Naiintindihan mo ba Ako?
keizke
***
… hanggang sa,
Nakatulog na pala ako sa sarap ng hangin na humahalik sa aking mukha. Pero bakit parang nabasa ang pisngi ko? Tulo laway kaya ako? (hindi naman). Pagmulat ng mga mata ko, maitim ang ulap, nababanaag ang sama ng panahon, hmm. Siguro ambon lang. Agad akong tumayo at tumakbo palabas ng school. Uuwi na lang ako total late na naman ako sa panghuli naming subject. Humagilap ako agad ng tricycle kasi bakas sa mukha ng langit ang malakas nitong galit ng pag-ulan.
“Init mula sa araw, pag asa aking natatanaw,
Ulang hatid ay ginaw, lungkot na tila dumadalaw.”
-Quotes ng Buhay Mo (promote pag may time :D)
Nasa kwarto na ako ng aming bahay. Inayos ko muna mga gamit ko. Sh*t! nawawala ang notebook ko! Asar! Naiwan ko ata sa puno. Geez. Yaan na yun, may paniniwala akong ang bagay ng hindi mo hinahanap ay magpapakita sa’yo! Anyways, Mahilig ako magbasa ng mga ganyang uri ng mga grupo ng salita. Mga katagang sumasalamin sa kung ano ang nararamdaman mo. Ewan ko ba, isa’t kalahating madrama talaga ako sa buhay. Mahilig din ako sa music. Gusto kong makarinig ng mga musikang nagkukwento ng sarili kong nararamdaman. (kayo rin ba?)
Minsan, ang musika ang nagsasalita sa pagkakataong ito lamang ang nakakaintindi sa aking nararamdaman. Naiisip ko, ako ba ang composer ng mga ito? Para kasing sinasalaysay nila ang pangarap, damdamin, pagkabigo, sakit, saya, lungkot, pagibig, takot at ang mga gusto kong sabihin na ‘di kayang sambitin ng nalilito kong mga labi.
Hindi naman talaga ako emo, nilalabas ko lang ang totoong ako.
1 message received
From: <unknown number>
Hi!
***
Himala! May nagtext sa akin, bukod kasi sa text ng lola ko (oo! techie ata yun!) kapag nag aalala na siya, buddy balance ang katext ko. Nilo-loadan ako ni lola para makapagreply daw ako sa kanya. Hmmm. Sino naman kaya ang nilalang na ito? Paano niya nalaman ang number ko e si lola lang naman ang contact ko? Sabi ni lola, wag daw ako maniniwala sa mga hindi ko pa kilala, bahala siya. Haha! Don’t talk to strangers ika nga.
1 message received
From: <unknown number>
Hello? Tulog ka na ba?
***
Ang kulit neto a?
From: Me
Paano mo nalaman number ko? Masama kang tao no? wala akong panahon sa mga taong hindi ko kilala.”
-send-
***
Teka… hindi kaya sa notebook nakuha yung number ko? Naglagay kasi ako dun ng number ko para kung sakaling mawala ko ‘yun, (na naiwala ko nga ngayon) e maitetext ako. Paktay! Baka hindi ibalik sa akin yung notebook ko. Mahalaga pa man din sa akin yun.
1 message received
From: <unknown number>
Haha! Andami mo naman tanong. Ganyan ka ba talaga? Hindi ako masamang tao, Hahaha! Natatawa talaga ako, hmm. Anyway, I’m Gail, Gail Xyril Zuestre. Nakuha ko yung notebook mo, tinext kita para maisauli, medyo nabasa nga dahil sa ulan, ikaw sino ka? Walang pangalan sa notebook mo e.
***
Tawanan daw ba ako? Ano namang nakakatawa sa sinabi ko? Hmm, Gail? Parang kilala ko ito a? ay hindi pala. Buti naman at may nakakuha ng notebook ko. Kung nagkataon, naging pataba na yun sa lupa. Haha! Sabi ko naman e, kapag hindi mo hinahanap, magpapakita! Sabihin ko kaya kung sino ako? Ok lang naman siguro, mabait naman siya.
From: Me
Salamat, Zeke. Kunin ko na lang bukas, sa puno, bye.
-send-
***
Tama na siguro yun, makatulog na.
1 message received
From: <unknown number>
Antipid mo naman magtext, ah Zeke. Zeke pala, ok sige, Goodnight. Sa ilalim ng puno bukas. Welcome =’)
***
Andaldal naman nito, ganito ba talaga mga babae? Tss. Yun lang naman ang sasabihin ko kaya hindi ko na kailangan pahabain. Bahala siya. Tutulog na talaga ako, bukas naman pagkakuha ng notebook ko. Hindi na magtetext ‘yun.
…Kinabukasan,
Nagpunta na agad ako sa tambayan ko pagkatapos ng mga klase. Pagkaupo ko sa ilalim ng puno. Nagulat ako, may kumakanta malapit sa akin. Hindi lang kumakanta, kasabay niya ang pagtugtog ng gitara. Parang nakadungaw ako sa isang mapaglarong bintana ng langit. Ayokong mahulog sa hagdan ng kanyang awit. Agad akong pumunta sa likod ng puno para malaman kung sino ang babaeng nasa likod ng mapanukso niyang himig.
Natulala ako bigla…
Hindi ko akalain,
***
Next -> CHAPTER III
YOU ARE READING
Naiintindihan mo ba Ako? -Completed-
UmorismoNandito lahat ng kalokohan, katatawanan, emosyon, lungkot, pangamba, hinala, tiwala, pag asa, pagibig, takot. Keep on Reading!