//Entry Five

29.8K 240 79
  • Dedicated kay to all readers//bebe loves of this FanFic:)
                                    

Eya's POV

Almost a month na simula ng ma-comatose si Cross at hanggang ngayon ay hindi pa din siya gumigising. Ang sabi ng mga Doctor ay hindi pa sigurado kung magigising pa si Cross o hindi na. Masyado daw kasing naging fatal ang nangyari sa kanya. Dumaan na siya sa two major brain operation dahil nagkaroon ng blood clothing sa utak niya.

Hindi ako nawawalan ng pag-asa na magigising pa si Cross. Nangako siya sa akin, hindi niya ako iiwan...

"Eya..." nagulat ako sa tumawag sa akin kaya napatingin agad ako kay Cross. Pero nadisappoint ako ng makita kong nakapikit pa rin siya. Paglingon ko sa pinto ay nakita ko si Papa Sandford..

"Ano po iyon Papa Sanford?"

"Papa is much better, omit the Sandford.." He said while smiling

"Okay po Papa.." ngumiti din ako sa kanya..

"Eya, I think its much better if we just sign this waver. I know its hard but, the doctors already said that there is only 20-35% percent na magigising pa si Cross.."

"No Pa!!! Huwag niyo pong gawin ito, nakikiusap ako. Alam kong magigising pa si Cross. Le's just give him a chance. Please..." Umiiyak kong sagot kay Papa Sanford..

Lumabas siya ng pinto.. he's talking about that goddamn waver. once na pinirmahan ko iyon ay nangangahulugan lang na pumapayag akong patayin ang sarili kong asawa. Hindi.. hindi ko kayang gawin iyon, hindi ko kayang mawala si Cookie Monster sa akin. Mahal na mahal ko siya...

Euthanasia.. Yan ang gusto nilang gawin sa asawa ko?! Hinding-hindi ako papayag na ipatanggal ang life support ni Cross. kahit magkamatayan pa, pero bakit ganon na lang kabilis pumayag si Papa Sandford ng sabihin ng mga Doctor iyon. Nawawalan na ba siya ng pag-asa na magigising pa si CM? Pero bakit?

Hinawaka ko ang kamay ni Cross at kinausap siya.. "Please Cross, gumising ka na diyan. Hindi ka pa ba napapagod na matulog? yung Honeymoon naten, napupurnada na. Paano na naten niyan mabubuo si EYOSS?"

Halos oras-oras ay kinakausap ko si Cross, nakikiusap ako sa kanya na gumising na at bumangon na. Alam ko naririnig niya ako...

Biglang gumalaw ang kamay niya, pinisil niya ang kamay ko.. "Cross!! Cross!!" nagmulat siya ng mata..

"Thank God, ka-kamusta ka na?"

"Who are you?! Ughh my head it hurts!!!"

"Ehh?! Ano ka ba Cross wag ka ngang magbiro ng ganyan!! Hahaha.." pilit kong tinatawanan yung sinabi niya pero sa totoo lang ay kinakabahan ako. Ba-bakit ganon ang reaction niya ng makita ako?

"I said who are you?!! Where am I?!" naghihisterikal na si Cross, pinagtatanggal niya na yung mga nakakabit sa katawan niya..

"Cross ano ka ba!! Nasa Hospital ka kaya huwag mong tanggalin yan. Nurse!!! Nurse!!!" pinipigilan ko si Cross, pero pilit niya talagang tinatanggal yung dextrose na nakakabit sa kanya...

"Hospital?! Bakit ako nandito?! Atsaka sino ka, anong ginagawa ko dito?" sigaw ni Cross sa akin..

"Cross ako si Eya.." umiiyak na ako. Bakit hindi niya ako kilala? Ano bang nagyayari? Biglang pumasok sa lob sila Chad kasama yung nurse...

"Peppy, what happen?" tanong ni Chad sa akin.

"Chad, hindi niya ako kilala.. Bakit ganon?"

"Chad!! Who's that ugly girl and what she's doing in my room?" tanong ni Cross sa kanya..

"Cross pare, siya si Eya. Asawa mo." mahinahong sagot ni Chad sa kanya. Tumingin ako kay Cross at ngumiti..

"Asawa?! hah!! Nagpapatawa ka ba Chad? Ako papakasalan yang panget na ya?! NEVER!!!!" sigaw ni Cross sabay tingin sa akin ng masam...

"Cross anak, totoo ang sinasabi ni Chad. Asawa mo si Eya kaya kayo nandito sa Paris ay dhail Honeymoon niyo. Pero nadisgrasya ka kaya ka nandiro sa hospital..." sagot ni Papa Sandford

"Huwag ka ngang makialam dito matandang hukluban!!" sigaw lang ni Cross sa kanya.. "Memo pare, sabihin mo sa akin ang totoo. Sino ba talaga siya?!"

"Totoo ang sinasabi nila Cross..." sagot ni Memo..

Bakit ako lang ang hindi niya maalala? pinagti-tripan lang ba ako ni Cross dahil s ginawa ko? Lumapit ako sa kanya at biantukan siya ng malakas. "Cookie Monster!!!! Ano bang nangyayari sa'yo?! Bakit anlakas ng trip mo?!"

"Ouch!!!! Why did you do that?! You ugly creature!!!!" sigaw ni Cross sa akin, nanlilisik yung mata niya. Galit na galit siya sa akin...

"Bakit hindi mo ako nakikilala?!" tanong ko sa kanya

"Aba malay ko. Tsaka bakit naman kita makikilala, sino ka ba?!"

"Ako nga si Eya!! Paulit-ulit?! ASAWA MO AKO!!!"

"Paano kita magiging asawa? Hindi nga kita kilala!!!" sigaw ni Cross sa akin..

"Dahil siguro nabagok yang ulo mo. Pero asawa mo talaga ako Cookie Monster. Tama na nga yang joke mo.."

"What did you say Cookie Monster? At FYI hindi ako nagjo-joke.."

"Oo, ikaw si Cookie Monster ko at ako ang Cookie Bear mo..."

"Hahahaha Cookie Bear, Cookie Monster hahahah nagpapatawa ka ba? Ako Monster? Ehh ikaw nga ang mukhang Monster sa ating dalawa ehh hhahaha..."

"Anong nakakatawa? Totoo naman ehh tumigil ka nga diyan sa kakatawa mo kung ayaw mong mabatukan ulit!!!" sigaw ko sa kanya. Napipikon na ako, kung hindi lang siya bagong gising patutulugin ko ulit to ehh.

"Ehh kasi nakakatawa yang sinasabi ninyo. Paano kita magiging asawa una hindi kita kilala, pangalawa may mahal akong iba. Kaya imposible talaga yang sinasabi niyo hahaha..."

"May----may mahal kang iba?"

"Oo naman..." sagot ni Cross

"Si--sino?"

"Si Lory...." sagot niya..

"Si Lory?" tanong ko kay Cross sabay tingin kay Chad na biglang nagdilim ang mukha, kinuyom niya ang kamay niya at nagsalubong ang mga kilay.. "Pe-pero Cross, kasal na si Lory. At si Chad ang asawa niya..."

"What?!"

"Oo, kaya Cross tumigil ka na diyan sa joke mo. Hindi na nakakatuwa.."

"Ang kulit mo talagang panget ka!!! Sinabi ng hindi ako nagjo-joke ehh!!!" sigaw niya sa akin..

"Hahaha ehh kasi Cross, nakakata yang pinagsasabi mo ehh.." tumatawa kong sagot sa kanya, pero tumutulo ang luha ko. Bakit ganon? Ba-bakit si Lory? Akala ko ba hindi niya mahal si Lory? Akala ko sisterly love lang ang nararamdaman niya para sa kanya... Hindi!!

Our Twisted Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon