Chapter 9

2 0 0
                                    

Chaviz

Hindi ko maipaliwanag ang mga nararamdaman ko ngayon. I was excited, nervous, happy and terrified at the same time. Hindi ko alam kung pano nangyari yun pero totoo.

Nang makita ko siyang mag-isa sa ilalim ng sikat ng araw, bigla na lang nagkaroon ng effects ang mga mata ko at nakikita ko na lang siya na lumiliwanag. Yung kinis ng balat niya ay nasisinagan ng araw kaya nagmumukha siyang lumiliwanag.

Para akong baklang ngingiti ngiti habang lumalapit sakanya at inilalabas ang payong sa bag ko. Nung una hindi ko alam kung bakit nilagay ni manang Tere ang payong na to sa bag ko. Hindi ko naman ito ginagamit since wala lang naman ang mainit na araw sakin. Hindi naman ako nangingitim kaya hindi ko talaga ito kailangan.

Pinayungan ko siya at nang tignan niya ako ng may halong pagtataka at pagkagulat, naalala ko nanaman yung araw na una ulit kaming nagkita.

Yung mga tinging akala mo eh first time lang niya akong nakita. Yung hindi talaga kilala. Yung para bang kahit kailan hindi ako dumaan sa buhay niya.

Fck! Kung alam ko lang talaga na ganun ang mangyayari sakanya hindi ko na sana siya iniwan!

But it's too late for regrets. Ang importante nasa harap ko na siya ngayon. All I have to do now is get her to fall inlove with me again.

I know we're too young to be inlove back then. At alam kong hindi pa ganun kalalim ang nararamdaman ni Jeraldine sakin nuon. It's the kind of love that is not yet ready to commit. And I know that. Because I feel the same way too. We just entered thay relationship because we thought that we are inlove.

But now I'm sure. Sa limang taong pagiisip, sigurado na akong siya na ang babaeng papakasalan ko.

Siya lang ang babaeng laman ng puso ko.

"Ano to?"

Pakiramdam ko tinraydor ako ng sarili kong mga kaibigan.

The way they looked at us a while ago, alam kong alam na nila dati pa na nakabalik na si Jeraldine.

At base sa mga reaksyon nila, hindi nila nagustuhan na magkasama kaming dalawa.

Bakit?!

Gusto kong malaman!

"Chaviz, kumalma ka muna.." lumapit si Vince sakin at sinubukang hawakan ang braso ko pero tinabig ko lang yun at sinamaan ko siya ng tingin.

"You knew about this? You knew about this all along and you didn't even told me?!" I was trying to compose myself pero galit na galit ako kaya hindi ko na napigilan ang sarili kong kwelyuhan siya.

"Chaviz!" Aawatin pa ako nina Dennis nang marinig ko ang malumanay niyang boses.

"W-Wag.." Napatingin ako sa gilid ko at nakita ko ang natatakot at nagtataka niyang mga mata.

Hindi ko alam kung pano niya nagagawa to pero nang makita ko yun agad na kumalma yung sistema ko at nabitawan ko si Vince.

Probably you look stupid infront of the love of your life, Chaviz. Hindi mo nanaman tintignan ang mga consequences nang mga pinaggagawa mo. You're too reckless!hindi mo naisip na baka kung anong isipin ni Jeraldine sayo! Remember kinukuha mo yung loob niya! You're just a stranger to her right now so act nice and get a good impression.

"S-Sorry.."

Sabi ko habang nakayuko sakanya.

Kailangan mong magnilay-nilay mamaya sa katangahan na ginawa mo, Chaviz. You are so stupid.

Humarap ako kay Vince at tinignan siya sa mata.

"Dude.. sorry. Nadala lang ako."

Pft. Halata bang labas sa ilong?

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 18, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

A BitterSweet Coincidence (Love Letter Entry #2)Where stories live. Discover now