Chapter 6-Zeke's POV

73 2 1
                                    

Naiintindihan mo ba Ako?

keizke

______________________________________________________

Good Morning Friday! Excited na ako bukas, walang pasok. Napansin ko ang cellphone ko, may isang nagtext.

From: Gail

 Goodnight din :* have a nice dream, God Bless.

 -End

Naman oh! Kung ganito ba lagi ang gising mo araw araw e, gaganahan kang matulog ulit. Haha! Biro lang. Agad akong nagmadali papunta ng school. Hindi ko alam kung dahil sa ayaw ko na ma late o dahil sa may gusto lang akong makita ulit. Syempre, ano pa nga ba ang aasahan sa akin. Late na naman ako, pero hindi na tulad ng dati, sa unang subject na ako late, hindi na sa pangatlong subject.

Hindi ko inaasahan pero pagpasok ko sa pintuan ay pagpasok ng isang bagong mukha sa klase. Babae siya, wala akong ideya kung mali lang ba ng pinasukang kwarto ang babaeng ito o bago naming kaklase. Nagulat din ang kaklase ko, yung iba walang pakealam, yung iba tila namangha sa mukha niya. Oo, aaminin ko, cute siya, pero wala siyang laban kay Gail. haha!

Umupo na ako agad sa pwesto ko. Dumating na si Sir. Umupo na rin si “bagong babae” sa bakanteng upuan malapit sa unahan.

Sir: Good Morning class! Isa na namang himala ang naganap dahil naunahan ako sa pagpasok ni Zeke!

Classmates: HAHAHAHAHA!

Wala namang bago dyan. Mabait naman si Sir kaya ok lang sa akin, tsaka totoo naman ang sinabi niya. Kahit ako e nagtataka e. haha!

Sir: Ehem, kung napansin niyo e may bago kayong kaklase sa section niyo. Hayaan natin siya ang magpakilala.

Tumayo yung “bagong babae” sa unahan at huminga muna ng malalim. Siguro kinakabahan.

Bagong babae: Hi! I’m Heiley Louise Monreal. I’m 17years old. It’s Nice to meet you all.

Ah. Heiley pala ang pangalan niya, umupo na rin siya pagkatapos niyang magpakilala.

Sir: Thank you Heiley, anyway class, dahil sa naririnig kong usap usapan na hindi na ginagampanan ng mga officers ang kanilang mga duties and responsibilities, gusto kong magkaroon ulit ng  election of officers.

Haay, ayan na naman tayo, maingay na naman ang klase. Iba’t ibang usapan na naman kung sino ang iboboto bilang president, chismisan na naman kung sino ang pagtitripan bilang song leader, muse at escort. Buti na lang hindi nila ako sinasali sa kalokohan nila. safe ako.

As usual, hindi na naman napalitan ang president namin at vice president. Sabagay, hindi naman kasi maitatangging mga nerds na ang itsura nila. Treasurer na. marami ng ipinasok na pangalan, pero hindi ko maintindihan kung bakit naitaas ko ang kamay ko at nagnominate ng panibago.

President: Yes Zeke?

Ako: I nominate that girl (sabay turo kay Heiley) as treasurer of this class.

Gulat si Heiley sa ginawa ko. Kahit naman ako nagulat sa ginawa ko e. kaya kwits lang. At sa hindi inaasahang pagkakataon nanalo siya. Kita mo nga naman oh, haha! At sa isa pang hindi inaasahang pagkakataon, tila ginantihan ako ni Heiley sa ginawa ko.

Heiley: I nominate that boy (sabay turo sa akin) as Auditor of this class.

Ako: I Object!

President: and why zeke?

Ako: I just object.

Pero wala na akong nagawa, sa botohan na lang ako babawi, iboboto ko yung ibang nominees para hindi ako manalo, ayokong magkaroon ng isipin araw araw. Ayokong masangkot sa trabaho. Nakakatamad kasi.

Naiintindihan mo ba Ako? -Completed-Where stories live. Discover now