Chapter 9-Zeke's POV

73 2 0
                                    

Naiintindihan mo ba Ako?

keizke

_____________________________________________________________

Maraming nangyari nitong nakaraang buwan. Nung mga bandang una at ikalawang linggo ng panliligaw ko, ok pa kami ni Gail, ramdam ko ang importansya ko sa kanya. Dama ko ang saya niya kapag magkasama kaming dalawa. Akala ko ok na ang lahat, pero akala ko lang pala.

Pakiramdam ko hanggang sa manligaw na lang ako, oo, nakakasama ko pa rin naman siya, nang saglit na nga lang. Hindi na tulad ng dati. Pakiramdam ko taken for granted na ako. Naiiwan sa isang tabi kapag may dumadating na kakilala niya. Nung bago bago, ok lang sa akin, kasi ayoko naman na ikulong siya sa mundo ko. Pero hindi pala, baliktad pala ang nangyari, ako pala ang nakulong sa mundo niya.

Isang buwan. Isang buwan ang lumipas. Maraming nagbago. Maganda man o masama. Lahat nagsama sama na, naghalo halo. Nangingibabaw ang lungkot at pangamba sa nangyayari sa amin ni Gail. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman, naguguluhan ako, marami ang napasok sa isip ko kung ano ba ang dapat kong maramdaman.

1.     Mainis kasi hindi na katulad ng dati?

2.     Malungkot dahil sa takot na mawala na siya?

3.     Sumaya?

Teka sumaya? Pano naman napasok sa isip ko ang sumaya? May dahilan ba para sumaya? Tsk. Baliw na nga ata talaga ako. Siguro dahil kay Steve kaya ok lang, at kay Louise.

Nagbabasa ako ngayon sa ilalim ng puno. Nagbabaka sakaling pumunta dito si Gail. Nililibang ang sarili kahit busy ang utak kakaisip sa maraming bagay. Pero walang Gail na nagpakita ng mga oras na yon, walang babae na may gitarang hawak at kumakanta sa likod ng punong sinasandalan ko ngayon. Nawawalan na ako ng pag asa. Hindi ko maisip kung ano nga ba ang nangyayari sa amin. Ok naman kami nitong mga nakaraan pero bakit ganito ang nangyayari ngayon?

Bago sa akin ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maunawaan kung paano ko bubuhatin ang bigat ng nararamdaman ko ngayon. Umuwi na ako ng bahay. Tapos na naman ang klase, tapos wala naman akong pupuntahan. Haay, mahirap pala kapag ganito na ang nararamdaman mo, hindi ka mapakali.

(A/N: If You want to hear the music play it on youtube. - http://www.youtube.com/watch?v=e1S0xRPasFA)

Huli na ang Lahat by Silent Sanctuary

***

Lalabas na muna 'ko ng bahay magpapahangin lang

Maya maya pa't mababawasan ang tinik sa kalamnan

Dati-rati sa tuwing tayo'y may tampuhan lambingan ang sagot sa daan

Anong nangyari, laging sinasabi "Pag-ibig na walang hanggan..."

***

Lumabas muna ako ng bahay, naglakad lakad lang para makapag isip, tsk. Bakit kasi ganito ang nararamdaman ko e, normal lang ba ang ganito?

***

Ganyan ba talaga sa una, ibang kislap ng mga mata

Ngunit habang tumatagal ay konting kibo't naiinis na

Pumapangit ang ating itsura bumibilis sa pagtanda

Tuldok na insidente lalong gumagrabe, tiwala ay naging bula

Dumidilim ang langit.

***

Umupo ako sa may plaza, daming nagdaraan, matandang dahan dahan naglalakad, mga batang naghahabulan, mga teenager na nabili ng kung anong pagkain sa plaza, mag boyfriend/girlfriend. Aish. Nalungkot na naman ako.

***

Huli na ang lahat sa atin

Dumating na ang panahon

Diligan mo man ang damdamin

Di na lalago mga dahon.

***

Pero bakit naman ganito ang iniisip ko? Hindi naman naging kami kaya bakit ganito ang nararamdaman ko? Wala naman ako karapatan para masaktan. Pero siguro naman may karapatan ako dahil nagmamahal ako? Haay.

***

Isulat na natin ang wakas sa huling pahinang babasahin

Wala nang aatras, sabihin ang dapat aminin

Pasensya ka na di naibigay ang lahat sayo

Sabay huminga, sumisikip na ang mundo

Dumidilim ang langit.

***

Oo tama, wala naman akong dahilan para magkaganito, pinapaliit ko ang mundo ko. Pumapasok ako sa mundo ng ibang tao. May sarili rin naman akong mundo e, dapat maging masaya rin ako sa kung ano ako ngayon. Pero bakit ang hirap? Parang hindi ko kaya? May dumaang nagtitinda ng balut, may naalala na naman ako.

***

Huli na ang lahat sa atin

Dumating na ang panahon

Diligan mo man ang damdamin

Di na lalago mga dahon

Huli na ang lahat sa atin

Palayo na ang tugon

Matayog na ang puno

Ngunit ugat nama'y nalason.

***

Siguro kailangan ko na lang kalimutan ang mga yon, kahit mahirap, kahit parang imposible. Nagawa ko naman ang pangako ko sa sarili ko 4years ago e, tama. Niligawan ko naman siya. hindi naman kasama sa deal sa sarili ko na maging kami. Pero may sumisingit sa isip ko na sayang, sayang lang.

Madali ba ako sumuko? Lampas isang buwan pa lang pero atrasado na agad ako? Pasensya na, pero kaya mo bang manligaw kung pakiramdam mo wala ka ng importansya sa kanya? Na balewala ka na kapag may nakita siyang ibang kakilala at maiiwan ka na lang? mahirap yon di ba? Mahirap maiwan, damang dama ko na ang maiwan, hindi ko man naramdaman kung paano ako naiwan ng mga magulang ko, feeling ko ganito yon. Masakit pala.

Hindi ko naman malaman ang saloobin niya, hindi ko maintindihan kung bakit kami nagkakaganito, walang text, call, kahit ang makita sa campus wala rin. Paano ko mapapagaan ang nararamdaman ko?

Naglakad na ako pabalik ng bahay, iiwan ko na dito ang lahat ng masasamang nangyari sa aking buhay. Kasabay ng paglubog ng araw ang paglubog ng lungkot sa sarili ko. Kasabay ng pagdilim ng langit ang pagliwanag ng loob ko para muling buksan ang sarili sa ibang bagay.

Masanay muna sa wala.

***

Huli na ang lahat

Malaya ka na, malaya narin ako

Malaya ka na, malaya narin tayo.

***

________________________________________________________

NEXT ---------> Chapter 10-Zeke's POV (Final Chapter)

Yeah! tatapusin ko na po ang "Naiintindihan mo ba ako?" at isusunod ko na po ang sequel na "Like a Shooting Star"!

Thank you po. kahit 10 Chapters lang.

Please Leave a Comment! Thank you.

Naiintindihan mo ba Ako? -Completed-Where stories live. Discover now