'am! Naku bakit pawis na pawis kayo? Nakapajama pa po kayo ah?" Nagtataka niyang puna habang tinitignan ako mula ulo hanggang paa.

"Eh.. hehe." Napakamot ako sa batok. Nakalimutan kong magayos at maligo. Aish. "May hinahanap kasi ako eh. Uh ate Rosa.. may nakita ka bang cellphone na Samsung Duos na nakatago sa first drawer ko? Uhm, in case lang naman na napadaan ka sa kwarto ko?"

"Ay hindi po ma'am." Umiling siya habang nakakunot pa rin ang noo. "Hindi po ba ay ayaw niyong may papasok na ibang tao sa kwarto niyo maliban sa mga kuya niyo at kay sir?" Inosenteng tanong ni Rosa, yung katulong namin.

Aish! Tama! Walang pwedeng pumasok ng kwarto ko kundi ako o ang mga kuya at si papa? Hindi naman pwedeng mamisplace ko yun dahil hindi ko pa kinukuha yun mula sa drawer. Nilaro ko ang ilalim ng labi ko habang iniisip ko kung nasaan ko na nailagay yun.

Hindi na ako nakafocus sa dinadaanan ko kaya nakabangga tuloy ako.

"Oh, JL. Sorry. Are you alright?" Nakataas na kilay na sabi niya.

Si Dale.

"Ah? Hahahahahaha! Ayos lang ako. May.. hinahanap lang."

Tumango siya at tinanggal ang kamay na hindi ko namalayang nakahawak pala sa braso ko.

"Okay. Ano ba yung hinahanap mo? Para matulungan kita sa paghahanap?"

Napanguso ako at napatingin sa paligid, nagbabakasakaling bigla na lang magpakita yung cellphone ko na yun.

"Hmm.. cellphone ko."

Kumunot bigla ang noo niya at natawa ng bahagya. "Cellphone mo? Parang ngayon mo lang nalubayan yun at nawawala ngayon?"

Napairap ako ng marealize yung sinabi niya. "Hindi yun! Yung Samsung Duos na may wallpaper ni..." teka. Hindi ko nga pala alam yung pangalan nung lalaking yun. "May wallpaper ng isang pogi."

Nilubayan niya ang titig niya sakin at napatingin sa paligid na para bang iniisip niya kung may nakita siyang ganung cellphone.

"Saan mo ba huling nilagay?"

"Sa kwarto ko. First drawer ng bedside cabinet ko."

"Naghanap ka na ba ng mabuti sa kwarto mo?"

Tumango lang ako bilang sagot. Tumango din siya ng tatlong beses at binasa ang labi niya.

"Sige. Subukan mo kayang magtanong sa mga kuya mo? Tara, nasa baba sila. Naalala kong tatawagin ko na sana dapat ikaw para mag-almusal na." Nakangiti niyang sabi kaya hindi ko din napigilang mapangiti.

--

"Samsung?"

Nagkatinginan ang tatlo kong kuya at sabay sabay na umiling. Tumingin ako kay papa pero malungkot lang niya akong tinignan at umiling. Mukhang alam niyang importante yung phone na yun sakin kaya ganyan ang naging reaksyon niya. Nakaramdam ako ng paghawak ng kamay sa ibabaw ng akin. Nginitian ko lang si Dale pero halata namang pilit iyon.

Napabagsak ang mga balikat ko. Yun na lang ang tanging paraan para malaman ko lahat ng nakaraan ko. Hindi pwede. Hindi talaga pwede.

Nilapag ko ang kutsara't tinidor ko at tumayo na.

"Tapos na po akong kumain."

Sumama bigla ang pakiramdam ko at nawalan agad ng gana.

Yung cellphone na yun.

Kahit walang laman yun, importante pa din yung nakadisplay doon.

Baka kasi yung lalaking yun, ang maging daan para mahanap ko ang sarili ko. Baka siya lang kasi ang makakatulong sakin since mukhang hindi pa sinasabi saakin ang lahat nina kuya at papa sa nangyari sa nakaraan.

Ayoko naman silang pilitin. Baka may dahilan kung bakit ayaw nilang buuin ang pagsasabi nila ng totoo. Maghihintay ako sa pagkakataon na masabi na nila ang dahilan. Pero kung hindi nila ako matutulungan, kailangan kong tulungan ang sarili ko.

Imbes na sa kwarto dumiretso, tinahak ko ang daan papunta sa pintuan.

"Dine-Dine?"

"JL san ka pupun--"

"Maglalakad-lakad lang ako saglit. Babalik din ako."

"Samahan na---"

Hindi ko na pinatapos si Dale sa sasabihin niya at hinarap na siya.

"Okay na ako, Dale. Saglit lang ako."

Nakakabingi ang katahimikan na bumalot kaya pumihit na ako at umalis na doon. Kailangan kong magisip isip.

Habang naglalakad ako, sa tabi ng kalsada ay minu-minuto akong bumubuntong hininga.

Yung lalaki na yun sa wallpaper. Baka siya na lang ang tanging pag-asa ko para mabuksan ang nakaraan ko. Baka pwede niya akong matulungan since mukha naman siyang mabait na tao.

Pero... pano kung.. wala siyang alam sa nakaraan ko at sinasayang ko lang ang oras na umaasa sakanya?

Paano kung yung lalaking yun ay iniidolo ko lang at kahit kailan ay hindi ko pa nakikilala sa personal?

Napatigil ako sa paglalakad di lang dahil sa bigla kong naisip kundi dahil na din sa lalaking nakikita kong pababa ng kanyang sasakyan at papasok sa isang convenient store.

Napatakip ako sa aking bibig at hindi alam kung tatakbo ba ako sakanya o mananatili akong nakatayo dito.

Hindi ako makapaniwala. Andito talaga siya. Hindi siya malapit pero sapat na makita kong siya talaga yun. Ilang beses ko nang nakita yung mukha na yan sa wallpaper ko kaya pagsulyap ko lang sakanya ng isang beses, kilala ko na. Namukhaan ko na agad.

At ano to?

Bakit ang lakas ng pintig ng puso ko?

-------------

A BitterSweet Coincidence (Love Letter Entry #2)Where stories live. Discover now