CONTINUATION OF FLASHBACK
Farrah's POV.
"Ate Farrah! What's happening? I'm scared!" Umiiyak na sabi nito sabay yakap sa akin. Mahigpit, at ramdam na ramdam ko ang takot mula sa kanya base sa panginginig ng kanyang katawan.
I tried to comfort her even my hand's already shaking. Takot ang bata, at kung maaari ay ayokong malaman nitong natatakot rin ako. Dapat may tumayong mas malakas sa aming dalawa. At ako dapat iyon dahil ako ang mas nakatatanda.
"Hush Shai, I'm here now." Sinuklay ko ang buhok nito sa kamyang likuran bago inilibot ang tingin sa paligid. Hindi kami dapat manatili dito dahil masasaktan lang kami dahil sa mga estudyanteng tumatakbo ngayon. "Come on, follow me," Bulong ko sa kanya at tsaka siya hinila patayo.
Hawak ang kanyang kamay ay sabay kaming tumakbo. Ilang beses kaming nabunggo mula sa mga estudyanteng walang pakialam sa iba at ang mahala lamang ay mailigtas ang kanilang buhay. Napangiwi ako ng makaramdam ng pagkasiko sa aking tiyan na dahilan upang mabitawan ko si Shai, ngunit mabilis rin akong humarap sa aking likuran at nakitang halos maanod ito palayo ng mga estudyanteng patakbo sa pwestong iyon.
"Shai!" Sigaw ko at nakipagsiksikan rin hanggang sa maabot ko ang kanyang kamay.
"Ate!" Sigaw nito pabalik at napangiwi ng makita kong masiko ito sa kanyang pisngi. Dahil sa aking nakita'y mas nagpumilit akong makalapit sa kanya hanggang sa yakapin ko ito ng tuluyan akong makalapit sa kanya upang siya'y maprotektahan.
"Your safe, baby girl," Wika ko at mabilis na inilibot ang tingin sa paligid. Tumama ang aking paningin sa isang pintuang nakasarado at sa tingin ko'y walang nagbabalak pumunta doon. "Kapit ka lang sa'kin," Bulong ko sa kanya. Naramdaman ko ang pagtango nito. Wala akong sinayang na sandali at mabilis na sinugod ang pintuang iyon habang pinoprotektahan sya.
"Wooh!" Napahinga ako ng malalim ay pinunasan ang pawis sa aking noo. "Nakakapagod," Wika ko at pabagsak na naupo sa likod ng pintuan.
Naramdaman ko ang unti-unting paglapit nito at ang pag upo nito sa aking harapan. "Salamat, ate. At p-pasensya na po dahil... dahil sa a-akin ay n-nasaktan ka." Nauutal-utal nitong sabi dulot na rin ng kanyang pag iyak.
"Oh, Shai," Wika ko at mabilis itong niyakap. "Don't think of it, okay? Ate will do everything to keep you safe, hmm? Ate will protect you," Malumanay kong sabi sa kanya na dahilan ng mas lalo nitong pag iyak. Pumikit ako ng mariin sa pagpipigil ng luha sa aking mata.
I will do it. For Shai. We will survive together.
Dahan dahan naman itong tumango habang umiiyak. Parang kapatid ko na kasi itong si Shai. Dahil only child ako, si Ae, Shai at si Dannah lang ang tinuturing kong kapatid. Hindi ko na nga mahanap si Ae, pababayaan ko pa itong si Shai?
"Shhh, don't cry." Bulong ko dito. Hindi ito sumagot ngunit nagpatuloy sa kanyang paghikbi. Hinayaan ko nalang syang umiyak ng umiyak para na rin mailabas nya lahat ng takot sa kanyang katawan.
Katahimikan ang nanaig sa amin. Tanging hikbi lang ni Shai ang naririnig sa apat na sulok ng kwarto. Pilit ko naman siyang pinapakalma. Nang maramdaman naming medyo tahimik na, na medyo kalmado na sya, ay inilibot ko ang aking paningin sa paligid.
Typical stock room. May mga bola ng kahit anong laro ang nandito, pati na rin ang panglinis mismo sa gym. Ngunit ang nakakuha ng atensyon ko ay ang mga baseball bat na nakatabi sa isang gilid.
"Shai, kukuhanin ko lang 'yung baseball bat, ha? Para may armas tayo mamaya." Marahan kong sabi sa kanya habang hinahaplos ang kanyang buhok. Tumango ito at itinakip ang kanyang kamay sa kanyang mukha.
BINABASA MO ANG
Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓
Action#Wattys2016Winner | TAGLISH A Sci-fi/Action Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Everything was natural until an unknown virus emerges in their homeland, and it began in their school. Now, Kaesha Unice's ordinary life turned into a cycle th...