[Special Chapter] Life after Marriage 4: ENDING

7K 111 32
                                    

Eya's POV

Ang ingay-ingay nila. Sumasakit ang ulo ko, paano ako makakapag-pahinga kung puro sila sigawan? Kainis! Sila kaya umire ng tatlong oras ewan ko lang kung hindi sila mawindang T___T

Ang ganda pagmasdan ang paglubog ng araw. Nakakatanggal ng stress. Napaka-peaceful ng atmosphere, ang lamig ng simoy ng hangin. Ang sarap pa lang tumambay dito sa rooftop..

Hindi ko mapigilan ang umiyak ng marinig ko ang unang iyak ni Eyoss. Nawala lahat ng sakit nararamdaman ko. Napakaganda nila. Manang-mana sa akin. Ang cute-cute. Nakakagigil

Kumpleto na ako. Kasama ko ang lalaking pinakamamahal ko, at syempre ang dalawang anghel na hawak ko ngayon. Wala na akong mahihiling pa.

Ay sandali! Meron pa pala si Lolo at Ysaw. Sana tumigil na sila sa pag-aaway. Duh! Ang baduy kaya ng name na pinipili nila  mas gusto ko ang Reah Summer at Winter Cross. Oh diba sosyal, pang mayaman ang peg.

Haaaay.... Kung sana nandito lang si Mama at Papa, pati na din si Ate. Sana one big happy family na kami ngayon.

"Winter, Summer, I promise na magiging masaya tayong pamilya. Hindi ako papayag na maranasan niyo ang naranasan ko noon. Mommy will do the best to give you everything. I love guys, from moon to earth." Hindi ko na naman napigilan umiyak. Grabe lang ang cute talaga nila. Para namang naintindihan nila ang sinabi ko at sabay pa silang ngumiti.

"Eya..."

 

"Eya..."

 

"Eya..."

 

"Ey---"

"Tumahimik ka dyan Cross. Panira ka ng moment " nakakainis talaga tong cookiemonster na to' ang ganda-ganda na nga ng scene ehh. Perfect na, parang isang telenovela. Tapos bigla siyang sumingit. Ang galing lang -___-

Cross' POV

Is this really my fault? How? Why?

Nasaan na ba si cookiebear? Ang babies ko? Nasan!!!! Sumasakit na ang ulo ko sa sigawan nila.

"Will you please shut up!!!" Sigaw ko. Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kinakabahan na ako. Mabuti naman tumigil na sila.

"Napansin niyo ba kung saan pumunta si Eya?" Tanong ko sa kanila. Dahil hindi na ako makapag-isip ng mabuti sa sobrang kaba.

"Ewan. Mabuti nga yun umalis na siya.." Sagot ni Ysaw sabay ngisi

"Ano na naman yang iniisip mo. I swear sa oras na may masamang mangyari sa mag-ina ko. Magtago ka na Ysaw!!"

Our Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon