Naiintindihan mo ba Ako?
keizke
____________________________________________________________
Good morning! Kakagising ko lang mula sa mapait na kahapon. Kailangan ko ng simulan ang buhay at ibaon lahat ng masasamang dulot ng noon. Tulad ng nakagawian, kumain muna ako kasabay ng lola ko na pilit pinapakita na normal lang sa bahay. Pero alam ko sa sarili ko na gustong gusto niya akong yakapin para pagaanin ang loob ko, ayaw niya lang siguro na maisip kong mas magiging kaawa ako. Tama naman, ayoko ng kinakaawaan ako, kaya hangga’t maaari, itinatago ko lahat ng saloobin ko. Pagkatapos ko gawin ang lahat ng bagay, pumasok na ako ng school.
Ganon pa rin naman, late pa rin ako, pero hindi na katulad ng dati na sa pangatlong subject, sa unang subject na lang. Ambilis ng panahon, September na pala. Parehas pa rin ang daloy ng pagtuturo, pero iba na ngayon dahil ka kwentuhan ko na si Steve sa mga kalokohan.
Steve: Ano Zeke? Dota na tayo mamaya? Friday naman ngayon e, walang pasok bukas.
Ako: Pass muna ako paps, wala ako sa mood karnehin ka e.
Steve: Asus, kay Gail yan ano?
Ako: Wag mo nga ilakas boses mo, para kang babae, upakan kita diyan e.
Steve: Haha! Asus, Dota na kasi tayo. Bayad rent.
Ako: Ayoko nga sabi, baka sisihin pa ako ng nanay mo at hindi ka nakapag mirienda kasi wala ka ng pera.
Steve: Woooh! Imba ka a? haha
Ako: Oo, kaya tumigil ka na, may iniisip ako.
Tumigil nga ang mokong, nagsawa na rin siguro kakapilit sa akin, ayoko naman kasing mag Dota ngayon e, wala ko sa mood makipag trashtalk-an. Hindi ko namalayan break time na pala, lutang na lutang ako ngayon. Haaay. Pumunta na lang muna ako sa ilalim ng puno, matutulog na lang muna ako, hindi ako masyado nakatulog kagabi. Hindi ako tinitigilan ng utak ko, hindi ako pinapatahimik ng damdamin ko.
Nagbasa muna ako ng Green na Libro ni idol, kahit ilang beses ko na itong nabasa, natutuwa pa rin ako basahin ito. Wala na rin sa isip ko na nasa likod ng punong ito ang babaeng nakanta habang naggigitara. Sabi ko nga, bagong buhay na dapat. Eto na…
Eto na…
Tinutulungan na ako ng mga talukab ng mata ko na isara ito para dalhin ako sa mundo ng katahimikan.
“HOY! Bawal matulog dyan!”
Sh*t!. Sino namang nakakaasar na nilalang na ‘yon ang sumira ng sakayan ko patungo sa paraiso? ‘Yon na yon e.
Ako: Bakit ka ba nag..-
Natahimik ako bigla, nagulat ako, paanong…? Si Louise pala yung nagsalita. Nakalagay ang dalawa niyang kamay sa magkabila niyang bewang at parang CAT officer na bugnot dahil palpak ang hawak niyang kadete.
Louise: Napatulala ka diyan? Hahaha! Epic ang itsura mo Zeke!
Tawa siya ng tawa. Nakakapikon ang babaeng ito a?
Louise: Sabi ni Steve dito lang daw kita matatagpuan. Tama nga siya. itigil mo na yan, tulo laway mo! Pinapapunta tayo ni President sa room, may meeting daw para sa Foundation day.
Pinunasan ko ang bibig ko, wala naman laway. Tsk. Kung hindi to cute hindi ko na pinansin ito. Oo nga pala, Auditor nga pala ako ng klase at treasurer siya . Geez.
Ako: Ok po Madam, halikan kita dyan e.
(pero sa mahinang sabi lang "yung halikan kita dyan" baka marinig totohanin pa niya haha)

YOU ARE READING
Naiintindihan mo ba Ako? -Completed-
HumorNandito lahat ng kalokohan, katatawanan, emosyon, lungkot, pangamba, hinala, tiwala, pag asa, pagibig, takot. Keep on Reading!