Chapter 8-Zeke's POV

112 4 1
                                    

Naiintindihan mo ba Ako?

keizke

________________________________________________________

Ambilis ng mga araw. Hindi ko namalayan na isang buwan na pala ang nakakalipas. Maraming nabago sa pagkatao ko. O mas magandang sabihin na maraming nadagdag sa ugali ko. Naging palakaibigan na rin ako, pero hindi yung tipong magiging Most Friendship ako ng Mundo.

#1 – Friendly pero Loner

Magulo ba? Haha. Syempre mas gusto ko pa rin mag isa, pero ok na rin sa akin ang may kasama. Hindi yung kailangan ko pa batiin lahat ng makakasalubong ko para lang masabi na friendy ako. Yung mga tao lang na interesado ako at sa akin ang nakikilala ko at nagiging kaibigan  ko.

Nakakasama ko na sila Steve Ocampo, ang walang hiyang kaklase ko na nagturo sa akin maglaro ng dota (pero ok lang kasi masaya naman haha), si Heiley Louise Monreal, yung transferee sa school namin, nakilala niyo na siya.

(A/N: yan na lang muna dahil may story kami niyan :D, sequel ng Naiintindihan mo ba Ako: Like a Shooting Star)

Si Kirsten Jane Opengco, bestfriend kong babae, classmate ko rin.

(A/N: yan na lang rin muna dahil may story rin kami niyan! Sequel ng Like a Shooting Star: Breaking into Pieces)

#2 – Mabuti pero Masama

“Masama akong tao, tulad mo, sa parehong paraan na mabuti kang tao, tulad ko.”

–bob ong

Thanks idol! Hehe. Yeah. Kung ano ang ugali mo sa akin, ganon din ako sayo. Kung mabait ka, mabait din ako, kung masama ka, masama din ako. Pero mas trip ko maging masama. Medyo bad boy B-)

#3 – Tahimik pero Maingay

“Mapapatawa mo ako sa napakababaw nabagay sa parehong dahilan na mapapahiya ka sa napakalalim na paraan”

-keizke

(A/N: Nasa Quotes ng Buhay po yan. Promote promote din pag may time) 

Yeah, ganon ako. Kapag maingay ang paligid, either makisali ako sa ingay dahil trip ko ang ingay o tatahimik ako dahil ayoko ng pinag uusapan niyo. Pero depende pa rin sa mood ko.

 ____________________________________________________

Oh di ba? Kapag hindi ko nakakasama si Gail, si Steve ang kasama ko para maglaro ng dota doon malapit sa school. Marami kami ibang nakakalaro na ibang section, ibang year o di kaya naman mga tambay doon na tila bahay na nila ang computer shop na yon.

Maraming nagtatanong kung bakit daw nakakaadik ang dota. Lalong lalo na ang mga babaeng may boyfriend na nahuhumaling rin sa dota. Para sa akin kasi, hindi lang puro trashtalk at pag uubos ng pera ang dulot non, nabubuo din ang pagkakaibigan at kasiyahan. Bukod sa nakakalibang na, swak pa itong pampalipas ng oras. Yon nga lang, yung iba nauubos na ang pera dahil sa dota. Kumporme na lang talaga sa tao yon kung paano nila gagamitin ang oras at pera nila sa paglalaro nito.

Kakauwi ko lang ng bahay galling sa computer shop. Naka tatlong laro kami ni steve.

Lola: oh Zeke, kain ka na.

Ako: sige po lola, sabay na po tayo, magbibihis lang po ako.

Ang bait talaga ng lola ko. Sa totoo nga niyan natutuwa siya sa akin ngayon. Hindi na daw ako palaging nasa bahay, tapos may mga kaibigan na rin daw ako. Kahit naman ako natutuwa rin lola sa totoo lang. para kwits. Hehe

Sabay na kaming kumain ni lola pagkatapos kong maglinis ng katawan at magbihis ng pantulog. Nakahiga na ako sa kama. Naisipan kong itext si Gail, since hindi kami nagkita kasi busy daw siya sa studies niya ngayon. Naiintidihan ko naman yon.

From: Me

Good Evening Gail :)

 -Send

Pwede na siguro yon, baka nakakaabala ako sa kanya e. pero after 30mins. wala pa ring reply. Siguro busy siya pag aaral o kaya wala siyang load ngayon. Tss. Ok lang.

1 message received

From: <unknown number>

Hello Zeke! Kamusta ka?

Sino naman to? Dahil ba may kaibigan na ako e marami na akong textmate? Haha. Loko. Hmm mareplyan na lang.

From: Me

Hello din. Sino po ito?

-Send

1 message received

From: <unknown number>

It’s Me Louise. Hehe kinuha ko no. mo kay Steve.

Ah si Louise pala ito. Hehe. Yung cute na babaeng transferee. Yeah I admit cute siya. Nakakasama ko na siya kapag may mga group studies. Ok din nman pala siya, go lagi sa mga trip. Akala ko kasi nung una maarte siya, hindi pala. Masaya rin siya kasama tsaka matalino rin siya. mareplyan nga.

From: Me

Ah, ikaw pala Louise, hehe kamusta?

-Send

1 message received

From: Louise

Ok lang naman. :) ikaw?

From: Me

Ok lang rin naman, bakit gising ka pa?

-Send

1 message received

From: Louise

Kasi hindi pa tulog? Hehe, biro lang, gusto kita itext e.

Ha? Ano kaya yun? Anong gusto niyang palabasin sa sinabi niyang yon? Hmm. Yaena na, baka nantitrip lang ito. Ma trip nga rin. hihi

From: Me

Ah,ganon ba? Same pala tayo.

-Send

1 message received

From: Louise

Hehe. Weh? Anyway, malapit pala bahay mo sa amin, sabay na tayo pumasok bukas ^_^

From: Me

Ok sige. Walang problema sa akin

-Send

1 message received

From: Louise

Sige, kita na lang tayo sa may kanto. Goodnight Zeke :*

From: Me

Sige. Goonight rin.

-Send

Maitext din kaya si Gail ng goodnight? Haaay, hindi man lang siya nagparamdam kahit paano. Tsk. Huwag na lang. hindi rin naman niya napapansin e. hindi kaya? Haay. Buhay talaga.

___________________________________________________

NEXT ----> Chapter 9-Zeke's POV

Naiintindihan mo ba Ako? -Completed-Where stories live. Discover now