CHAPTER ELEVEN (𝙸𝙸)

28.1K 1.2K 72
                                    

"What do you mean by that?" I couldn't believe it... I mean... what does he implies that they're not ordinary?

Magsasalita na sana ito ngunit natigil kami ng bigla kaming makarinig ng napakalakas na tunog mula sa labas. Nakakagulat ang tunog at pakiramdam ko'y lumundag ang aking puso. I was slowly becoming nervous as I know that sound. . . it sounds as if something big just exploded and this isn't something we must put aside.

Ashton, who's sitting beside me, suddenly got tensed too.

It wasn't ended there when the sound of alarm suddenly rang in every speaker surrounding us, and that woke us up from being frozen from shock.

"It's the alarm," sabi ni Ashton at mabilis tumayo.

Napatayo rin tuloy ako dahil sa kabiglaan at nagtataka, ngunit kinakabahang pinanood itong nagmamadali. Kumunot ang noo ko at sinundan ito papalapit sa bintana. He's hurrying as if lives matters, and that's making me nervous right now.

Nang makalapit ako ay saktong hinawi niya ang bintana at bumungad sa amin ang napakalaking apoy... ang nasusunog na gusali sa aming nasa harapan. Mula rito sa last floor ng apartment ay kitang kita namin ang mga ilaw na paparito'y palabas roon, mga ilaw ng ambulansya at fire truck na gustong patayin ang apoy.

And I think the explosion came from that place.

Naramdaman ko namang tumabi sa akin ang dalawa ngunit hindi ko inaalis ang paningin ko sa harapan. Mula rito'y kitang kita namin ang napakalaking apoy na unti unting tinutumpok ang pinakamalaking gusali na tandang tanda ko ang itsura.

Ang laboratory.

"Oh my, Lyn. . ." Napabaling ako kay Eve nang magsalita ito, at nakita ko itong hindi makapaniwala sa kanyang nakikita. Unti-unti itong napaupo habang nakatakip ang kanyang mga kamay sa bibig at tuloy tuloy ang pagtulo ng luha. Naawa ako sa kanilang sinapit.

Mula sa aking peripheral vision ay nakita kong hindi rin makapaniwala si Adam sa kanyang nakita. Nanlalaki ang mga mata nitong natatakpan ng makapal na salamin at halata ang pagkapula nito, malapit ng umiyak.

"Attention, please go to the main part of our sanctuary. Again, please go to the main part of our sanctuary,"

Muli'y natuon ang atensyon ko sa labas ng marinig kong may in-announce ang mga ito. Inulit ito ng ilang beses hanggang sa tingin ko'y narinig na ng lahat. Bawat area'y may nakakabit na speaker, para kung sakaling may announcement ay maririnig ng lahat.

Kasabay nito ay ang sunod sunod na pagbukas ng ilaw mula sa mga apartment na nasa tabi at ibaba namin. Ang mga apartments na nakapalibot sa amin. Isa kami sa may pinakamataas na apartment rito, at ang sa amin ang nangunguna dahil ito ang gusto namin. Pinalipat pa nga ang mga nauna rito eh.

Humarap ako sa kanila at huminga ng malalim, "Let's go," Bulong ko gamit ang nanghihinang boses.

Nilagpasan ko sila at nagtuloy tuloy ng hindi sila nililingon ngunit alam kong kinocomfort ni Adam si Eve dahil ito ang una kong nakita nung humarap ako sa kanila. Ang pagyakap nito sa babae.

Naramdaman ko namang sumunod sa akin si Ashton kaya hindi ko na ito nilingon. Pinihit ko ang sedura ng pintuan- dahil hindi naman namin ito ni-lock, at binuksan ito, bumungad sa amin ang nag aalalang mukha ni Farrah at Damien na sa tingin ko'y kakatukin kami.

"Kwento mo sa'kin mamaya," Bungad ni Farrah sa akin nang makita kami. I just nodded my head and hastily walked past at them.

Alam naman nitong sasabihin ko rin sa kanya iyon mamaya.

Bumaba ako sa hagdan at mula roon ay naabutan ko ang mga kasama kong mga nakatayo at natataranta rin, sa tingin ko'y may mga energy pa ang mga ito dahil wala pang pumipikit-pikit rito kahit ala una na ng madaling araw. I felt the tensed feelings coming from them, and I know they're also wondering about that explosion.

Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon