Entry Fifteen
♫♫Good morning sa inyo
Sweet and mild ang kasama ko
Tamis na iyong hatid
Umaga ay walang patid... ♫♫
GV na GV ako ngayon ^___^
Kagabi pa nga ehh sa totoo lang..
Ehh kasi si Cross ang landee-landee..
Pinapakilig ako ng bonggang-bongga xD
Ang aga ko nagising, nag-prepare ng breakfast ng kambal, at maghanda na din para mamaya.
Sunday kasi ngayon, at nakasanayan na namin na magsimba at magpasalamat sa grasya na natatanggap namin. Hinayaan ko muna na matulog yung dalawa, napuyat kagabi kakatanong tungkol kay Cross ~___~ at dahil honest ako sinabi ko sa kanila ang totoo.
At dahil ulit doon, excited na si Winter and Summer makita ang Daddy Cross nila, ako hindi ~___~
Hindi ko kasi alam kung paano pakikiharapan si Cross dahil sa ginawa ko sa kanya kagabi. Ang sabi naman ni Lory tama lang daw iyon. Hayaan ko naman daw muna mag-exert pa ng effort si Cross, ang sabi niya pa magpakipot muna ako. Napaka-supportive talagang kaibigan ni Lory, she's really my knight in shining skirt.
At si Chad? Ayun for the first time kumampi kay Cross. Sinermunan pa ako, dapat daw pinatawad ko na si Cross, tapos dapat din daw tinanggap ko yung sorry niya. Masyado daw kasi mahirap para sa kanilang mga lalaki yung mag-effort katulad ng ginawa ni Cross..
Nagkaroon pa kami ng debate dahil lang doon, muntik na akong sinugod sa hospital. Feeling ko kasi naubusan na ako ng dugo sa kaka-english ng mag-asawang toh. At in the end panalo kami ni Lory ^___^V
Ginamit namin ang aming GIRL POWER TECHNIQUE na "KUNG-HINDI-KA-MAGPAPATALO-OUTSIDE-THE-KULAMBO-KA-" hahaha natakot si Chad doon :))
Nakaka-inggit silang dalawa, kasi kahit madalas silang mag-away (ayaw kasi nila magpatalo sa isa't-isa) ehh lagi pa rin silang nandiyan, nagtutulungan. Di tulad namin ni Cross, naging Happily Never After ang love story.
BINABASA MO ANG
Our Twisted Love Story
FanfictionCurrently Editing || Diary Ng Panget Fan Fiction || No Soft Copy