Naiintindihan mo ba ako?
keizke
(A/N: Nasa gilid po si Zeke Tristan Villaroza ---------->)
“Paano mo nga ba muling sisimulan ang buhay? Paano mo muling ibabalik ang dati nitong saysay? Paano mo muling madaraanan ang tulay ng tagumpay? Paano mo mababawi ang saya mong taglay, ang pag-asang dating sayo’y nanalaytay? Paano mo bubuhayin ang pag ibig na nawalan ng kulay”
_____________________________________________________________
Mga tanong na namutawi sa aking mumunting isipan. Animo’y suliranin na suntok sa buwan kung iyong subukang sagutan. Natanong ko ang aking sarili, paano nga ba? Kung tutuusin madali lang naman, haha! Sinong niloko ko? Buhay nga naman! Puno ng misteryo, hiwaga, pagkabigo, tagumpay, saya, takot, lungkot, pangamba, gagamba. Ayt, peste kasing gagamba ito! Nawala tuloy ang moment of wisdom ko!
Oo nga pala, panay ang moment ko pero wala pang nakakakilala sa akin. Mas mabuti na yun, hehe. Hindi naman kasi mahalaga ang pangalan sa buhay. Ginamit lang ito para may mapagkilanlan ka. Pero ang totoo, hindi naman yun kailangan para makilala ang pagkatao mo. Hindi ang pangalan ang bumubuo ng katauhan mo. Maiba tayo, ako? tipikal na tao para sa lahat, pangkaraniwang kapwa para sa iba, puno ng sikreto sa sarili. Yan ako! (puno ka nga ng sikreto, tipid mo e)
Lumabas na ako ng bahay para hanapin ang sagot ng buhay, este lumabas na ako ng bahay para pumasok sa paaralan habambuhay. Haha! Kung hindi niyo naitatanong, hindi naman sa pagbubuhat ng sariling upuan sa mesa, magaling ata ako sa klase. Paborito ako ng mga teacher ko! Paboritong pangaralan at pagalitan. Kaya ayon, dalawang taon na ako as 4th year high school, astig no? bakit? Magaling nga kasi ako sa maraming bagay tulad ng:
-Magaling pumasok ng maaga pagkatapos ng nakalipas na 3 subjects. (nasanay na ata sa sila sa akin kaya hindi na nila ako pinapansin sa mga ganyang pagkakataon.)
-Magaling gumawa ng assignment. (sa oras ng pasahan! Haha, atleast nagawa ‘di ba?)
-Magaling makinig ng mga lectures at lessons (ang ibig kong sabihin e sa mga pangaral dahil lagi akong tulog, kapag hindi tulog, lumilipad ang isip)
-Syempre magaling sa uwian! (paborito ko kayang subject yun!)
Hindi ba? Sinong nagsabing hindi ako magaling? (sino at ihahanda ko para sa fiesta ng mga cannibal. Haha) Minsan napaisip ako, kuntento na ba ako sa buhay na ganito? Hanggang dito na lang ba ako? Lahat tayo may kanya-kanyang pangarap na nais matupad, kaya matutulog na ako! Haha!
Biro lang, nakikinig ako ngayon sa mga lessons ni sir sa Filipino. Ano nga ba sinasabi niya? Ayun, tungkol sa wika! Dalawang taon na ako sa klase niya pero hanggang ngayon, wala pa rin akong ideya kung paano nagsimula ang wika. (Nakakapag isip ka di ba?)
Paano kaya nila natutunan ‘yon? (Hindi ba kayo nagtataka?) anong pwersa kaya ang tumulong sa kanila para masambit ang oo, hindi, ako, ikaw, tayo, tao, ikaw, hayop? Dahil nga kaya sa paghampas ng hangin sa kanila? Pagsuntok ng lupa sa kanilang mga paa? Pagdampi ng tubig sa kanilang mga balat? O ang pag init ng katawan mula sa apoy?
Baka naman dahil sa mga hayop sa kagubatan? Natuto kaya sila sa paghuni ng mga ibon? Pag ungol ng mga unggoy? Pagwawala ng mga tigre? Haha! Daming tanong hindi ba? Pero dahil nga sa magaling ako, hindi ko alam kung paano. Move on na tayo sa salita (Ayoko nga! Sasabihin mo pa yung isa!)Ok sige, eto na nga, chilax dude. hmm. Nagtataka rin ba kayo kung paano ginamit ang mga ito? Sino kaya ang nagpasimula na ang tawag sa tubig ay tubig? Ang tawag sa puno ay puno? Na ang mata ay mata, kahoy ay kahoy, ulap ay ulap, balbas ay balbas? (ano kaya ang pumasok sa munting karne ng ulo nila kung bakit ganon ang nangyari? Haha) malaking palaisipan sa akin ang mga ito.
____________________________________________________________
Mababago kaya ang pananaw mo kung iba pala ang tawag sa mga nakasanayan natin?
Halina’t tingnan natin sa iba’t ibang anggulo (mga bata, isulat sa papel para hindi makalimutan!)
*Paano kung ang tawag pala sa bahay ay tenga?
Mare 1: Wow! Ang ganda naman ng tenga mo mare 2, anlaki!, siguradong maraming laman yan!
Mare 2: Hindi naman mare 1, tama lang, kumayod si kumpare 2 kaya marami pang laman sa tenga namin.
*Paano kung ang tawag pala sa tsokolate at t*e?
Sis 1: Sis 2, antakaw mo naman sa t*e, mamigay ka naman!
Sis 2: kumuha ka ng sarili mong t*e ano ba? Pero mas masarap ang akin panigurado. Hahaha!
*Paano kung ang tawag sa kotse ay bra?
Pare 1: Pare 2, astig ang bra natin ah? Kulay pula! Magkano bili?
Pare 2: Mura lang pare 1, sa kaibigan kong mayaman nabili, gusto mo gamitin minsan itong pula kong bra?
Pare 1: Oo naman pare 2!
____________________________________________________________
Magbabago kaya ang pananaw mo? Syempre naman, HINDI! Namulat tayo sa iba’t ibang tawag at bansag ng mga bagay na nakapaligid sa atin. Hindi ka maninibago dahil iyon ang una mong paniniwala, dahil iyon ang unang ipinaniwala sayo. Hindi ka magtataka kung ano ang isiniwalat sayo ng mundo. Kung nabuhay lang ako sa panahon kung saan wala pang pangalan ang mga bagay at bibigyan ako ng pagkakataong magpangalan sa isang partikular na bagay, gagawin kong tawag sa silya/upuan ay inidoro at ang pera ay bato! Haha! (Natatawa ka? Hindi ka naman dapat matawa e, minimulto ka lang ng paniniwalang pang banyo ang inidoro pero kung nakagisnan mo ng itawag ay inidoro sa upuan, walang nakakatawa.)
Aray! Binato na pala ako ni sir dahil hindi na naman ako nakikinig. Kung bakit kasi palagi akong tulala at maraming iniisip. Haay, kaya hindi ako makagraduate e. Lumabas muna ako ng room, breaktime naman kasi kaya dimeretso na ako sa paborito ong tambayan dito sa campus. Kung saan tahimik at payapa ang kapaligiran. Isang malaking puno, masarap tumambay sa lugar na ito, lalo na sa panahong tinatawag ka ni pareng buryong at mareng marta. Second bedroom ko na ito!
____________________________________________________________
Baka nagtataka kayo? (Magtaka kayo please :’( ) Baka tinatanong niyo ang sarili niyo? Isa isahin natin mga agam agam na yan.
Katanungan #1: May magulang ka ba?
“Malamang lamang yun, ano ako putok sa buho? Haha, separado na sila, si mama may iba ng pamilya, si papa may iba ng mama, pero ok lang. (anong ok? Hindi ok yun!) sabagay, mahirap mabuhay ng hindi kompleto ang pamilya, bata pa lang ako e ganito na ang kinamulatan ko, nasa lola ko ako ngayon. Mahirap ang walang magulang, hindi mo alam ang pakiramdam ng may nag aaruga sayo sa tuwing kailangan mo ng karamay, hindi mo alam ang sayang dulot kapag kasama mo ang iyong pamilya. Masaya naman ako, kahit paano, oo, kahit papaano. Kaya siguro ganito ako.”
Katanungan #2: May mga kaibigan ka ba?
“Oo naman! Kaya nga mag isa lang ako palagi e! Hahaha! ayaw ata sa akin ng tao, weird daw ako, hindi nila ako maintindihan, o hindi nila ako gusting intindihin.”
Katanungan #3: Ilang taon ka na?
“Marami ang nagtatanong nyan, mga dalawa. 18 na ako, maaga ako nakapag high school dahil sa tito ko. (kunwari may tito ako at siya ang may ari ng school na pinapasukan ko ngayon. Haha)
Katanungan #4: Nagka-girlfriend/May Girlfriend ka ba?
“NGSB ako! Haha!”
… hanggang sa,
____________________________________________________________
Please leave a comment if possibel :) para po sa next update may mga other ideas ako.
Thank you!
next...
YOU ARE READING
Naiintindihan mo ba Ako? -Completed-
HumorNandito lahat ng kalokohan, katatawanan, emosyon, lungkot, pangamba, hinala, tiwala, pag asa, pagibig, takot. Keep on Reading!