Chapter 5

11 1 0
                                    

--------------------------------------------

#5

"Thanks kuya!"

Binuksan ko na agad ang pintuan at nagulat ako na binuksan niya din yung kanya. Lumabas na ako at naabutan ko siyang binubulsa ang susi ng kotse.

"Kuya, ayos na ako dito. You don't have to come with me there." Ani ko ng mapansin kong balak niya talagang sumama sakin dun sa Jollibee. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Bakit ba atat na atat kang umalis ako, bunso, ha?" Nagsmirk siya kaya napapoker face ako. "And besides, i want to know where you four are going."

At nauna na siya sa paglalakad. Sinamaan ko ng tingin yung likod niya. Pag wala ba talaga si Dale, kailangan nila akong samahan kung saan ako pupunta? Jeez. Perks of having over-protective brothers. Nagpapasalamat na nga ako dahil wala ang dalawa kong kuya para sumama. Di ko alam kung nasaan sila pero mas mabuti na yung ganito. Mukha namang aalamin lang ni Kuya kung san kami pupunta at baka umuwi na din siya. Sana.

"Gosh, nakakapagod! I swear hindi ko na ulit gagawin yun!" Bulalas ni Zach pagkalapit niya samin. Hindi naman kami kalayuan sa pintuan ng Jollibee kaya nakita nila agad kami. Napatingin tuloy yung ibang tao sa direksyon namin.

"Oh hi kuya John!" Unang bumati si Jamaica at umupo sa tabi niya. Katapat ko na siya ngayon. Ganun din si Hyunie sa kabila. Umupo si Zach sa tabi ko.

"Kanina pa ba kayo dito, Jinnie? Pasensya na natagalan kami." Paumanhin ni Hyunie sakin. Umiling naman agad ako.

"Ayos lang. Kararating lang din naman namin eh. Bakit? Ano bang ginawa niyo?"

"Nagcommute" sarkastikong sabi ni Zach sa tabi ko at humalumbaba. "Last minute plan kasi tong gala natin. We got bored kasi at naisip naming imbitahin ka. I thought Dennis was free today. Para ihatid tayo sa cafe nila. Pero nakalimutan kong binisita niya yung branch ng restaurant nila sa Quezon. Buti na lang at marunong si Jamaica magcommute." Ngumuso siya at pinaglaruan ang case ng cellphone niya.

Kumunot ang noo ko. Ayos lang naman sakin na magcommute na lang kami. Pero mukhang hindi na ata papayag si Zach na mangyari yun ulit. Nagkatinginan kami ni kuya John. At ganun din si Zach na parang may namuong ideya sa isip niya.

"Kuya John! Dala mo ba yung Fortuner mo??" May namuong pag-asa sa boses niya. Napailing agad ako. Don't tell me magpapahatid sila kay kuya John?

"Oo."

"Pwede mo ba kaming ihatid sa cafe ni Macy?"

Napatingin muna si Kuya John sakin at bahagyang ngumisi. Sumimangot ako. Tss. Mukhang nagtagumpay si kuya na bantayan ako hanggang sa makauwi ako ng bahay ha? Aish!

"Sure. San ba kayo?"

"Sa Macy's Cafe! Malapit lang siya sa ATC."

"Oh sige. Turo niyo na lang kung saan. I know where ATC is."

"Good! Tara na! Naghihintay na satin si Macy dun!"

Tumayo na kaming lima at lumabas na sa Jollibee. Agad kong nilapitan si kuya. Nasa likod namin ang tatlo.

"Kuya. Sa kotse ka lang ha." bulong ko sakanya.

Tinaasan niya ako ng kilay at napangisi. "Okay.."

Hindi ko nagustuhan yung ngisi niyang yun kaya pinandilatan ko siya ng mata. Natawa siya ng malakas at ginulo ang buhok ko. Inayos ko naman agad yun. Kainis.

--

Habang nasa byahe, nakwento ni Zach na pupunta kami sa cafe ng nakababatang kapatid  ni Dennis. Medyo nagulat pa nga ako dahil sa sinabi ni Zach na nakakabatang kapatid ni Dennis. Sa pagkakatanda ko kasi sa itsura ng huli nung una naming pagkikita namin sa airport, ay base sa tikas ng katawan at sa maturity ng kanyang kilos, alam kong mga nasa mid-20's na siya. Magmimid 20's naman na din ako kaya siguro hindi nalalayo ang agwat namin. At malamang may mas nakakabata pang kapatid si Dennis na may sarili nang minamanage na cafe ay namangha ako. Sa edad ko ngang ito ay wala pa akong sariling business o trabaho. Pero siya, ang mas nakakabatang kapatid ni Dennis ay mukha tuloy akong kulelat kung itatabi sakanya. I graduated as an architect pero di pa ako nagaaply sa mga construction companies. May naisip na ako kung san pwede magapply pero hindi pa ako nakakapagpasa ng blueprints at iba pang requirements. May inapplayan ako sa Korea pero hindi naman ako tinatawagan tulad ng ipinangako nila. Kaya nawalan na ako nb pag-asa dun.

A BitterSweet Coincidence (Love Letter Entry #2)Where stories live. Discover now