Epilogue
Tatawa muna ako ahh? Hohoho grabe ang epic niyo guys. Lumabas lahat ng silent readers mehehe dapat pala matagal ko ng pinatay si Cross ^___^ dejoke.
Yung ilan sa inyo ay na-gets yung clue na binigay ko, yung iba ewan hohoho. Obvious na obvious na nga ehh. Kaloka //(^3^)
Okay, *clear throat* this chapter is the EPILOGUE.
Dedicated kay FRANCIS HERRERA aka callmeSIC hohoho :) pinapasabi niya din na gwapo siya, cute pa tapos ano pa kasi yun? Ahh may ABS pa daw siya hahaha basahin niyo yung Unwanted Marriage niya maganda *u* (libre PLUG hahaha)
Oo nga pala, hindi po ako si Miss Denny. Ako po si Dhang, ako din po ang nagsusuat ne'to. Fan Fiction lang po ito ng DIARY NG PANGET/NI EYA, wag kayong makulit hahaha XD
CookieBear’s Point of View
Hindi ko alam kung gano katagal akong nakatulog. Nagising na lang akong ay humahaplos sa pisngi ko. Napakapamilyar ng haplos na iyon. Parang ayaw ko ng magising.
“Eya.. Eya...” bulong ng isang tinig.
Ang boses na iyon, hindi ako maaring magkamali. Kahit napakatagal ko ng hindi naririnig ang boses na iyon. Alam kong siya iyon, si CookieMonster ko iyon..
Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Kahit medyo nanlalabo ay alam kong si Cross ang nasa harap ko, nakangiti siya sa akin. Ang mga ngiti niya, mga ngiti niyang nagpapabilis sa tibok ng puso ko.
At ang mga haplos niya sa mukha ko, parang nagsasabing wala akong dapat ipag-alala dahil nandiyan siya..
Hinawakan ko ang mukha niya. Ang buhok niya, ang labi ni Cross, ang mga mata niya lahat hinawakan ko. Gusto kong tumatak sa isipan ko ang mukha niyang iyon. Nakangiti sa akin..
“Cross...” bulong ko. Kung panaginip lang ito ay ayoko ng magising, alam kong napaka-selfish ko para sa mga anak ko pero hindi ko talaga kayang mabuhay ng wala si Cross sa tabi ko.
“Ikaw ba talaga yan?” tanong ko sa kanya.. Ngumiti lang siya sa akin at hinalikan ako sa labi. Lalo akong napaiyak ng gawin niya iyon. Parang tumigil ang mundo ko, ramdam na ramdam ko ang halik niya.
Ng humiwalay ang mga labi niya sa akin ay tinanong ko ulit siya..“Cross, kung ikaw yan please magsalita ka naman ohh. Miss na miss na kita...”
“Eya, mahal na mahal kita. Lagi mong tatandaan yan...” bulong niya sa akin..
“Mahal na mahal din kita Cross. Huwag ka ng umalis please, dito ka lang. Huwag mo akong iwan...”
"Hinding-hindi kita iiwan CookieBear alam mo yan. Dito lang ako sa tabi mo. Mahal na mahal kita.." Sagot ni Cross sa akin
"Pero CookieMonster, alam kong malabo ng mangyari yan. Dahil kahit kelan ay hindi ka na babalik. At napakasakit sa akin iyon.."
“Ehh? Ano bang pinagsasabi mo diyan panget?”
“Panget? Tinawag mo akong panget?” bigla akong napabangon sa pagkakahiga. Teka nasan ba ako?
“Ahhmm oo?” naguguluhan din sagot ni Cross
“Cross nasan ako?” tanong ko sa kanya...
“Nasa kotse ko...” sagot ni Cross habang kumakain ng boy bawang
“Kotse mo!?” sigaw ko sa kanya
“Aish oo nga paulit-ulit? Bakit ka ba sumisigaw diyan? Sinisira mo ang atmosphere tsss..” -____-
BINABASA MO ANG
Our Twisted Love Story
FanfictionCurrently Editing || Diary Ng Panget Fan Fiction || No Soft Copy