Entry Twelve

26.8K 227 78
                                    

Chapter Twelve

Cross' POV

 Three days had passed simula ng dumating ako galing America. Si Eya agad ang hinanap ko pagkarating ko ng bahay pero nanlumo ako ng malaman kong umalis sila.

Hindi ko alam kung saan ko sila hahanapin. Gulong-gulo ang isip ko ng umalis ako dito three years ago. Hindi ko maalala si Eya, bukod tanging siya lang ang hindi ko maalala gayong asawa ko siya..

 Idagdag pa ang panggagatong sa akin ni Lolo. Ginawa niya ng lahat para mapapayag akong umalis. 

 //flashback//

"Cross, tutulungan kita kung gusto mong umalis dito." Sabi sa akin ni Lolo

"No.. Ayokong umalis dito." Sagot ko sa kanya..

"Pero hindi ba dahil sa kanila kaya iniwan ka ni Lory?"

Napaisip ako. Si Lory, siya lang ang babaeng minahal ko ng ganito. At hindi ko matanggap ang sinasabi nilang ako ang may dahilan kung bakit nakasal siya kay Chad..

 "Kahit umalis ako dito ay hindi na mababago ang nangyari. Kasal na si Lory.."

"Pero makakalimutan mo sila kung aalis ka dito Cross.." Sagot ni Lolo

 "Pe-pero paano si Eya? A-asawa ko siya...

 "Asawa? Nagpapatawa ka ba Cross? Ni hindi mo nga siya maalala.."

 "Pero ang sabi nila ay asawa ko si Eya..."

 "Hindi ba si Eya ang may kasalanan kung bakit nakasal si Lory sa Jimenez na iyon? Nakalimutan mo na ba Cross?"

 Tama. Si Eya nga ang may kasalanan. Siya ang may dahilan kung bakit nawala sa akin si Lory..

 "Okay fine. Pumapayag na akong umalis dito.." Sagot ko kay Lolo.. At nung gabi ding iyon ay pumunta ako sa America sakay ng private plane..

 //end of flashback//

Nabalik ako sa realidad ng marinig kong may tumawag sa akin..

Our Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon