"Mahal mo siya, mahal ka niya."
----Senyorita Suho.
ㅡㅡㅡ
Andito ako ngayon kasama si Ten at Taehyung sa auditorium. Pinalayas ko ang drama club ngayon para lang sa "Search for Senyorita's Senyorito" Oo. Ang corny pakinggan. Pano ba naman si Ten at Taehyung ang nag-isip.
"Sa tingin niyo pa ba may pupunta?" Tanong ni Ten habang inaayos ang mga papeles na pipirmahan ng boyfriend ko.
Oo, magiging boyfriend pa lang pero may pirmahan ng magaganap. Para akong mag-aasawa.
"Oo naman. May pupunta. Nilagyan natin ng 'Php. 500,000.000 ang mananalo' sa baba ng poster eh. Ang dami kaya mukhang pera dito sa buong school." Ani ni Taehyung habang naglalagay ng eye liner. May date ata sila ni Jungkook mamaya.
At tulad ng sabi ni Taehyung maya maya palang ay may mga pumila na sa Auditorium. Isa-isa silang pinapila at pinapasok ni Taeyong. Marami ding mga studyante ang pumasok lang sa Auditorium para manood. Akala niyo naman may event o ano.
"Candidate number one, pasok please." Ani ni Taehyung at pumalakpak.
May isang lalakeng kamukha ni Taehyung ang pumasok. Puta. Mas bakla pa ata 'to sakin.
Nagtaas ng kilay si Ten, "Pangalan? At anong year na?" Tanong ni Ten.
"Byun Baekhyun, 69, Grade 11 Class A!" Proud na proud niyang sambit na akala mo sasali sa Miss Universe.
Bago pa siya makapagsalita muli agad ko na siyang binara. "Hindi ka karapatdapat. Hindi ka sumasali sa Miss Universe. Mas bakla ka pa sakin eh! Next!" Sambit ko at tinawag na si Candidate number two.
Agad namang pumasok si Candidate number two at kumindat sakin. Putangina. Flirt.
"Kim Jongin, Grade 11 Class B!" Nakangisi niyang sambit.
"Bakit ka nag audition para maging Senyorito ni Senyorita Suho?" Tanong ni Chittaphon.
"Nag audition ako kasi may nakapagsabi na virgin pa daw si Senyorita Suho. Gusto ko ako ang maka-una sa kanya." Bago pa ako makapag react biglang may sapatos na tumama sa mukha niya.
"Putangina mo Kim Jongin! Napakaharot mo! Kakalabas lang ng dating scandal niyo ni Krystal tapos lalandi ka nanam!" Biglang umakyat sa stage yung mukhang kwagong lalake. Kilala ko 'to. Classmate ko. Si Do Kyungsoo. "Hayop ka bang harot mo! Halika dito!" Biglang hinila ni Kyungsoo si Jongin sa tenga pababa ng stage.
BINABASA MO ANG
Señyorita Suho | sulay ff
Fanfiction"Kim Junmyeon, but you can call me Señyorito Suho." -Señyorito Suho. credits @firelightus for the cover