Katarayan #10

2.5K 163 178
                                    

"Wala muna ako tips para sa lahat sasabihin lang dahil December 23 ngayon batiin niyo ang author niyo ng maligayang kaarawan!!" --Senyorita Suho.





ㅡㅡㅡㅡ







"TIK TILAOKKKKKK TIK TILAOKKKKKKKK!!"






"Chittaphon bakit may manokㅡ Oh.." Napahinto ako ng mapagtanto kong wala nga pala ako sa mansyon. Walang Chittaphon. Walang Taehyung. Walang malambot na kama. Walang mansyon. Walang pera.





Nilibot ko ang paningin ko kung saan ako natulog. Gawa sa kahoy yung buong bahay ni walang aircon o electric fan man lang pero okay lang kasi malamig naman dahil asa may palayan kami so medyo mahangin at malamig.




Magkatabi kaming natulog ni Yixing kagabi pero mukhang maaga pa lang wala na siya. Sa kabilang kwarto naman natulog si Taeyong na mukhang nag-aalala pa din sa kasintahan niyang si Ten.




Napabuntong hininga na lang ako at agad na tumayo para bumaba. Agad ko namang nakita si Taeyong na umiinom ng kape habang nagbabasa ng dyaryo.




Nginitian niya ako at binati, "Magandang umaga Senyorita." Bati ni Taeyong sakin.




Nginitian ko din siya at binati, "Good morning, Taeyong. S-Si ano.. Si Yixing?" Namumula kong tanong enebe eng heret me Suho.




"Ah si Yixing po? Maaga pong umalis para mamalengke. Wag po daw kayo mag-aalala babalikan niya po daw kayo." Sambit ni Taeyong at tumawa.




Agad naman akong umiwas ng tingin, "H-Hindi ko naman tinatanong kung babalik siya o hindi! Hmp!" Sambit ko at agad na umupo sa harapan ni Taeyong at naki-inom sa kape niya. Hindi ito 'yung kape na binibili pa ni Taehyung sa starbucks pero okay na din. Lasang kape.




Maya-maya ay agad na dumating si Yixing bitbit ang dalawang bayong at mukhang namili nga talaga siya sa palengke. Agad namang tumayo si Taeyong at tinulungan si Yixing sa pagbuhat ng mga bayong.





Lumapit si Yixing sakin at mabilis akong hinalikan sa labi, "Good morning baby." Bati sakin ni Yixing habang nakangiti.




"Y-Yah! H-Hindi pa ako nag-t'toothbrush!" Sambit ko at agad kong tinakpan ang bibig ko. Yexeng nemen eh hende pe eke hende depet senebehen me mene ekeeee. Sana nakapag-toothbrush at mouth was man lang ako!




Tumawa naman siya at ginulo gulo pa ang buhok ko. "Okay lang 'yan. Kahit mabaho ang hininga mo mahal pa din kita." Sambit ni Yixing.





"Hayop ka!!" Sambit ko at agad siyang binatuk-batukan. "Aba siraulo ka ah!! Kahit mabaho hininga ko dyosa pa din ako. Kahit mabaho hininga ko maganda pa din ako!" Agad ko siyang kinewelyuhan. "At kahit mabaho hininga ko.. M-Mahal mo pa din ako." Sambit ko at medyo umiwas ng tingin.



Ngumiti siya at hinawi ang bangs ko.




"I love you." Sambit niya.



"I-I love you too." Sambit ko.




"Ehem. Gusto ko lang po ipaalala sa inyo na hindi lang po kayo 'yung tao dito baka naman po gusto niyong tulungan akong mag-luto ng umagahan bago niyo pa maging umagahan ang isa't isa." Sambit ni Taeyong habang nakapamewang.



Natawa lang kami ni Yixing at agad ng lumapit kay Taeyong para siya'y tulungan.



ㅡㅡㅡ



Señyorita Suho | sulay ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon