//Entry Nineteen

22.4K 186 48
                                    

Dedicated to her---> hello Fatty ^____^ goodluck sa job hunting AJA!!!

Chapter Nineteen 

Cross' POV

"Ayaw mo bang subukan ulit?" Tanong ni Memo sa akin na may ngiti sa mga labi. Yung mga ngiti niyang nakakapangilabot, may tinatagong misteryo.

Kahit na matagal na kaming "magkaibigan" ni Memo ay aaminin kong hindi ko pa din siya kilala. Ang alam ko lang ay may sarili siyang mundo tuwing kaharap niya ang chessboard niya.

Mahilig siyang magmanipula ng tao, dahil isa na kami ni Eya sa mga human chess piece niya. Siya ang dahilan kung bakit nagtagpo ang landas namin ni Eya. Siya din ang dahilan kung bakit nagulo ang buhay ko.

Noon kuntento na ako. Pumapasok sa Willford Academy maging busy sa mga school activities, mag-maintain ng mataas na grades, maging plastic sa lahat. Pagkatapos ay deretso sa shooting, magdamagang photoshoot. Uuwi sa bahay at matutulog, ganyan ang life cycle ko.

Pero biglang nag-iba ang buhay ko ng pumasok si Eya bilang katulong namin, and worse bilang alalay ko pa. Hindi kami magkasundo sa lahat ng bagay. Lagi naming pinag-aawayan ang mga simpleng bagay, siya lang ang kauna-unahang babae na hindi humanga sa kagwapuhan ko siya lang ang may-kayang sigaw-sigawan ako at makipag-away sa akin.

Pero siya lang, si Eya lang ang tanging babae maliban sa Mama ko ang minahal ko ng ganito. Siya lang minahal at mamahalin ko, wala ng iba.

Nakikipag-numan ako kasama sila Seven, Trey, Saturn, at Sync, for the first time ay kumpleto kami kaya naman ako na ang nagyaya kanilang mag-inuman. Para kahit pansamantala ay makalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko.

It hurts like hell. Nung sinabi ni Eya ang mga katagang iyon sa akin. Halos mawasak ang puso ko. Bakit ganito? POTAENA!!! Bakit kasi sa dinami-dami ng babaeng mamahalin ko kay Eya pa tumibok ay TNGNANG puso ko.

Si Eya na hindi naman maganda. At halos lahat ng katangian niya ay kabaliktaran ng standards ko pagdating sa babae. Pero ewan ko ba, mapagbiro yata talaga ang tadhana. Opposites do really attract.

Dati para kaming positive at negative, Yin and Yang, black and white, hot and cold. Na kapag wala ang isa, ay di makukumpleto ang isa. Hahanap-hanapin mo.

Pero bigla na lang nagbago ang lahat. Kailangan ko na ulit matutunan na mabuhay ng wala siya, for good. Ang akala naming Happily Ever After ay may expiration din pala..

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay. Nagising na lang ako na nasa loob ng kwarto ko. Naramdaman ko agad ang epekto ng alak, masakit ang ulo ko. Humihiga pa ako ng ilang minute sa kama bago tumayo, kinundisyon ko muna ang sarili ko. Ng mahimasmasan ako ay nagtungo ako sa banyo para maghilmos at lumabas na din ng kwarto.

Our Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon