SPECIAL CHAPTERS ARE UNEDITED. YOKO NA, TINAMAD NA KO MAG EDIT. SALAMAT HAHAHAHAHA.
My late Christmas and advance New Year gift for all of you. ♡
Ps: Don't expect too much. 😂
--Nakahalumbaba ako at sunod-sunod ang pagbuntong hininga habang nakatingin sa labas kung saan ang lahat ay nagkakasaya kasama ang kanilang mga magulang at mga kaibigan.
It's New Year's eve and unlike our typical ‘family’ celebration, wala akong kasamang magcecelebrate dito dahil umuwi ang mga magulang ko pagkayari ng pasko sa Pilipinas upang doon daw ipagdiriwang ang bagong taon. They said they want to start a new with their own country, start by cleaning it again and so on.
And now I was left all alone because… yeah, Ashton wants to celebrate all-the-freaking holiday with me at ang sabi nya'y kung uuwi daw ako ng Pilipinas kasama sila Daddy ay sasama rin sya— which is ang unfair naman sa daddy nyang busy noong pasko kaya ako na lang ang nag adjust para sa kanila.
Sweet ko di'ba?
I sighed again. Ang nakakainis lang ay ang taong ‘kasama’ ko raw na magcecelebrate ay wala dito. Ang nice di'ba?
Sa totoo nyan ay lahat kami'y dito sa US nagpasko noon, kahit sila Tita Hyacinth ay pumunta rito para iyon ay ipagdiriwang. Masaya naman ang naging pasko namin, kahit na hindi na tulad ng dati dahil… hindi na kami kumpleto, pero kahit gayon ay hindi parin namin sila kinalimutan.
Iyon lang, kailangan nilang bumalik kaagad sa Pilipinas dahil walang naiwan doon. Yes, lahat ng nasa mansyon ni Tita Hyacinth ay isinama nya sa US para naman hindi sila malungkot kahit na wala na ang kanilang mga pamilya. Pero ang totoo ay dahil lahat kami'y pamilya na ang turing sa isa't isa.
Bakit ba nila kailangang bumalik? Simple lang, dahil hindi pa rin tapos ang zombie outbreak— the apocalypse. Hanggang ngayon ay mapanganib pa rin ang lumabas mag isa dahil hindi namin alam ang maaaring mangyari. And yes, up until now, the cure isn't enough yet to cure everyone who became zombies.
At dahil nga sa nakalap naming balita— na may bagong mastermind ng ‘panibagong’ zombies ngayon.
As of our case, yes, we will help, but we have to prepare first. After all, we are humans, ‘just’ a human. And in just one mistake, everything might turn upside-down.
As of our new ‘project’, it was delayed because of that— the new outbreak that the cause is still unknown. Hindi ko rin alam dahil base sa nakalap naming impormasyon, mas mapanganib daw ito, mas nakakatakot. Kaya talagang pinaghahandaan ng maayos.
I sighed again. So in the end, here I am in a coffee shop, alone, while everyone around me are enjoying their New Year's Eve.
Tumingin ako sa aking relo. It's already 09:45 na pala. Kaya naman halos lahat ay nasa labas na at nagsisindi na ng kanilang mga paputok.
Inilibot ko ang paningin sa paligid. There are police everywhere incase that someone might get hurt, you know, children. Okay lang rin namang maglakad-lakad dahil ang mga nagpapaputok ay nasa gilid lang malapit sa daan, at isa pa, ipinagbawal rin ang paggamit ng ibang paputok na hinahagis mismo. Oo, kunyari gets nyo nalang.
Sumipsip ako sa frappé na aking inorder bago ko napagpasyahang tumayo. Babalik na lang siguro ako sa kwarto, or sa dorm na pinags-stay-an namin dito. Atleast kahit na sobrang nakakabasag-taynga ang ingay dahil sa sobrang lakas ng kanilang patugtog, isama pa ang ingay ng boses nila, ay pakiramdam ko'y hindi ako mag iisa.
Bwisit kasi si Ashton, eh!
Ngumuso ako sa aking naisip. Binuksan ko ang pinto, sakto ay ang paghangin mula sa labas. Napahigpit ang kapit ko sa frappé ko at napayakap sa aking sarili. Still, mas grabe ang lamig noong pasko pero ngayong nasa labas ako ay pakiramdam ko'y walang pinagkaiba.
BINABASA MO ANG
Zombie Outbreak: The Apocalypse ✓
Action#Wattys2016Winner | TAGLISH A Sci-fi/Action Story ⋘ ───────── ∗ ⋅◈⋅ ∗ ───────── ⋙ Everything was natural until an unknown virus emerges in their homeland, and it began in their school. Now, Kaesha Unice's ordinary life turned into a cycle th...