Chapter Eighteen
Eya's POV
"Hindi na kita mahal Cross, umalis ka na. Umalis ka na sa buhay namin. Hindi ka na namin kailangan. Maayos naman kami, kaya kahit wala ka mabubuhay kaming mag-iina.."
"Hindi na kita mahal Cross, umalis ka na. Umalis ka na sa buhay namin. Hindi ka na namin kailangan. Maayos naman kami, kaya kahit wala ka mabubuhay kaming mag-iina.."
"Hindi na kita mahal Cross, umalis ka na. Umalis ka na sa buhay namin. Hindi ka na namin kailangan. Maayos naman kami, kaya kahit wala ka mabubuhay kaming mag-iina.."
Paulit-ulit na nagpe-playback sa utak ko ang mga linyang yan. Mga linyang napakasakit para sa akin na sabihin kay Cross. Para akong paulit-ulit na sinasaksak sa puso habang binibitawan ko ang mga salitang iyan. Bawat letra ay isa-isang bumabaon sa puso ko.
Napakasakit. Sobrang sakit, hindi ko na yata kaya. Hindi ko na kayang huminga, daig ko pang nagkaroon ng black hole sa puso ko. Masyadong masakit, hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para sabihin iyon kay Cross, alam kong nasaktan ko siya.
Pero higit akong nasasaktan. Mahal na mahal ko siya higit pa sa buhay ko. Si Cross lang ang tanging lalaking nagmahal sa akin ng ganito. Tinaggap niya ako sa buhay niya, at napatunayan ko na wagas ang pag-ibig niya sa akin. Dahil kahit itakwil pa siya ng pamilya niya ay okay lang basta makasama niya ako at ang mga anak niya.
Cross, CookieMonster ko patawarin mo ako. Patawarin mo ako dahil sa ginawa ko, sa dami ng sakripisyong ginawa mo para sa akin ay ito lang ang igaganti ko. Masyado kitang mahal kaya ko ginagawa ito. Hindi ko kayang makita na unti-unti kang nasasaktan. Kaya kahit masakit para sa akin ay nagsinungaling ako.
Sinabi ko sa iyo ang mga masasakit na salita iyon para magalit ka sa akin. Para madali mo na akong makalimutan. Ginawa ko iyon Cross para sa'yo. Kaya kahit ikamatay ko pa na muli kang mawala sa amin ay mas pinili ko iyon.
Kesa naman kasama kita pero, unti-unti ka naman mahihirapan.. Hindi ko kayang makita iyon, hindi ko matatanggap na dahil sa amin ay masisira ang pinaghirapan niyo. Ang pinaghirapan ng pamilya niyo, ni Daddy Sandford...
Nung isang araw ay nakipagkita sa akin si Ysabelle. Kinausap niya ako. Patawarin mo ako kung hindi ko sinabi sa iyo. Patawarin mo ako dahil sinolo ko na naman ang problemang ito. Alam ko kasing kailangan kong magdesisyon. Magdesisyon para sa atin, alam ko napaka-selfish ko, pero kasi Cross ayaw ko lang makita kang masaktan ng paulit-ulit kaya nagawa ko ito. Nagawa kitang saktan, para makalimutan mo na ako. Kapag nalaman mo kasi ang tungkol dito, paniguradong hindi ka papayag. Knowing you, napaka-stubborn mo, napaka-childish. Wala kang sinusunod kundi ako lang. Mas takot ka pa nga sa akin kesa sa Lolo mo.
Alam ko ngayon, ay galit na galit ka na sa akin. Hindi kita masisisi, ang mga salitang sinabi ko sa iyo ay walang kapatawaran.
"Peppy...."
Pinunasan ko agad yung mga luha ko, ayokong makita nila na umiiyak ako.
"Chad, ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kanya. Medyo nakayuko ako, para hindi niya makita yung mugtong-mugto kong mata..
"Dinadalaw kita, tsine-check ko lang kung buhay kapa. Mukha naman humihinga ka pa kaya aalis na ako.." Sagot niya
"Baliw!!!" Sigaw ko sa kanya at tumawa.
"Huwag kang tumawa. Mas nagmu-mukha kang baliw sa akin. Tumatawa tapos tumutulo ang luha? Anong pauso yan Peppy?" Tanong ni Chad, lumapit siya sa akin at pinunasan ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
Our Twisted Love Story
FanficCurrently Editing || Diary Ng Panget Fan Fiction || No Soft Copy