"Landian lang daw ang lahat, di niya mahal, pero nung nagbreak iiyak iyak. Ano tawag sayo? Tanga. Ito na ang huling katarayan ko mga puta. Mwah." --Senyorita Suho
---
Dahan dahan kong minulat ang aking mga mata. Hinintay ko munang mag-adjust ang lahat bago ko makita ang umiiyak kong nanay sa harapan ko. Nakatali siya at puro pasa ang katawan. Asa loob kami ng isang madilim na kwarto at nag-iisang ilaw lang ang nag-bibigay liwanag samin para makita namin ang isa't isa.
Tinignan ko siya,
"M-Ma?! Anong nangyayari?! Putangina pag isa nanaman 'to sa mga pakulo niyo sasapakin ko kayo!" Naiiyak kong sambit dahil pati ako nakatali.
Sinubukang mag-salita ng nanay Zitao ko pero dahil may takip ang bibig niya di siya makapag-salita putangina akala ko ba happy ending na ano pa tong kagaguhan na ito?!
Sinubukan kong makawala sa pagkakatali sakin pero talagang mahigpit na kahit anong pilit ko di ako makawala,
"Putangina! May tao ba diyan?! Pag nalaman ko kung sino ang may gawa nito, sisiguraduhin kong di siya makakalabas dito ng buhay!" Sinubukan kong tanggalin pero ayaw talaga.
Maya-maya ay nakarinig ako ng yapak ng mga tao, nanlaki ang mga mata ko ng nakita ko kung sino ang mga ito.. Si Kris at si.. Rocky.
Sinamaan ko sila ng tingin,
"Putangina. Anong ibig sabihin nito?! Kris?! Kris matagal pa lang alam ko ng may masama kang balak sa Blah-Blah-Blah-Blah Enterprises pero putangina lang, anong kinalaman mo dito Rocky?!" Galit na galit kong sambit.
Nginisian ako ni Kris tyaka niya ginulo ang buhok ng nakayukong si Rocky,
"Kamusta ka Senyorita?" Nakangising sambit ni Kris.
Sinamaan ko siya ng tingin at nagpumiglas,
"Putangina mo! Pakawalan mo kong gago ka!!" Sigaw ko at sinubukan makawala bigla niya akong sinampal sa mukha. "Aray."
Tinawanan niya lang ako,
"Ha? Ano Suho? Di kita marinig!" Sambit niya at pinagsasampal ng paulit-ulit ang mukha ko.
BINABASA MO ANG
Señyorita Suho | sulay ff
Fanfiction"Kim Junmyeon, but you can call me Señyorito Suho." -Señyorito Suho. credits @firelightus for the cover