Kinuha ko ang kanyang handgun at sinabit ko ito sa aking binti dahil dalawa na ang hawak ko. Muli'y napatingin ako sa kanya.
Thank you for your trust, Ashton.
Dumungaw na ako sa bintana. Yung nakapatagilid yung katawan ko. Mahirap, oo. Masakit sa tagiliran. Uupo pa nga sana ako kasi feeling ko mas madali iyon kung hindi lang ako pinigilan ni Ash.
Tumingin muli ako sa mga zombies, malayo na sila pero wala paring tumitigil sa paghabol sa amin. Nawala na nga kami sa paningin nila kanina pero eto, humahabol at humahabol talaga.
Siguro ay dahil sa tunog ng sasakyan. Alam niyo na, zombies and their hearing abilities. At ngayong patuloy nilang naririnig ang ugong ng sasakyan ay hindi sila titigil. Daig pa nila ang mga runners sa Olympic, lalo na ngayong pabilis ng pabilis talaga ang kanilang mga takbo na syang ikinatataka ko.
Ganito ba talaga?
I shook my head. Focus, Ae. Sinimulan ko na ang pagbaril. I extended my arms and pulled the trigger aiming to shoot the zombies. Mahirap, nakakangalay. Ang hirap rin patamaan ang mga target ko dahil medyo malalayo ang mga ito, pero hindi kami pwedeng tumigil. Nakakainis rin itong buhok ko na sumasabog sa aking mukha, natatakpan tuloy ang paningin ko, ang sakit pa sa mukha.
Panandalian akong bumalik sa pagkakaupo at sumimangot. Nakita kong napasulyap sa akin si Ash ngunit mabilis ring ibinalik ang atensyon sa harapan. Inilibot ko ang paningin sa loob ng van at gayon na lamang ang saya ko ng makakita ako ng dalawang rubber band na nakasabit sa rearview mirror.
Mabilis ko itong kinuha at pinusod ang aking buhok into a messy bun. And tyanan~ I'm ready na ulit!
Muli'y dumungaw ako at tinutukan ang mga zombies. Mabuti nalang talaga't sementado itong dinadaanan namin kasi mas mahirap kung baku-bako diba. Masakit sa tagiliran. Ngayon pa lang, nahihirapan na ko eh, paano pa kaya kung kumakaldag, 'diba?
Bumaril muli ako at napangiti.
Bull's-eye!
Nakita ko kasing natumba yung pinatamaan ko. Unti unti'y nasasanay na ako sa medyo pagewang gewang na pag andar ng sasakyan. Iniiwasan kasi ni Ash sa mga bako-bakong daan, o yung may mga crack, siguro'y para hindi na rin ako masaktan.
Inilipat ko naman sa isa at binaril, at sa isa, hanggang sa sunod sunod ko na itong pinagbabaril. Minsan pa nga hindi ko sila natatamaan, at kasalanan 'yon ni Ash.
Baril lang ako ng baril hanggang sa 'di ko namalayan na dadalawa nalang silang humahabol saamin. Babarilin ko na sana ito pero... walang lumabas, wala na akong bala.
I already used three guns, kasama na don ang baril ni Ashton. Muli'y bugnot na naupo ako.
"Wala nang bala," Wika ko na parang bata. Tumingin ako sa rearview mirror para tignan ang mga zombies, medyo malapit na ito sa amin dulot na 'rin sa medyo mabagal na pagmamaneho ni Ash para hindi masayang ang bala.
Hindi ko alam kung ako lang ba o bumibilis talaga sila.
"Here," Tumingin ako kay Ash at nagulat ako ng may inilalahad nanaman siyang baril. Saan niya ito nakuha?
It was like he read my mind because he answered my question. "Dala ko yan, akala ko kasya na yung kanina." Napatango ako at kinuha ito. Muli'y dumungaw ako at binaril ang dalawa na ikinabagsak ng mga ito bago pumasok muli sa loob at huminga ng malalim.
"Kangawit!" Sabi ko habang nakahawak sa kaliwa kong bewang kung saan nangangawit. Seryoso, nakakangawit talaga.
"Good job, by the way." Napatingin naman ako kay Ash ng magsalita sya. Nginitian ko siya kahit 'di siya nakatingin.
BINABASA MO ANG
Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓
Action#Wattys2016Winner | TAGLISH A Sci-fi/Action Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Everything was natural until an unknown virus emerges in their homeland, and it began in their school. Now, Kaesha Unice's ordinary life turned into a cycle th...