Chapter 7

17 0 3
                                    

----------------------------------------

#7

Pumasok ako ng convenient store.

Oo, alam ko. Medyo padalos-dalos itong ginagawa ko. Pero hindi naman ako magpapakita. Magtatago naman ako.

Malakas ang pintit ng puso ko habang pinapanuod ang ulo niya na nakikita ko mula sa mga taas ng mga shelf na naandito. Ang tangkad niya kasi. Kaya kitang kita ko ang napakagwapo niyang mukha.

Naeexcite ako and at the same time, kinakabahan. Kinakabahan ako kasi baka kilala niya ako. Baka isawalat na niya ang buong katotohanan sa pagmumukha ko.

Ano bang pinagiisip mo, Jeraldine?! Diba yun naman ang gusto mo? Ang malama ang katotohanan tungkol sa nakaraan mo? Eto na yun! Andito na yung susi! Ano bang kinakatakot mo diyan?

May parte kasi sakin na hindi pa handang malaman ang lahat. Naguguluhan na ba kayo sakin? Wag kayong magalala ako din T_____T

Bigla akong nagtago sa malapit na poste nang iangat niya ang tingin niya sa direksyon ko.

Halos magwala na ang puso ko sa kaba. Muntik na yun!

Sinilip ko ulit siya at nakita kong nakatalikod na siya sa sakin. Nakahinga ako ng maluwag.

Napatitig ako sa pula niyang buhok at napatulala. Ano kayang ginagawa niya dito? Napadaan? May sadya? Kung meron, ano kaya? O sino? May girlfriend na kaya siya? Sa pogi niyang yan, imposibleng wala! Baka nga yung girlfriend niya na yun ang sadya---

Teka teka teka...

Bakit mo ba iniisip na may girlfriend na siya, Jeraldine? Ano naman kung may girlfriend na siya? Well, siya lang naman ang lalaking baka may alam tungkol sa nakaraan mo. Totoo nga niyan, pwedeng pwede mo siyang kumprontahin nang harap harapan! Ang problema lang talaga ay ikaw! Bakit ka ba kasi naduduwag?! Lalaki lang naman siya! May tatlo kang kuya at isang lalaking bestfriend. Kayang kaya mo yan! Ano nang nangyari sayo?

"I just bought something here in the convenient store.."

Muntik na akong mapatili sa malalim na boses na bigla kong narinig sa likod ko. No. Hindi talaga sa likod ko. Nasa kabilang haligi siya ng pader na tinataguan ko.

Yung puso ko. Hindi na magkaintindihan kung anong mararamdaman. Tumitibok ito ng malakas dahil sa kaba, takot, at pagkabigla.

Oh my god! Muntik na akong atakihin dun!

Sinilip ko siya ng bahagya at nakita ko yung braso niyang... ooohhh... muscles... ehe-ehem.. yung braso niyang may hawak nang Soda Milk. Favorite ni Tracy. Huh? Bakit ko naman agad naisip yun?

"Yeah. Malapit lang sa bahay niyo.."

Whut? Malapit lang yung bahay ng ipinunta niya dito sa convenient store? OMG! Kina.. Tracy nga yun..

Tumigil ka nga, Jeraldine! May asawa na si Tracy! Tama na nga yang iniisip mo!

Ugh. Bakit parang naninikip yung dibdib ko sa mga iniisip ko? Napahawak ako sa dibdib ko at dinamdam ang pagtibok nito ng malakas. Bakit to nangyayari sakin? Parang biglang nagkabuhay ang puso kong hindi pa nakakaranas ng ganito... hindi nga ba?

Lalong naghurumentado ang puso ko nang marinig ko yung pagtawa niya ng mahina. Tawa yun pero bakit parang ang lungkot? Bakit parang may pinagdadaanan? O masyado lang akong nagiisip?

"Papunta na ako sainyo. I'll just pay for these.." nanahimik siya saglit. "Dude, are you okay? Kanina ko pa napapansing medyo ngarag yung boses mo. Did you and Tracy did..."

Hindi na niya natapos yung sinasabi niya dahil natawa na siya.

Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang pagsinghap ko. Nabanggit niya ang pangalan ni Tracy. At.. hindi kaya.. posible kayang... si.. si Bernard ang kausap niya?!

A BitterSweet Coincidence (Love Letter Entry #2)Where stories live. Discover now