Katarayan #12

1.6K 142 100
                                    

"Kung naipaplastic surgery mo mukha mo.. Ipaplastic surgery mo na rin yang kalooban mo baka sakaling gumada din." --Senyorita Suho




-----




Andito kami ngayon ni Yixing sa mansyon ng mayor ng Ohteetwelve. Sabi nila pogi daw. Sus. Di naman ako napogian, ang laki laki ng tenga tapos pag ngumiti nakakatakot. Isama mo pa 'tong asawa niyang baekla. Gandang ganda sa sarili n'ya.




"Yeol, Dae, pigilan n'yo ako kanina pa masama ang tingin sa'kin ng dinala mo Jongdae. Pag ako di nakapag-pigil sasabunutan ko 'yan. Kanina pa ako tinitignan mula ulo hanggang paa." Bulong nung asawa ng mayor sa kaniyang kapatid at asawa niya.

Napa-simangot na lang ako. Bulong bulong pa akala mo naman di ko rinig. Sabunutan ko kaya 'to? Pero siempre dahil maganda ako at hihingi kami ng pabor dapat behave lang me.




Nagulat ako ng siniko ako ni Yixing at binulongan,

"Babe, behave ka lang ikaw 'tong mag-yaya sa bahay nila tapos ganyan ka. Shh." Pag-aalo sakin ni Yixing. Peselemet ke gege ke mehel kete keng hende neke.




Ngumisi lang ako at kumindat kay Yixing bago naupo ng parang donya sa sofa nila. Nakita ko naman ang pag-ikot ng mata ni Baekhyun Zhang-Wu, ang asawa ng mayor.

"Pasalamat 'tong gagang ito wala sila Kyungsoo, Luhan t'yaka Minseok kundi kanina pa namin 'to sinama palabas ng bahay." Bulong ulit ni Baekhyun.




Seryoso namumuro na 'tong baklang pinaglihi sa eyeliner. Pwe. Kala mo naman ganda ganda ng eyeliner niya. Di na uso ang mga pagandahan ng eyeliner. Duh. Pagandahan na ng kilay 'to. Duh. Kahit nag-hihirap ako, kilay on fleek pa din ako.




Ngumiti ako sa kanila bago mag-salita,

"Di na ako magpapa-ligoy ligoy pa. My name is Junmyeon Kim. But you can call me Senyorita Suho, ang tagapag-mana ng lupain ng mga blah blah blah enterprises--" 




Cinut ni Baekhyun ang pag-sasalita ko,

"Jusko Jongdae. Sabi na eh, lunatic 'tong dinala mo din sa hacienda. Kung nabubuhay pa ang asawa mo kanina pa namin sinipa palabas 'yan!" Galit na sambit ni Baekhyun.




Natawa naman si Chanyeol at binackhug ang asawa niyang namumula na sa galit, 

"Shhh bebe ko chill ka lang mamaya mag-chacha tayo, gusto mo ba 'yon?" Napa-rolyo na lang ang aking mga mata. Ang haharot. Bakit kaya di sila gumaya samin ni Yixing na chill chill lang like pabebe bago warak.

Señyorita Suho | sulay ffTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon