Naiintindihan mo ba Ako?
keizke
______________________________________________________
Panibagong araw na naman. Panibagong buhay para huwag ng balikan ang noon at tuluyan ng ibaon. Pagkakataong tanawin at iwanan na ang bintana ng kahapon at haraping muli ang hagdanan ng pagkakataon. Oh buhay, napakahiwaga. Balot ng misteryo at anggulo.
Pero gusto kong silayan ng silayan ang kahapon ko. Sa wakas, nakilala ko na siya. mamaya pagpasok ko, gagawin ko na ang ipinangako ko sa sarili ko. Oo, tama kayo, liligawan ko na siya. ano kaya magiging sagot niya kapag tinanong ko siya ng,
“Ah, Gail, pwede ba kitang ligawan?”
Parang ang corny naman nun, walang dating. Haay, bahala na nga.
Late na naman ako sa class ko, wala namang bago dun. Boring na naman ang klase. Paulit ulit na lang ang mga itinuturo. Nakakasawa na. Nakakasawa ng mag-aral. Haha! Biro lang, hindi na nakakasawa mag aral kasi may prospect na ako. Simula na kaya ito ng magandang pagsasamahan? Simula na kaya ito ng bagong pagkakaibigan? Simula na kaya ito ng bagong ako?
Mali pala ako, (-_-) simula na pala ng pagsermon ulit sa akin, nahuli na naman akong hindi nakikinig sa klase niya. Hanggang matapos ang klase, bida ang pangalan ko na huwag akong tutularan dahil magandang ehemplo ako para sa masasamang gawain.
Pumunta na agad ako sa paborito kong tambayan. Dalawa lang naman dati ang dahilan kung bakit ako napunta sa ilalim ng puno. Una, para magbasa. Pangalawa, para matulog. Pero ngayon masasabi kong tatlo na ang dahilan ko. Iyon e ang pagbabaka-sakali na makita kong muli si Gail.
Hindi ako nagkamali, habang papalapit ako e rinig ko na agad ang kanyang pagkanta kasabay ng pagtugtog niya ng gitara. Umupo na ako sa ilalim ng puno, ayoko na siyang istorbohin, mas nanaisin ko pang marinig ang pagkanta niya sa mga oras na ito. Para kasi akong hinehele. Haha!
Naalala ko bigla ang sinabi ko kanina sa sarili ko, ligawan ko na kaya siya? haay, mahirap talaga kapag wala kang karanasan sa ganitong pagkakataon. Hindi mo alam kung paano sisimulan, wala kang alam kung ano nga ba magandang bwelo para masabi mo ang nadarama mo. Nawala ang pagtugtog niya ng gitara, tapos na siyang kumanta. Siguro may klase na sya, samantalang ako, wala ng balak pumasok pa.
Gail: Hi Zeke!
Nagulat ako, nasa gilid ko na pala siya. ang ganda niyang talaga.
Ako: Hello!
Gail: pwede lumapit?
YOU ARE READING
Naiintindihan mo ba Ako? -Completed-
HumorNandito lahat ng kalokohan, katatawanan, emosyon, lungkot, pangamba, hinala, tiwala, pag asa, pagibig, takot. Keep on Reading!