Katarayan #14

1.9K 114 212
                                    

"Masyado mo kasing pinapahalagahan yung mga taong inuuto-uto ka ayan buti nga sayo, shunga mo eh." --Senyorita Suho.




---




Warning: SPG 




Hindi ko alam ang gagawin ko dahil hindi pa tapos ang party minabuti muna namin ni Yixing na wag munang sabihin kela Jongdae na nawawala o nakuha nung nanay kong impokrita yung isa naming kasama. 

Napabuntong hininga ako. Ano kayang nangyari kay Taeyong at kay Ten? Sana okay lang sila di ko ata kakayanin kung may nangyaring masama sa kanila.




Bigla akong yinakap ni Yixing mula sa likod, 

"Kalma babe. Kalma ka lang.." Bulong sakin ni Yixing.




Napabuntong hininga ulit ako at hinarap siya, 

"Paano kumalma? Paano, Xing? Maaring mapahamak ang mga kaibigan ko dahil sa ginagawa natin.. Minsan napapaisip ako na.." 




Biglang bumitaw si Yixing sa yakap, 

"Kung ano man 'yang iniisip mo Junmyeon wag mo nang ituloy hindi ako natutuwa sa sasabihin mo." Seryosong sambit ni Yixing.




Lumingin ako sa kaniya at nag-salita,

"But Yixing, look, dahil sa kapestehang pag-tatanan natin madami sa mga kaibigan natin ang napapahawak. Kahit saan tayo pumunta hahanapin tayo ng aking ina at panigurado lahat ng tumulong satin gagawan niya ng masama! W-What if patay na sila Taeyong?! Alam mong hindi imposible 'yon. Diba nakita mo ang mga body guards niya?! Sa laki nang mga 'yon ilang saglit pwede niya nang--" 




Hindi na ako pinatapos ni Yixing sa pagsasalita,

"Junmyeon hindi na ako natutuwa sa iniisip at sa mga sinasabi mo. Ipagdasal na lang natin na sana asa mabuting kalagayan sila." Seryosong sambit ni Yixing.




Napa-upo na lang ako napa-hagulgol. 

"Y-Yixing.. Itigil na kaya natin 'to? Sumuko na kaya tayo? H-Hindi ko na ata kaya." Umiiyak kong sambit.




Lumingin si Yixing sakin at umupo para magka-level ang mga mukha namin,

"Gusto mo bang tumigil, Junmyeon? Gusto mo ba akong iwan? Gusto mo bang umuwi na sa mansyon mo?" Seryosong tanong sakin ni Yixing.


Señyorita Suho | sulay ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon