Lumabas kami sa elevator, nakita naming nagkakagulo ang lahat. May mga nagtatakbuhan sa iba't ibang dereksyon, habang may mga hawak na kung ano anong klaseng bagay tulad ng mga papel, kemikal na nakalagay sa mga maliliit na tubes, at iba pa. May mga armadong lalaki ring nakabantay sa hagdan na hindi ko alam kung para saan. Siguro'y naghahanda mamaya kung may makakapasok mang mga tao o zombies mismo.
Naglakad kami papalapit sa isang pinto sa gilid na hindi ko alam kung para saan. Kumunot ang noo ko at napahinto ng may makita akong hagdan sa bandang kanan ngunit pinalilibutan ito ng mga armadong lalaki. Humarap ako sa kasama kong tuloy tuloy naglalakad papunta sa pinto.
"Lucas... Errr," Seryoso, ang akward na tawagin ito sa kanyang pangalan lalo na't hindi naman kami close. Maski na ba'y pinsan ko siya, eh. "You said we will use the stair," At palihim na itinuro ang hagdan pababa nang walang ibang nakakapansin.
As far as I could remember, it's the way towards the basement, right? So, kailangan muna naming makadaan sa first floor. . . kung saan, sigurado ako, ay napakaraming zombies doon, at pababa pa mismo. Natigilan ito, humarap sa amin bago umiling.
"We can't use that stair," Kumunot ang noo ko. Magtatanong na sana ako kung bakit nang magsalita ito, mukhang nabasa sa mukha ko ang katanungan. "Hundreds of zombies are below," He said which confirmed my thoughts. Nagpatuloy ito sa paglalakad habang kami ay sumunod.
That's why maraming mga armadong nasa hagdan, na handang bumaril sa mga zombies kung sakaling pupunta man sila rito. My hunch is right. Doon ko lang napagtuunan ng pinsan ang kapaligiran.
Oo, nagkakagulo rito, ngunit walang ingatyna maririnig kundi mga yapak ng mga nagmamadaling tao na sa tingin ko'y imposibleng marinig sa ibaba dahil sa makapal na sahig na naghihiwalay sa mga ito.
Tumingin ako sa glass wall na nasa gilid. Hindi marinig ang mga pagsabog kahit nakikita ko ang paglabas ng mga apoy at usok mula sa mga pagsabog at ang pagbabaril ng mga ito, kaya sa tingin ko'y soundproof rin ang buong lugar na ito. Hindi namin makitang masyado ang nangyayari dahil may kalayuan kami roon sa silipan ngunit hinihiling ko na sana, maayos lang ang lahat. Sana, ayos lang sila.
Napansin ko si Farrah sa iisang tabi na tahimik lang. Siguro'y nag aalala rin ito sa iba naming kasama tulad ko. Sa dami ba naman ng zombies na nakita namin kanina na para bang nakaplano upang sa mangyayaring pagsugod. . . tulad nito. Nakakatakot, sobrang nakakatakot.
Kung ako'y tatanungin ay mas gugustuhin kong manatili nalang sa aming sinasakyan. At least, sa loob, alam kong safe kaming lahat. But knowing Ashton and my group, they will do everything just to get inside of this freaking hell laboratory and to kill that crazy Mad Scientist.
Binuksan ni Lucas ang pinto at pumasok. Nagkatinginan kami ni Farrah. Isa 'rin itong hagdan pababa, akala ko ba ay mapanganib?
"What are you waiting for? They will notice you. Come on, let's go," Bulong ni Lucas na hininaan ang mga kahina-hinala nang mapansing hindi kami kumikilos. Nagdadalawang isip pa ako nang may hawakan ito sa pader at inilubog ang tiles. Nanlaki ang mata ko.
Akala ko daraan kami rito sa hagdan pababa para makarating roon sa basement, ngunit nagkaroon ng panibagong daan na siyang ibang-iba, dahil halos parang daan ito sa loob ng pader! It reminds me of Petterson University-shit! I forgot to ask about it to the President-the owner of the school!
But fuck. . . so the basement is a secret, after all. Finally, we're going to unleash it's secret. Fuck! I'm getting excited.
BINABASA MO ANG
Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓
Action#Wattys2016Winner | TAGLISH A Sci-fi/Action Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Everything was natural until an unknown virus emerges in their homeland, and it began in their school. Now, Kaesha Unice's ordinary life turned into a cycle th...